CHAPTER 3: THE BOY WHO NEVER TOLD A LIE

14 0 0
                                    

Balibalita sa buong School ang naging relasyon nina Cheska at AZ ko. AZ ko?? Hmp!! Erase erase erase, kailan man hindi na siya magiging akin. I'm sad! Bakit si Cheska pa?? I'm bakit si ate Cheska pa?? Ate Cheska kasi kapatid siya ng bestfriend ni kuya Mike na si Kuya Chester. Mas matanda si ate Cheska sa akin ng isang taon. Mabait siya, maganda, matalino at talented. Pero bakit pa si ate cheska?? Eh mas matanda kaya siya sa amin ng 1 year. Hay naku madielyn, 1st year lang yun noh. Pareho kasi kaming 3rd year ni AZ. Siguro nga kailangan ko nang mag Move on. 

Madalas ko na ring makitang magkasama ang dalawa. Minsan tuloy ang sama na ng tingin ko kay ate cheska. Noong isang lingo nga pumunta siya sa bahay may ipinabibigay kasi si Kuya Chester kay kuya Mike.Ako ang nagbukas ng gate, ang nakangiting si ate cheska ang bumungad sa akin.After marami akong narealize. Mabait siya alam ko yun ...kaya move on na Mandielyn. 

"Matatapos na lahat lahat ang school year hindi pa rin ako pinapansin ni papa A" nakakalumbabang sabi ni Jeni sa amin.

"Matatapos ka dyan, loka ka hindi pa nga ako nakasayaw sa JS Prom. End of School Year na kaagad ang nasa isip mo." Sabi ni Jen

"Oh speaking of JS next month nay un ah! May dress na ba kayo??" tanong ko sa dalawa

Uminom muna ng coke si Jeni " Yun na nga eh! Wala pa akong dress mga sisteret!! Otoke!?" 

" Beh, h'wag kang mag alala may alam akong murang online shop. Maganda na mura pa, alam ko naman kasing hindi ka nanaman pinayagan sumali ng stepmom mo sa JS kung siya ang gagastos sa dress. Kaya don't cha worry" sabay kindat ni Jen sa akin

Ulilang lubos na kasi si Jeni. Namatay ang Mommy niya matapos siyang ipanganak. Then after 5 years, nag – asawa ulit ang Daddy niya, pero itong huling taon sa kasamaang palad muli na naming naulila si Jen. Inatake sa puso ang daddy. Kaya ang tumatayong legal guardian niya ngayon ay si Tita Stella, ang step mom niya. 

" Oh!! I love you guys! Naiiyak ako! I'm so bless talaga" kunwari pang pinunasan niya ang kanyang mata na waring bang umiiyak siya. Baliw talaga!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Papa A.." narinig ko ang mahinang pagtawag ni Jeni kay Adam. Lumingon ako, nagtama nanaman ang tingin namin ni Adam. Bakit ganun may kakaiba sa binibigay niyang tingin sa akin. Ah, baka paranoid lang ako. Weirdo nga pala 'tong si Adam.

Inabala ko ang aking sarili sa pagsagot ng problem solving na ibinigay ng aming guro bilang pagsusulit.

"Adammm..." paanas na tawag ulit ni Jeni kay Adam

"What...?" may inis sa tinig ni Adam. Pasaway talaga 'tong si Jeni. Hindi nanaman siguro siya nakapagreview. Malamang sa malamang kung ako ang katabi nito tahimik na siyang nakakakopya sa akin. Malas niya lang si Adam na ang nasa harapan niya. Hahahaha

" Tanggalin mo naman 'yang braso mo, 'di ko Makita yung sagot mo eh. . . parang awa mo na, wala pa akong sagot kahit isa oh!" ani ni Jeni na parang hindi nagulat sa inis na si Adam.

"Bakit ba di' ka nag- aaral?" mapapansin pa rin ang naiinis na tono ng boses ni Adam. Naku 'wag lang sana silang mahuli ng ka—

"Shut up! Papunta na dito si kalbo," mahinang sabi ni Jeni kay adam, pero dinig na dinig ko pa rin. Dahan dahan akong lumingon ngunit biglang sinipa ni adam ang upuan ko at nahulog ang bag ko. Tatayo sana para kunin ang nahulog kong bag pero naunahan ako ni Adam.

Bumulong si adam sa akin "H'wag kang lumilingon lingon sa akin, baka pati ikaw mapagkamalang nangongop-"

Pero bigla na lang sumigaw si Sir "Sullivan!! Simon!! What are you doing?? Nagsi share ba kayo ng answer?" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Unexpected Love ni MadielynWhere stories live. Discover now