Chapter 1

15 2 1
                                    

Pumasok si Angel kasama ang kaibigan nyang si Lea sa kilalang paaralan, ang St. Claire. Sa bakasyon lang kasi sila nagkikita-kita, kung baga video calls lang

"Girl, tara, pasok na tayo sa section natin!" masayang sabi ni Lea sa kaibigan. Tinaasan lang sya ng kilay ni Angel

"Ang sabihin mo, excited ka kasi makikita mo na naman si Nate, tama ba ako o tama ako?" sambit ni Angel

"Duh! Alam mo namang long time crush ko iyon eh."

"Whatever, basta wag kang titili basta kasama mo ko, nakakasakit ka ng tenga eh."

"Opo, hehe" tumawa si Lea at naglakad na sila papunta sa second floor

Sa kabilang dako, nando'n ang magkakambal na sina Zian at Xian. Dumaan sa kanilang harapan ang model nilang kaklase, si Mary Kate. Naka tingin lang si Xian dito habang si Zian nagchecheck sa kuko nito

"Hey, Xian!" tawag ni James sa kaklase, nilingon nya si ZIan at inakbayan "Hi babes."

Inalis ni Zian ang pagkakaakbay ni James sa balikat nito at tinignan ito ng masama

"Anong kailangan mo?" tanong ni Xian, umakto pa si James na parang giniginaw

"Dude, ang lamig mo. Brrr" sagot ni James "Anyway, gusto nyo makarinig ng joke?"

Napa roll eyes si Zian, "Bro, I have to go." Sabi nito sa kapatid at akmang aalis na pero hinatak sya pabalik ni James

"Ito naman, it hurts you know. Promise, just this one." Sabi ni James at nag puppy eyes kay Zian

"Fine, split the beans." Sagot ng dalaga

"Anong apple na hindi hugis apple?" tanong ni James, nag isip si Xian

"Wala akong maisip, meron bang gano'n?" si Xian

"Meron!" si James

"Eh, ano?" tanong ni Xian

"Edi, pineapple! HAHAHAHAHA! Don't you get it? It's funny! HAHAHA" tawa ni James habang tinitigan lang sya ng magkapatid na blangkong expression. Bumuntong hininga si Zian

"I knew it, let's go, he's insane." Yaya ni Zian at unang naglakad, sumunod naman si Xian sa kanya habang iniwan magisang tumatawa si James

Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Lahat ng estudyante na pakalat kalat kanina sa hallway nasa kanikanilang classrooms na.

Nasa loob na ang mga estudyante ng section 4-D

Pumasok sa loob ang kanilang bagong guro---si miss Tara Hernandez. Binati sya ng mga estudyante sa loob . Maya maya pa ay may pumasok sa loob ng kaninang room at lumuwa doon si Axel, as usual late na naman ito, hindi nya nasarado ang butones ng kanyang uniporme kaya kitang kita ang itim nitong tshirt sa loob

"Tsk, you're late, Axel!" sambat ni Dane sa kaklase

"Sorry naman, nahuli lang ng gising." Sagot ng binata

"Basta, bukas dapat di na 'to mauulit."

"Hm....di ko maipapangako."

"Aba't---"

"Hehe" tumawa si Axel habang lumalayo kay Dane dahil akmang sasapakin sya nito

Hinayaan muna sila ni Miss Tara na mag ingay dahil naiintindihan nya ang mga estudyanteng dalawang buwan ding hindi nagkikita kita kaya pinagmamasdan nya lamang ang kanyang bawat estudyante habang masayang naguusap 


***

Tahimik lang sa isang sulok ang isang estudyante, hindi sya napaghalataang suspicious kasi nagcecellphone lamang ito at tila may ka chat

"This Section 4-D's batch will be facing death sooner or late, be ready classmates." Bulong nito sa sarili habang nakangising tinitignan ang mga kaklase.


-heysweetcupcakes

The Devil's Sectionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن