Kabanata 49

94 7 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

Paggising ko na sa isang maalikabok at lumang lugar ako.

Nakaupo ako sa silya at may tali na ubod ng kapal na nakapulupot sa akin.

Kinidnap ako!

Pumipiglas ako kaso wala. Walang nagyari. Hindi ako makaalis.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa labas ng kwartong ito.

Nakita ko kung paanong bumukas ang pinto.

Kumulo ang dugo ko sa galit nang makita ko kung sino ang pumasok.

Si Cristobal!

Gusto kong magmura kaso nakatakip ang bibig ko ng puting tela na makapal.

Hayup tong lalaking to.

"Kamusta ka Erenda? Nagustuhan mo ba ang bago mong tirahan,"sabi niya.

Gago ba siya? Sino ang tangina na magkakagusto sa kidnaping?

"Ahh... Oo nga pala hindi ka pala makakapagsalita kasi nakatakit ang bibig mo," pag-aasar niya na parang baliw.

Gago talaga tong lalaking to.

May saltik ba to? O baliw na.

Biglaan niyang tinanggal ang pagkakatakip ng aking bibig kaya nasaktan ako.

"Gago ka!" Galit kong sabi.

Sinampal niya ako nang napakalakas.

"Bastos ka!"

"Mas bastos ka!" Pagbalik ko sa kaniya sabay dura sa kaniyang pagmumukha.

Natamaan ang kaniyang kaliwang pisngi.

Mariin niya iyun pinunasan.

Kita kong umaapaw na ang kaniyang galit.

Naku po lagot ako neto.

Sinikmuran niya ako ng napakalakas na kinadahilan nang pagdura ko ng dugo.

Napayuko.

Mariin niyang hinawakan ang aking mukha.

"Eto ang tatandaan mo Erenda. Akin ka lang!" Galit niyang banta.

"Kahit kailan ay hindi ako naging sayo! Dahil kay Gabriel lang titibok ang puso ko!" Galit kong pagsagot.

Mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata at binitawan ang aking mukha.

Malakas niya akong sinapak.

Aray!

Gago!

"Ulitin mo pang sabihin iyan sa akin hindi lang iyan ang aabutin mo!" Banta niya.

"Kahit na saktan mo ako ng paulit-ulit o patayin mo man ako. Hindi ako matatakot sayo!" Matapang kong sagot.

Wala na siyang nagawa at padabog na lumabas ng kwarto.

Tangina ng lalaking yun. Ang sakit ng ginawa niya hayup sya!

Wala akong pag-asang makawala sa kwaetong ito.

Nakalipas ang ilang oras may biglang pumasok sa silid. Dalawang lalaki na tiyak na kasabwat ni Cristobal sa pagdukot sa akin.

Tinanggal nila ang pagkakatali ko sa upuan at hinawakan nila ako sa magkabila kong braso.

"SAAN NINYO AKO DADALHIN?!"

"Wag ka nang maraming satsat!"

Sinubukan kong pumiglas kaso sobrang lakas nila.

Sa Pangalawang PagkakataonKde žijí příběhy. Začni objevovat