Revelations.

119 0 2
                                    

~Mark's P.O.V

Nakahiga ako ngayon sa upper bed ng double deck na higaan namin. Baket? Trip ko lang. And take note, hindi ko to higaan. 

Higaan to ni Darell. I dont' know I just felt like lying on his bed.

Aalis na sana ako sa higaan niya ng may narinig akong nagbukas ng pinto. Nagtakip ako agad ng kumot at sinilip kung sino yun.

Heck it would be really embarassing if Darell will see me lying on HIS bed.

Oh, yung mga pumasok pala dito ay si Darell kasama yung mga kaibigan niya. Sila Sam at Jezzter ba yun?

Ah, what a troublesome guy. Sinabing bawal nga magpapunta ng kaibigan sa dorm eh. Aalisin ko na sana yung kumot para pagsabihan sila ng nagsalita si Sam.

"Muntik na ako mabuking!! Jusko!!" sigaw ni Sam. 

Huh? Anong muntik nang mabuking? 

"Wag kang maingay, Sam. Baka nandito si Mark!" pagsermon naman ni Darell.

"Gaga, wala nga oh. Wala din siya sa higaan niya." sabi naman nung Jezzter.

"Sorry naman. So, panong muntik ka nang mabuking?" tanong ni Darell.

"Eh kasi, inaayos ko yung breast binding ko sa abandonadong banyo ng boys dun sa may first floor. Hindi ko naman inaakala na may mga naglilibot na estudyante dun kasi nga nagkaka-klase sila, diba? Eh ngayon.... si Kyle, nag cutting classes. For sure kasi nga siya yung muntik nang nakalaman ng sikreto ko. Biglang pumasok si Kyle sa cr na yun at nakita akong naka breast binding!" page-explain naman ni Sam.

Breast binding? Mabuking? Sikreto? Holy shit.

"Naman kasi, ang tanga tanga nito! Bakit hindi mo nilock yung pinto?!" sigaw ni Jezzter.

"Gaga ka ba? Abandonado nga eh. Walang lock yung pinto. Leche." galit na sagot naman ni Sam. 

"Ahhh, pano na yun? anong sabi ni Kyle? pinaghinalaan ka ba niya?" sunod sunod na tanong ni Darell.

"Mukang hindi naman.... sana nga hindi talaga!! Kung kelan kilala na natin si Emilio dun na ako muntik ma buking!!" pagdra-drama naman ni Sam.

"Mukang hindi naman? Jusko sam, naka benda ka nga eh may unting boobs ka pa rin. Satingin mo nung nakita niya yun hindi ka niya paghihinalaan? Ang laki laki kasi niyang boobs mo eh!" pagsermon ni Jezzter. 

Shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit, shit.

Boobs? Anong boobs? Anong benda? Benda para takpan ang boobs? Eh diba ang mga lalake wala namang boobs? Well, meron naman, kaso man boobs.

Pero hindi naman kailangan mag benda para takpan yun.

Unless...

Ay...

Babae...

Si...

SAM?!

Pero bakit napaka over protective naman ni Jezzter at Darell kay Sam? Ano naman kung may makalaman na babae siya... ata? 

Wait.... don't tell me pati silang dalawa ay babae? Oh god ang gulo ng isip ko ngayon.

"Sorry naman. Hindi ko naman kasalan na pinanganak ako ng may malaking boobs eh!" sigaw ni Sam habang tumatawa. Narinig kong tumawa na rin sila Darell at Jezzter.

Without hesitation, tinanggal ko yung kumot na nakabalot saakin. Napatingin silang tatlo saakin habang nakanganga.

"MARK?!?!?!??!?!?!?" sigaw ni Darell.

Dahan dahan akong bumaba. Tinignan ko silang tatlo. Tinitigan ko sila ng sobra. Shit. Oo nga. Bakit ngayon ko lang narealize?

Mukang mga babae tong tatlong to. Uggggggggggh, napaka tanga ko para ngayon lang marealize yun. -______-

"You, you, and you. I need to talk to the three of you." sabi ko sakanila.

Nagtinginan silang tatlo at napakagat labi. Without even noticing it, nakita ko na sasapakin na ako sa muka ni Sam. Hindi ko na napigilan yun.

Tinignan ko ng masama si Sam. "Anong problema mo?" tanong ko.

"Ayyyyyyyyyyy, kasi akala ko mahihimatay ka kapag nasuntok kita. Para pag concious ka na ulit, naka tali ka na sa upuan at kakausapin ka na namin. Yung parang sa movies?" kalmadong sagot naman ni Sam.

"Mark, isang tanong isang sagot, nakinig sa ba sa usapan namin?" seryosong tanong saakin ni Jezzter.

"Oo pero accidentally. Kasi naman sa lahat ba naman ng lugar na pwede niyong pagusapan yan bakit dito pa sa dorm room namin ni Darell? Ha?" sabi ko sakanila.

"Sorry naman. Palagi ka kasing wala dito kaya dito namin ginagawa ang mga usapan namin patungkol sa sikreto naman." sagot ni Jezzter.

"Speaking of that secret, I'm not sure if tama tong hula ko. Ngayon, Darell, isang tanong isang sagot, babae ba si Sam?" tanong ko.

~A/N: Boom. Cliffhanger! HAHAHAHAHAHAHHA. Next niyo nalang yung next update. By the way, tatapusin ko na siguro to. Mga 10-15 chapters nalang bago matapos. At gagawan ko po ito ng sequel dahil wala pang makakatuluyan dito sa story na to sila Sam, Dara, at Jezzali. Thanks for reading! =D

[ EDITING ] The Love Cupids in an All Boys SchoolWhere stories live. Discover now