Unang Kabanata (3)

101 5 6
                                    

Nang ibigay na ang resulta sa natapos naming laban—

“Kathryn and Hunyo pumunta kayo dito sa harap” sabi ni sir Mahusay.

Magaling , magaling, magaling... class, kunin niyo na yung gold trophy ng dalawa...” napalundag ako sa tuwa.

“At dahil diyan, bibigyan ko kayong lahat ng plus one sa exam...” sabi ni sir.

“whoooooooooooa!!!!!” naging masaya ang buong klase at nag umpisa ang panunukso sa aming dalawa ni Hunyo.

“Bagay talaga kayo” sabi ni Vanessa.

“may chemistry” sabi naman ng isa.

Nang tignan ko si Hunyo, ay parang wala lang sa kanya ang lahat. Wala siyang paki alam, masaya lang siya. Yun lang.

“Tara pare, laro tayo mamaya!” sabi ni Hunyo kay Manuel.

“ Sige, basta libre mo ako”sagot ni Manuel.

Sa Parke—

“So, nakalimutan mo na siya?” tanong ni Manuel.

(Moment of silence)

Mukha namang okay kayo ni Kathryn. Mukha din siyang mabait kahit na may pagka maarte kung minsan” dagdag pa niya.

(Moment of silence)

“Tara laro tayo.” (yun lang ang nasabi ni Hunyo)

Pagka uwi ko sa bahay, niyakap ko si mama. Ibinalita ko sa kanya ang pagkapanalo namin ni Hunyo. Natuwa sina mama at papa ng malaman na magkakaroon ako ng mataas na grade. Natuwa din siya kay Hunyo, maliban doon ay gusto din nilang pasalamatan si Vanessa sa pagtulong niya sa akin.

Natapos ang isang taoon at inilabas na ang resulta ng aming grado. Ako ang nanguna sa loob ng klase at sinundan ito ni Hunyo. Pangatlo naman si Manuel, pang apat si Kimmy at pangwalo si Vanessa. Nagkaroon ng maliit na salu-salo sa bahay. Inimbita ko ang ilang mga kamag-aral at kaibigan. Kasama din dito sina Vanessa, Hunyo at Manuel. Nagustuhan ni mama si Hunyo at pati sila ay tinutukso ako sa kanya.

Sa Lumang ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon