Prologue

11.7K 146 6
                                    

Pumikit ako habang dinadama ang lamig ng hangin. It's December, ilang oras nalang ay pasko na.

"Kaitlyn, Aiden will be here any minute, better get ready. Look presentable," Paalala sa akin ni Mom at kaagad na lumabas sa kwarto ko.

Hearing his name brought chills to my whole system. Aiden Amell de Leon. Siya ang lalaking pinakaayaw kong makita.

At makakasama ko siya, sa pasko. Hindi ko alam na dito sila magpapasko ng pamilya niya, kanina pa ako binalitaan ni Mom. And I am really disappointed, I wanted to spend my Christmas peacefully. Now he's here, it will be ruined.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. I am wearing a red dress that hugged my body perfectly, I matched it with a red stilettos and a fiery red lipstick. Red, because it's Christmas.

I smiled as I finally got contented with my look. Hindi din ako nag apply ng makapal na make-up, for me, mas maganda pa din talaga kung natural beauty. And since, my skin is one of my asset, I don't need any concealer or foundation to hide anything.

9:30 palang ay narinig ko na ang pagdating ng sasakyan sa labas ng bahay namin. They're so early. I sighed as I looked through my balcony.

Unang lumabas ang Mom at Dad ni Aiden, si Tito Allen at Tita Alina, sumunod naman ang ate ni Aiden na si ate Aliyah, hindi pa din siya nagbabago, mahinhin pa din ang bawat galaw at parang tinatansya lagi ang mga kilos.

Lumabas na si Aiden sa van, wala pa din talagang nagbabago sa kanya. Tan skin, pointed nose, perfect jawline, and expressive eyes. He's still the man I hate so much.

Tumaas ang kilay ko ng nakita kong may inalalayan siyang babaeng bumaba sa van. Who's she? Girlfriend?

I laughed sarcastically as I saw him snaked the girl's waist. Ang daling maka move on ng hinayupak.

May katangkaran ang babae pero mas matangkad ako. She's wearing a red below the knee dress, and a black stilettos. Maganda siya, pero mas maganda ako.

Hindi pa ako bumaba, I want to be the center of attraction, I want to have a grand entrance. Mamaya na ako bababa. Hindi pa naman din ako tinatawag ng mga parents ko kaya okay lang.

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang outfit, I'm not contented with this. I need something that would get their attention. I need to shine tonight.

I decided to change my dress into a black dress that is above the knee, body hugging din ito at kitang kita ang magandang hubog ng aking katawan. I matched my outfit with a diamond earrings and a diamond necklace, just to look more sophisticated. I want to be better than that girl. She's pretty and quite conservative based on her looks, but she is nothing compared to me.

11:30 ng naisipan kong lumabas ng kwarto. Nasa 2nd floor pa lang ako ay rinig ko na ang kanilang mga pag uusap sa baba. Ang saya nila.

They're in the dining room. Hawak hawak ang pouch ko, I walked towards the dining room.

Pagpasok ko sa dining room ay kaagad na nawala ang kaninang maingay na mga pag-uusap. Everyone's attention is on me, this is what I want. I smiled at everyone as I paved my way towards my chair.

"Hello, everyone. Did I miss something?"

No one responded. That's what I expected. They all stared at me with awe. Na starstruck siguro at inakalang diyosa ang nasa harap nila.

Nabalik lamang sa normal ang lahat ng awkward na tumawa ang aking ina, "The typical Kaitlyn with her grand entrances," sabi niya. Nakitawa nalang ang parents ni Aiden.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now