Meng&Ga

22 1 0
                                    

Naalala ko pa yung binanggit mong mga salita
Habang nagkukuwentuhan tayo doon sa Lipa
Na gusto mo na talagang magkajowa
Gusto mo na ding may magbabawal sa asal mong masama😂
Bully, palamura at certified lasinggera
Bilis sumagot ni Lord kasi siguro sabi Nya
"Si Meng ay handa na magkasyota."

Kami ay medyo nabigla nung nalaman namin ang balita
Ilang lingo pa lang ang nakakalipas meron ka ng "Ga"
Paano mo sya naging boyfriend eh yong pangalan nya di mo nga masabi ng tama?
Pero hindi kami nagpahalata kasi baka bibilang lang tayo ng isa.. dalawa..
Iiyakan mo din sya katulad doon sa mga nauna

Gusto namin yung Meng na may Ga❤️
Talagang sa araw mo walang sinuman ang makakasira
Yung saya mo kakaiba, kung kiligin ka talagang nakakahawa
Yung haba ng buhok mo umaabot hanggang ibang bansa
Maingay ka pero yung puso mo mas maingay pa
Parang superbass ang lakas ng dagundong pero ang sarap sa tenga

Si Ga hindi pa naman natin nakikita
Ok lang hindi naman mahalaga ang itsura
Daig pa nya yung lalaking pinapakita nga ang mukha
Pero sa effort wala naman maibubuga

Si Ga yung katapat ni Meng
Napapatameme na lang sa sobrang lambing
Daming gimik, may pa bouquet at cake
Ganon bumawi pag si Meng napapraning
Nakakabilib kasi sabi nya bawal na sya maglasing
Unti unti yung mga mura napapalitan na ng puro pagmamahal na wording
Ang cute nyo parang PBB teens kung magloving loving

Sa pagmamahalang Meng at Ga, mas mabuti ng maging bingi
At huwag maniwala kung ano man ang kanilang sinasabi
Wala silang magagawa basta kayo ang magkakampi
Maraming bagay na kayo lang ang tanging makakaintindi

Sa inyong pagmamahalan gawing sentro ang Panginoon
Dahil totoong mahirap ang lumagay sa inyong sitwasyon
Wala sa igsi o haba ng panahon
Ang mahalaga yung araw araw patuloy kayong gagawa ng pundasyon

I love you Meng at Ga

🌺ՅԾՌɿԵԹ



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meng&GaWhere stories live. Discover now