First

22 0 0
                                    

Author's Note: Hello ulit! Wala ng prologue, tuloy tuloy na tayo. Sana magustuhan niyo. Thank you! :)

ANG UNANG KABANATA

---

           Goodmorning sunshine!



Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko at dali-daling itinype ang username nya at nag type ng, "Goodmorning! Wake up!!!" Sabay tweet dito.

Hays. Gising na kaya siya? Naligo at nagbihis na ako, sabay upo sa mesa.


Ano kaya yung kakainin niyang almusal ngayong umaga? O baka hindi pa siya nakakatulog dahil may shoot pa sila?



"TULALA KA NANAMAN! Ano nalang mararating mo niyan sa buhay! Naku, ikaw bata ka!" Alingawngaw ng boses ng nanay ko. Sabay kurot sa braso ko. Hay nako *^*



Pagkadating ko sa school ay nakalimutan kong tanggalin ang earphones ko at patayin ang phone kong bulok na puro pagmumukha ng idol kong flat ang pwet. Pinagbantaan pa niya ako na kukumpisin niya ito at kailangang magulang ko ang kumuha, kaya dali-dali ko itong pinatay at itinago sa kaila-ilalim laliman, katagu-taguan at kaitim-itimang bahagi ng inaagnas kong bag.


"Nak ng teteng, kelan ka ba mayayaring tumulala hayop ka?" Sabi ng alalay-- ay este kaibigan-kamurahan-kaaway- (leche, bestfriend ko na nga lang!) na walang alam kung hindi dumada.



"May sinasabi ka ba kasi?!" Sagot ko na medyo mahina pero pasigaw dahil baka mapagalitan pa kami at biglang sumulpot yung idol ko at itakas ako. Pero syempre isa lang yug imagination na dahilan kung bakit ako palaging tulala.



"Wala! Nabingaw ka nanaman! Mamaya na nga lang kita kakausapin! Leche!" 




Hindi nagtagal, uwian na ulit. Bakit kaya ang bilis ng oras kapag nagiimagine ako? 



Maaga ang uwian namin ngayon kaya tirik pa ang araw. Mainit na nga, masikip pa yung masasakyan ko. As usual. Mag aamoy mandirigma nanaman ako. Kapag talaga nagsimula na kaming mag date ng idol ko-- itago nalang natin sa pangalang "flat" dahil sa flat niyang pwet.


Pag talaga kami nagdate na, magpapasaksak ako ng pabango sa loob ng katawan ko para kahit pawisan at mukha nang sinabak ko ang trabaho ng kalabaw eh mabango parin ako. Ganun kaya yung ginagawa ng mga artista?




"Babae ka ba talaga?! Lintek kang bata ka! Hindi ka man lang marunong magsuklay! Mukha kang mangkukulam!" Bati sakin ng nanay ko, sabay balibag ng suklay sa mukha ko.


Mangkukulam..


Mangkukulam..


Sabi ni flat sa interview, hindi naman siya masyadong tumitingin sa panglabas na anyo. Tinitignan lang daw nya sa panglabas na anyo ay ang mata.


"ARAY KU PO!" O___O



Bilga nalang akong napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sinuklay ng nanay ko na halos bumaon sa anit ko yung ipin ng suklay at mabakbak lahat ng mababakbak dito.



"Maaa!!! Ayoko pa pong makalbo T__T" pagpapa-awa ko sa nanay ko.



"Ayan! Ikaw magsuklay! Tinuruan naman kitang magsuklay nung bata ka! Anong nangyari ngayon! Siguraduhin mo lang na mauunat yang buhok mong daig pa walis tambo!"



._______.



Hay nako naman talaga. Dumiretso na ako sa kwarto ko para manuod ng korean drama sa nagiisa kong napakagandang laptop.



Nakakailang episode na ako at bigla itong nahinto sa mukha nung kontra bida-- maputi, magandang buhok, damit, makikintab na alahas,at pangmayaman na tindig.


Bigla akong napatingin sa suklay na nakasabit pa rin pala sa buhok ko, at bigla ko itong naisuklay -- hanggang sa mastraight ito at mawala ang buhol-buhol na parte.



Bigla akong napaisip,




Syempre, gusto ng mga lalaki ang magagandang babae na may class. Lalo na't artista pa sya, kailangan mala-artista rin ang mapapangasawa niya para masabing success at maganda ang career ng buhay nya.


Haaaay! Saka nalang ako magpapaganda pag makikita ko na siya. Confirmation at date nalang naman ang hinihintay ko para makita ko ulit sya.


<nagdaan ang ilang linggo ng paghihintay ng confirmation at date..>



Anong petsa na! Wala na yatang pagasa makasama ang bansa natin sa world tour nila! Huuhuhu.


Ginabi ako ng uwi at pag uwi ko sa bahay ay diretso agad ako sa mesa, kumain daig pa ang sundalong gutom na gutom.

"ANAK NG KABAYO KANG BATA KA! Aba'y tiran mo ng ulam ang tatay mo at baka maglayas yun kapag walang nadatnang pagkain! Parang hindi kita pinapakain!"

=___________________=




Pagkakain ko ay balik na ulit ako sa harap ng laptop. Maluha-luha na ako dahil malapit ng maubos ang pag asa ko talaga. Huhuhu!!!



Kung ano ano na ang naiimagine ko at tuluyan na akong naiyak sa mga pinag-ii-isip ko. Pano kong ma car accident si flat? Pano kung dumating na yung oras na papasok na sya sa army? Kailangan kasi silang pumasok sa army. Required ata. Two years yun.. Two years din akong maghigintay? Pwede bang dalhin ko nalang siya dito sa pilipinas para hindi na sya makapag army? Pwede ba yun? T________T



Biglang nagvibrate yung bulok at inaagnas ko cellphone. Tinignan ko kung sino yun at isa kong kaibigan na adik rin.. Adik sa banda. Dun sa banda nila flat. Dun sya adik sa nag gigitara.


Si flat, he's into drums. And me? I'm into him. HEHEHE. Ayiieee! English yan!!!

--

From: Irish Jung

"Preee!!! Tignan mo yung post nung leader ng fanclub natin!!! Dali! T_T"

--


Bigla akong kinabahan sa "T___T" nya. Kanina pa nga ako umiiyak dito tapos..


At yun, katapusan na ng buhay ko. Lalo akong naiyak-- nagkanda tulo tulo yung sipon ko at naghalo ito sa luha ko. Daig ko pa yung mga uhuging bata sa kanto namin.



------------------------------------------------------

Author's Note: Ito muna! Hihihi.Magiwan ng feedback or suggestions? Thank you! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unwritten storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon