Chapter Five

32.8K 534 19
                                    

Ara is now covering her eyes habang sumisilip sila sa isang puno. Kasama niya si Kim at Gretchen na ngayon ay nakadungaw din doon at nakatingin sa tatlo.

"Lagot ka Valdez!" Sambit ni Gretchen habang matamang nakatingin sa kaibigan niya at sa kasama niyang dalawang babae.

"Paano ba kasi nakapunta dito si Clarisse, huh Kim?" Tanong ni Ara sa kaibigan niya na Sapo ang ulo niya.

"Pinapasok ko dun sa gate eh."-Kim

"Gago ka ba?! Lagot tayo Kay Valdez nito eh." sagot ni Ara at tumingin ulit sa tatlo. Napapansin niyang nag uusap na ang mga Ito.

"Sino yun?"

"Waah multo!" Sigaw ni Kim dahil sa gulat niya. Napatingin naman silang Lahat sa likod nila at nandun nga ang tatlo, si Fille, Bang at Mela. Nakatingin din ang mga Ito sa pwesto nila Alyssa.

"Ah wala. Friend." sagot ni Ara na kinakabahan. Alam niya kasing magagalit ang mga Ito Pag sinabi niyang girlfriend iyon ni Aly.

"Oh. I see (baling Kay Gretchen) Tara na babe." Sabi ni Fille at tuluyan nang Hinila si Gretchen na hindi maialis ang mata kila Alyssa.

"Sila na?" Sabay na tanong ni Ara at Kim.

"Hindi ba halata?" Tanong ni Mela bago umupo sa Ilalim nang puno.

"Ang bilis naman ata."-Ara

"Eh bakit ikaw? Hindi rin ba? Tara na, ide-date mo pa ako." sabi naman sakanya ni Bang bago siya hawakan sa kamay.

"San mo ba gusto bae?" Tanong dito ni Ara nang mag lakad sila papunta sa gym. May training kasi ang mga Ito para sa upcoming game nila.

"Dito nalang bae. Manood ka nalang."

"Huh? Ang boring."-Ara

"Gusto mong Gawin Kong bola yang ulo mo?" Pag babanta dito ni Bang habang nakataas ang kamao niya.

"Oo na nga bae, manonood na ako." sagot nalang ni Ara bago umupo sa bench. Kakaupo palang nito ay nakita na niya si Den na papasok. Nakasimangot ito at para bang nag dadabog.

"Oh Dennise, problema mo?" Tanong saknya ni Dzi oras na nakalapit ito at Inis na kumuha nang bola.

"Wala ate."-Den

"Eh bakit ganyan itsura mo?"-Fille

"Wala." Tipid na sagot ni Den at tumingin sa labas. Sinundan iyon nang tingin ni Ara at gets na niya kung bakit ganun ang action nito.

*pak

Gulat na tumingin si Ara kung saan nang Galing ang malakas na palong iyon. Tumingin siya sa court at nakitang napapa-spike si Dennise.

"Libero to ah?" Kunot noong tanong niya sa sarili niya bago tumutok sa laro nila Bang.

"Yow Dennise! Libero ka hindi spiker!"-Jia

"Ngayon Lang to!" Sigaw pabalik ni Dennise dahil nasa kabilang court si Jia. Naka position na siya sa pwesto niya nang mag serve si Dzi. Agad niya namang nasalo iyon at pina set niya Kay Mich.

"Mich akin!" Sigaw ni Den bago tumalon at paluin ang bola. Malakas iyon pero patagilid. Napanganga pa sila Fille nang makitang sakto iyon sa mukha ni Alyssa na nakaupo sa bench at kausap ang girl friend niyang si Clarisse.

"Shit!" Aly hissed as she cover her nose. Agad namang lumapit sila Dzi dito pero si Fille ay nilapitan si Den na ngayon ay parang gusto pa ang nangyari.

"What have you done Dennise?" Inis na tanong ni Fille dito.

"What ate?" Nakangising tanong ni Den.

My Secret Fiancé (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon