Meeting in Heaven

52 0 2
                                    

"Hey, wake up."

Unti-unting minulat ni Ezekiel ang mga mata at doon ay nabungaran niya ang sa palagay niyang pinaka magandang nilalang na nakita nya.

Siguro totoo ngang may langit dahil sa tingin niya ay sa langit lang makikita ang ganito kagandang nilalang.

Nakangiti itong nakatitig sa kanya. Hindi tuloy niyang napigilang itanong ang nasa loob niya.

"Nasa langit na ba ako?"

Tumawa ito. Iyong tawang nakakahalina. Para lang isang musika na gusto niyang ulit ulitin.

"Bakit hindi ka gumising at tuluyan mong alamin."

Bumangon siya ay tumingin sa paligid.

Maraming tao. Meron mga batang naglalaro. Naghahabulan at nagtatawanan.

Meron din mga babae at mga lalaking nagkumpulan sa isang tabi. Marami ring naglalakad patungo sa kung saan saan.

Gayunpaman, kahit madaming tao, hindi sila nagkakagulo. Napakapayapa ng paligid.

Kahit kailan ay hindi pa nya nararanasan ang ganitong kapayapaan.

Lahat ng tao ay nakaputi.

Lahat ay nakangiti.

Kahit sya ngayon ay nakasuot ng puti.

"Halika, sasamahan kitang gumala upang makita mo ang buong kapaligiran." Tumingin sya sa babae na inabot pa ang kamay niya upang alalayan siyang makatayo.

"Nasaan ako at paano ako nakarating dito?" Tanong niya dito. Naguguluhan na sya. Ano ba ang lugar na ito?

Ngumiti muna ang babae bago nagsalita muli. "Hindi mo ba natatandaan ang nangyari sa'yo?"

Natigilan sya at pilit na inaalala ang nangyari.

Ang huling natatandaan niya ay nagmamaneho sya. Pero may isang nakakasilaw na liwanag syang nakita kasalubong ng sasakyan nya at pilit na iniwasan ito at nawalan sya ng kontrol sa manibela.

Alam nyang nasaktan sya sa pangyayaring iyon. Pero kahit ni katiting na kirot ay wala syang maramdaman ngayon. Napakagaan ng pakiramdam nya.

"Naaksidente ba ako?"

Malungkot na ngumiti ang babae.

Nakaramdam sya ng panlulumo. Ngunit sandali lang iyon. Dahil habang tinitingnan nya ang paligid ay nakaramdam sya muli ng kapayapaan.

Ngayon lang sya nakakita ng ganung lugar.

Marami-rami na rin syang napuntahang mga lugar pero ngayon lang sya nakakita ng gayung lugar na mas maganda pa sa paraiso.

Ito na nga ba ang langit?

Hindi nya maikukumpara ang lugar na ito sa kahit saan man lugar na napuntahan nya. Hindi nya rin mailarawan ito. Parang kukulangin sya ng mga salita para ilarawan ito.

Ang tubig na nakikita nya mula sa talon ay tila kumikinang habang patuloy ang pag-agos nito.

Ang kabundukan ay parang larawang ipininta at may daan na ewan nya kung saan patungo. Mas higit pang maganda ito sa mga litratong nakita na nya.

"Pupuntahan natin ang lola mo. Ipinasundo ka nya sa akin."

Napatingin sya sa babae.

Lola ko? Si Lola Marcia?

Pero higit nang sampung taong patay ang Lola Marcia nya.

"Halika, naghihintay na sya kanina pa. Alam nyang darating ka na." Muling hinila ng babae ang kamay niya at wala syang nagawa kundi sundan ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Angel FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon