Chapter 4

44 3 0
                                    

A/N: again and again sorry naman po sa gramatical errors at sa spelling. Bigyan kita ng BUTTERFLIES WARNING diyan eh. Charos.

Classmates

A-jay's PoV

Nang maka recover na ako ay agad akong nagtungo muli sa locker para kunin yung books and uniform ko. Pero wala pa akong balak na mag uniform siguro next week. Ang daming sinabi at inadvice nung nurse sa clinic. Hindi ko naman naintindihan yung iba dahil wala akong pake. Bad mood parin ako. Pati ibang students inaapi na ako. At ako? Nagpapa api naman dahil pag ako napaaway hindi ko na makontrol yung sarili ko takot akong makapatay kaya eto aping api akong naglalakad papunta sa locker ko. Bato ng papel dito, bato ng mismong bato doon.

Di pa lakihan para mamatay na'ko. Charot.

Pagkatapos kunin yung gamit sa locker ay dumiretsyo ako sa cr.
Grabe pala yung pamamaga nung pasa ko. Grabe nagviviolet na. Tinignan ko yung oras sa wrist watch ko. Maglulunch na. Sabi nung nurse excuse na daw ako at mamaya na ako papasok.
Naghilamos na din ako at napatingin sa salamin.

Bakit niya ako niligtas kanina?

Tss. Pa-hero? Pa-bida? Ahhh Pasikat.

Hindi na ako nag abalang maglunch . Dahil hindi pa time na isip kong wag muna pumasok dahil una late na ako. Nagtungo muna ako sa library. Kumuha ako ng mga wattpad books at tumambay muna ako sa garden na tinatawag ding C.C.C. Garden(Chilling .Cool. Cozy. Garden.)

Habang ninanamnam ang sariwang hangin galing sa puno ay tumingala ako at napatingin sa nag gagandahang paru paru.

Naalala ko na naman yung mga asungot. Naiinis ako na hindi maintindihan. Ang weird nga kase hindi ako lumalaban. Bakit kaya? Pagdating sa kanila imbis na makipag away at gumanti. Hindi ko magawa. Parang ang hirap.

Haystt... dahil graduating na ako hindi na ako gaganti. Gusto ko yung mamuhay lang ng simple ,makapagtapos para makapunta na ako sa France.

Hay France......ang dream place namin ni mommy.

Second day of class palang pero ang dami ng galit sa akin. Naglalakad ako ngayon sa building ng Grade 10. Yung iba ayun pinapaulanan ako ng masasamang tingin,yung iba naman pinapaulanan ako ng papel at maliliit na bato.

Ako naman blanko lang tingin at di na sila pinapatulan. Hanggang sa mahanap ko na yung section ko. Section 12.

Ang harsh ba? Last section haha.

Simula kase nung nakalabas ako ng ospital. Ewan ko din kung bakit ako napunta ng ospital basta pagkalabas ng ospital at nung nalaman ko na wala na si mommy parang gusto kong awayin lahat ng tao. Hanggang sa maging highschool na ako. Halos lahat nga ng tambay sa kanto na karumbulan ko na. Nung pinag aral naman ako ayun naging tambayan ko ang guidance office. Lagi nalang akong may record sa dean's office at nagpalipat lipat ako ng school. Hanggang sa naglayas na ako dahil ayoko na sa amin at nalaman ko na nag iwan pala ng kaunting pera si mommy para saken. Namuhay na ako ng mag isa at the age of 12.

At ayun puwede na daw sa MMK yung story ko. Hahaha.

Sumilip silip pa ako sa pintuan. Wala pang students? Tama lunch palang kase , baka na sa cafeteria palang sila. Naghanap na ako  ng upuan at doon na upo sa bandang likuran.
Yeah magka rhyme haha.

Isinubsob ko yung kamay ko na siyang ginawa kong unan at umidlip muna ako.

Bigla akong nagising sa ingay at sa yabag na naririnig ko sa kung saan. Dahan dahan akong nag angat ng paningin. Kinusot ko pa ang mga mata ko at nang akmang mag iinat ako ng kamay ay may nabunggo akong wire and then shoooott.....

I AM ONE OF THEMWhere stories live. Discover now