Kabanata 4

277K 5.4K 224
  • Dedicated to Jha'jha Jimeno
                                    

Angel's note: Thank you sa lahat ng naghihintay ng update sa story na 'to! Don't worry wala naman akong babaguhin sa takbo ng kwento. Aayusin ko lang 'yung mga loophole at cringey na pagkakasulat nito. Tapos dadagdagan ko rin syempre 'yung kilig moments ng ating DarLeen couple. Hihi. Votes and comments are highly appreciated! Thank you and enjoy reading!

---

[Yuka]

Nanlalaki ang mga mata ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang anim.

"I'm asking why are you late, Ms. Nakashige! Are you listening?!"

Ay kabayo!

Napatalon ako sa kinatatayuan ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Mr. Far. Sinadya pa talaga nitong ilapit ang bibig sa tenga ko grabeeee! Bingi ba 'ko? Huhu. Pero lalong namilog ang mga mata ko nang nakapamulsang humakbang palapit sa kinatatayuan namin ni Mr. Far si Daryl.

"What right do you have to shout at her like that?"

Halaaaa. Sinungitan niya si Mr. Far!

"W-what do you mean, Mr. Smith?" Kabado itong ngumiti sa kanya. "I'm her class adviser and she's late in my class. I have all the right as her teacher to discipline her."

"But that doesn't give you the right to fucking shout at her in front of everybody." Humakbang pa ulit siya hanggang sa pareho na kaming nakatingala sa kanya ni Mr. Far dahil ang tangkad niya tapos ang lapit pa niya sa 'min.

"I-is there s-something wrong, Mr. Smith?" nauutal na tanong ni Mr. Far. "She deserves to get shouted so she won't set an example." Kahit nagpapaliwanag ito ay kitang kita ang kaba sa mukha nito.

Grabe naman kasi 'tong Daryl na 'to! Naiwan niya yata ang manners niya sa bahay nila! Teacher ko kaya 'yung kausap niya! Nakakatanda ito sa amin kaya hindi niya dapat ito gano'n kausapin!

"What the fuck did you just say?!" Napatakip ako ng palad sa bibig ko nang umalingawngaw sa apat na sulok ng aming classroom ang malakas na paghampas ni Daryl ng kamay niya sa table ni Mr. Far.

Shems shems shems!

Kabado akong napalunok at parang may mga kabayong nag-uunahan ng takbo sa dibdib ko. Alam ko namang kapag galit si Daryl ay mabuti pang tumahimik ka na lang. Pero hindi naman din tama na magalit siya dahil lang sa sinigawan ako ni Mr. Far!

Naku talaga 'tong Daryl na 'to! Makakatikim 'to ng maayos ayos na usapan mamaya. May kasalanan pa siya sa 'kin baka nakakalimutan niya?

Kitang kita ko ang labis na pagkagulat sa mukha ni Mr. Far. At nang mapatingin naman ako sa mga kaklase ko, nakita ko rin ang matinding pagkagulat sa mga mukha nila. Nagpalipat lipat sila ng tingin sa amin ni Daryl. Diyosmiyo! Pahamak talaga palagi ang pagka-mainitin ng ulo ng lalakeng 'to!

Nagmamakaawa kong tinignan isa isa ang BG para manghingi ng saklolo. Dahil kung wala ni isa sa kanila ang mamagitan ngayon ay hindi ko na alam kung paano lulusutan ang sitwasyong ito.

Tumikhim si Kuya John at parang pumalakpak ang tenga ko sa simpleng pagtikhim lang nitong iyon.

"I apologize in behalf of King Daryl, Mr. Far." Lumakad ito palapit sa amin at huminto sa tabi ng nakasimangot niyang kaibigan. "Hindi niya lang kasi gustong may mga guro na namamahiya ng kanilang estudyante sa harapan ng klase. You know what? He really hates that. So I hope you understand, sir."

Bahagyang umawang ang bibig ko. Matutuwa na sana ako sa pag-rescue nito sa amin pero ano daw? Ayaw daw ni Daryl nang may pinapagalitang estudyante sa klase? Parang, weh? Di nga? Si Daryl? Magkaka-concern sa mga estudyante?

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now