What if we trusted the wrong person?

100 0 1
                                    

~A/N: Sorry sa ultra mega slow updates. :)

~Sam's POV

"Kyle??!?!?!?!" sigaw ko.

Agad agad kong hinila yung necktie ni Kyle at kinaladkad papasok, binagsak ko siya sa higaan at tinignan ko siya ng masama. "Anong narinig mo?" tanong ko.

"Babae ka talaga? As in?" tanong ni Kyle saakin.

Napa face palm ako. Eto na nga ang kinakatakutan ko eh, ang kumalat yung sikreto ko na nagpapanggap lang akong isang lalake. Jusko po.

"Bakit ka nakikinig sa usapan namin? May nagutos ba sayo? Hah?" sunod sunod na tanong ni Jezzter kay Kyle. Pero umiling naman si Kyle.

"Walang nagutos saakin, nagkataon lang na pupunta sana ako dito para kausapin si Mark ng narinig ko na naguusap kayo, hindi ko nalang tinuloy yung pagpasok ko para makinig sa usapan niyo."

"Bakit ka makikinig sa usapan namin? Kasali ka ba?" galit na sabi ni Darell.

"Sorry, okay? Hindi ko sinasadyang makinig. Nacurious lang ako." sagot naman ni Kyle.

"Kahit na curious ka lang pare, hindi pa rin tama yung ginawa mo." singit naman ni Mark.

Napabuntong hininga at napakamot nalang sa batok si Kyle. "Sorry naman diba. Atsaka mapagkakatiwalaan niyo naman ako eh. Bakit ko naman din ibubuking si Sam?"

"So, sinasabing mong..... okay lang 'to sayo? Na magpanggap ako bilang isang lalake sa isang all boys school?" tanong ko.

Tumango naman si Kyle at ngumiti. "Okay lang naman, wala namang problema sakin eh. Pero wait, kung babae ka nga talaga, don't tell me... ikaw yung 'Samantha' na kaibigan ni Dara?"

Nagtinginan kami nila Dara at Jezzter. "Oo, pano mo nakilala si Dara?" tanong ni Jezzter.

"Bestfriend ko si Max eh, natural naikwekwento niya saakin yung ex niya." sagot ni Kyle.

"Kyle, pinagkakatiwalaan kita sa sikreto ko. Seryosong usapan 'to ah. Wag na wag mong sasabihin kahit kanino 'tong sikreto ko. Bawal mo rin sabihin kay MAX, nagkakaintindihan ba tayo?" 

Tumango naman si Kyle sa sinabi ko habang nakangiti. How I hope we're now trusting a wrong person. Sana naman maganda 'tong desisyon ko na pagkatiwalaan si Kyle. Gahd.

"So... pwede na ba akong umalis?" tanong ni Kyle saamin at tumango ako.

Dali dali na nga na tumayo si Kyle at narinig ko na tumakbo siya paalis. Watdapak. Bakit tumakbo yun? Omaygahd... dont' tell me-----------

"What if we trusted the wrong person?" sabi ni Mark.

"WHAT IF.........." bulong ko sa sarili ko.

[ EDITING ] The Love Cupids in an All Boys SchoolWhere stories live. Discover now