Chapter 26 *Just Say Sorry*

1K 29 10
                                    

Hindi niyo maiintindihan itong Chapter 26 kung ndi niyo nabasa yung Chapter 25. Naka-private po kasi yun. So kung hindi ko po kayo follower ndi niyo po mababasa iyon. :) Thanks.

Sorry sa late update.

****************************************************************

O, sinong na-high blood kay Jake ng bongga? Pati ako nainis sa kanya eh. Hindi ko din alam kung paano eh. Hahaha. :)

Guys, wala pa bang magvo-volunteer sa paggawa ng mga pictures na ilalagay sa per chapter. Huhuhu. I do not have any time na para mag-edit eh. 

So I am leaving it to you na lang. It's like this kasi eh. Wow! Conyo lang ang peg? :)

Well, tingin niyo ba magkakaayos na silang dalawa? Hehehe. Kung kayo ba si Apan mapapatawad niyo pa ang kalapastangan ni Jake?! Huh?! 

CHAROT LANG GUYS! Gusto ko lang kayong patawanin bago ang makabagbag na eksenang mangyayari. 

^_^

Enjoy. ^_^

***********************************************************

Chapter 26

*Just Say Sorry*

Apan's POV

"Hey. Are you okay?" tanong sa akin ni April.

'Hahaha. Oo naman. Bakit mo naman naitanong?" 

 

"Eh kasi Apan.. Nagalit ka kay Jake eh." sabi niya.

"Ahh. Oo. Hayaan mo siya. At tsaka hindi pa ako galit nun. Pag ako nagalit, hindi ko na siya kakausapin. Aalis na lang ako sa harap niya ng walang pasabi. Hehe. Lambingan pa lang namin yun ni bespren."

Sabay ngiti sa kanya. Dinala ko si April sa malapit sa lake eh. Maganda dito. Kaso pampa-BV tong si Jake eh. Nakakainis. Ewan ko ba. Pag si Ana ang kaharap o ang topic, nag-iiba ang ugali. Sarap talagang- argh!

Kumuha ako ng mga maliliit na bato at tsaka isa isang ibinato sa may tubig.. Nakakatuwa lang dahil parang nagi-step sila. Hehehe. :)

"Hey. Thanks pa rin pala kanina." 

"Huh?"

Bigla akong napatingin kay April at tsaka ako umupo sa tabi niya.

"Sabi ko kanina. Kay Ana."

 

"Ahh. Sus! Ikaw pa. Ano ka ba? Pag kaibigan ko na hindi ko hinahayaang masaktan. Maliban kay Jake." 

Tomboyish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon