So sudden. So unreal.

709 7 3
                                    

Isang pangkaraniwang araw nanaman ang malapit ng matapos. Kagaya ng nakasanayang byahe, may kanya-kanyang ginagawa ang mga pasahero. May nagtitext, may saktong soundtrip lang, may nakatingin sa daan na parang naliligaw.

May dalawa na parang unang beses magkita at nahihiya pa sa isa't isa. May natutulog na malapit ng mahuhulog upuan, may nagdadala ng gitara na siguro ay papunta sa isang gig, may naglalaro ng Clash of Clans, at isang lalake na mukhang hindi sanay sa ganitong sitwasyon. Sa kilos at galaw niya, alam na alam mong bago lahat sakanya ang mga nakikita niya.

Ngayon ko lang siya nakita sa ilang taong pagbabyahe ko. Cute siya mula sa angle na nakikita ko, mukhang seryoso at parang gatas ang panligo araw-araw dahil sa puti ng balat nito. Alam na alam mong hindi siya bagay sa mga ganitong sitwasyon. Habang ako, nandito at nanlalagkit  pa dahil sa PE namin ngayong araw. 

Idagdag mo pa ang dala kong mga libro dahil isang digmaan ang nanaman ang parating. Hindi na'ko nakaligo sa school dahil naghihintay na si Mamang sa bahay pero itong katabi ko parang isang bote ng pabango ang ginamit. Nakakahiya ng lumapit sakanya dahil baka maamoy niya ko. Buti na lang kulang pa ng dalawa sa row namin at malaya pa akong makausog.

Okay na okay na ang upo ko ng bigla kaming tumigil, may dalawang estudyante mula sa FEU ang nakita kong pasakay. Umusog siya at sapat na para magdikit kami.  Kinapa ko kaagad ang tissue sa bag ko para mabigyan siya. Kalamay na malagkit!

"Kuya, ito yung tissue oh. Pasensya ka na." Umaasa ako na hindi niya ako dedmahin.

"Okay lang." 

Kasunod nito ang matamis niyang ngiti. Anghel yata ang katabi ko. Ang lalim ng boses at parang isang libong toothpaste ang ginamit niya dahil sa bango ng hininga. Ilang minuto rin akong hindi mapakali dahil malapit lang siya. Ang layo pa ng babaan ko.

Parang ang tagal ng byahe ko ngayon.

Ilang minuto ang lumipas at pagdadasal na sana ay makalipad ako pauwi sa bahay namin ay natanaw ko na ang babaan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung nararamdaman ko kahit hindi naman kami magkakilala. Hindi pa nakikisama ang pagkakataon.

"Manong sa may kanto lang po." Dahan dahan na'kong tumayo dahil sa pagbagal ng pag-andar pero kasabay nito ang bigla niyang pagpreno kaya muntikan na'kong masubsob. Nagkalat ang mga libro kong nabitawan dahil sa sobrang gulat. Hindi man ang mga ito ang unang pumasok sa isip ko kundi ang taong nakahawak sa braso ko para hindi ako tuluyang bumagsak. Hindi ko alam pero parang ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

"Kuya , pasensya na po." Yan na lang nasabi ko saka lumayo para pulutin yung mga libro ko.

 "Let me help you." sabi nito at nag umpisa na rin pumulot ng gamit ko.

"Hindi na kuya, okay lang po." pigil ko sakanya. "No, it's okay. Taga-saan ka ba?"

Sasagot na sana ako ng umepal si Manong. "Wag niyong sabihin dito kayo magtatanungan? May byahe pa ko oh." 

Kalma ka lang Ayla. Hayaan mo na lang. Okay la----

"Kasalanan mo naman kung bakit siya natumba 'di ba?" biglang sabi ni kuya na may halong iritasyon sa boses. Nakikipag-away ba siya?

"Aba't..." akmang sasagot na sana si Manong ulit ng magsalita na'ko. "Sige na po Manong, bababa na po ako." Inumpisahan ko ng pulutin lahat ng gamit ko.

"Sasama na ako." Ha? Kanino siya sasama?

Pagbaba ko ay nakita kong nakasunod siya. "Ba't ka bumaba? Sayang yung binayaran mo." tanong ko sakanya pero sinagot niya ko ng tanong din. 

"Saan ba yung bahay niyo?" kasabay nito ang pagkuha niya sa mga gamit ko.

Isasama ko ba siya? Hindi ko naman siya kilala. Kahit pangalan niya ay hindi ko alam. Hindi kaya rapist 'to o kaya naman isang modus at nakaplano ang lahat mula kanina. Dahan dahan akong tumingin sa bag ko kung anong pwedeng ihampas sakaling may gawin siyang masama.

7 Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon