Chapter 3: The Game

664 12 2
                                    

"Eto na!!!" natutuwang sigaw ni Lizzy habang nakikitang padami na ng padami ang taong dumarating sa Enchanted Kingdom.

"Bakit parang ang tamlay mo Meira?" biglang tanong ni Allen nung makitang tahimik lang ang kanyang girlfriend. "Parang kahapon lang, ikaw tong excited pumunta dito."

"W-wala... May bumabagabag lang sa loob ko..." sagot ni Meira. "Tara na..." sabay lakad nung makitang umandar na yung pila.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang yung game na tinatawag nilang 'Outbreak Manila'.

The game is simple. There are zombies and you should reach the finish line alive. You have 3 flags in your shirt and that represents your lives, pag naubos na then you're already considered dead. You can still finish the race pero you're not eligible to any prize na. May iba't ibang obstacle sa course and within those obstacles are bunch of zombies. You can't hurt anyone in the game or you'll be disqualified. So the main rule is that you should just run for your life.

Kapit-kapit kamay ang anim na magkakaibigan at sama-samang tumakbo nung pumutok na yung sign para simulan yung race.

"Takbo sis!" sigaw ni Meira kay Ginger nung muntik-muntikan ng maagaw ng isang zombie yung flag ni Ginger.

"Ingat ka!" sabay takbo ulit kasama si Ginger.

Dumating sila sa isang obstacle kung saan pipili sila kung yung 'easy way' or yung 'horde way'. Yung 'easy way', less zombies pero mas mahaba-habang takbuhan. Yung 'horde way', many zombies pero mas maikling takbuhan lang.

"Dito na lang tayo para mas mabilis nating marating ang finish line..." si Jerome.

"Pero doon na lang tayo sa konting zombies. Tig-isang flag na lang kami ni Meira eh..." pagtanggi ni Ginger.

Walang narating na concensus yung grupo kaya in the end, they decided to part ways. Sina Ginger, Allen, Meira at Dexter ay sa easy way dumaan. Samantalang sina Lizzy at si Jerome ay doon naman sa kabila.

"Pano na?" tanong bigla ni Meira, nung malayo-layo na yung natakbo nila.

"Magkita na lang tayo sa finish line. Hindi papabayaan ni Jerome si Lizzy at sakay tig-3 pa naman sila ng flags eh. Don't worry..." sabay akbay ni Allen kay Meira at dumiretso na sila sa pagtakbo at pag-iwas sa mga zombies.

---

Nakarating sila sa finish line at pilit na hinanap sina Lizzy at Jerome pero hindi pa rin sila nakakarating.

"Tawagan ko na kaya?" tanong ni Ginger.

"Sige, sige..."

Tinawagan ni Ginger pero hindi niya ma-contact. "Puro out-of-coverage area yung sinasabi eh..."

Nagulat silang lahat nung biglang nag-ring yung phone ni Dexter.

Sinagot iyon ni Dexter. "Dex, itinuloy nyo ba ang pagsali dyan sa Outbreak Manila?"

 

"Oo. B-bakit?" nagtatakang tanong ni Dexter.

"You should immediately vacate the place if you still want to leave..."

 

"B-bakit pre? A-anong nangyari? B-bakit namin kailangan umalis?" dire-diretsong tanong ni Dexter na mas lalong naguguluhan sa sinasabi ng kaibigan.

 

"Yung earthquake kagabi, hindi yun talagang earthquake. One of our hidden facilities ang sumabog. At doon sa facility na yun nakatago ang ilang mga experiments na ginagawa ng grupo namin. Isa sa mga experiment na yun ang hindi pa namin nagagawan ng kahit anong antidote. Yung sample person na may virus na ginamit namin sa experiment na yun ay nakatakas bago sumabog yung office. The virus will keep on spreading. Kahit sa atin ay pwedeng kumapit yung virus. The virus will take effect on the dead and once you're dead, you'll come back to life..." mahabang paliwanag nung kaibigan ni Dexter.

"A-ano namang koneksyon nyan dito sa Outbreak Manila? Pre naman, can you just get to the point? Kinakabahan na ako, kailangan pa naming hanapin sina Jerome..."

 

"We brought an undead person to life... And malapit dyan sa Enchanted Kingdom yung sumabog na facility..."

Pagkasabing-pagkasabi nung kaibigan ni Dexter yung mga katagang yun, nabitawan ni Dexter yung phone, "Kailangan na nating hanapin sina Jerome at Lizzy!"

Tumakbo na yung apat para agad na hanapin ang dalawa nilang kaibigan.

"T-teka... P-pahinga muna. Napapagod na ako." sabi ni Meira nung mapagod siya sa sobrang kakatakbo.

"Paliwanag mo nga sa amin yung sinabi nung kaibigan mo..." kalmadong sabi ni Allen.

"Yung kaibigan kong member ng Department of Science and Techonology team, sabi niya maaaring magkatotoo yung tinatawag nilang zombie apocalypse." mahinahong sabi ni Dexter.

Napatingin yung tatlo kay Dexter at, "Waahahahhaha..." sabay-sabay na tumawa yung tatlo dahil hindi sila makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan nila.

"Dexter, syete ka naman! Ngayon ka pang gantong oras nag-joke time... Wahahaha..." natatawang sabi ni Meira.

"May lahi talagang clown tong boyfriend ko... Ang galing umakting..." sabi naman ni Ginger sabay pisil sa mukha ni Dexter.

"Then, don't believe me! Yun lang ang sinabi niya sa akin. At sa panahong ganito alam kong hindi magsisinungaling yung kaibigan kong yun... At kung gusto nyo pang abutang buhay sina Jerome at Lizzy, kailangan na nating hanapin yung dalawang iyon."

[Book 1] The Outbreak in Manila [Short Story] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon