EPILOGUE: Pagkakataon by Shamrock

251 12 6
                                    

Dedicated to her kasi bet na bet ko ang We Meet Again (fanfic ng IMAJWNIS)! :D

Enjoy reading! Thank you! :))

#####

After 10 years...

Troy's POV

Nakatayo ako ngayon sa labas ng reception area ng kasal. Kasal ng isang babaeng naging mahalagang parte ng buhay ko.

Pumasok na ako. Napakaraming tao, at sa gitna ng lugar ay nakita ko ang mukha niyang masayang-masaya. Kasalukuyan siyang nag-iisang nakaupo sa couple's table, habang nakikipagkuwentuhan sa isang matandang lalaki.

Napadako ang tingin niya sa akin. Nagkatitigan kami, at pagkatapos ay ngumiti siya. Napangiti na rin ako. Tumayo na siya at naglakad papalapit sa akin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown. Masaya ako para sa kanya, dahil sa wakas na sa kanya na yung kaligayahang nararapat para sa kanya, na hindi ko naibigay dati.

"Troy, buti na lang nakarating ka!" masayang bati niya sa akin.

"Oo naman. Takot ko lang sayo, haha. Congrats! Nasaan ang groom mo? Dapat hindi ka niya iniiwanan, baka may makaagaw pa sayo eh," biro ko naman sa kanya. Napahalakhak siya.

"Sino, ikaw? Naku, tigilan mo na nga yang pambobola mo. May dumating na kakilala yung asawa ko, medyo matagal na rin kasi silang di nagkita kaya nagkwentuhan muna. Kumain ka na ba? Halika, kukuwentuhan kita," sabi niya sa akin sabay hatak papuntang buffet. Siya pa nga ang nag-asikaso sa akin. Adik din tong babaeng ito.

Nakaupo na kami sa isang table na bakante. Daldal siya nang daldal habang kumakain ako. Nakakatuwa kasi hindi ko na siya nakikitaan ng galit para sa akin.

"Masaya ako para sayo. Salamat at napatawad mo na ako," bigla kong nasabi sa kanya ng makatapos siyang magkwento.

"Tapos na yon, Troy. Masaya na talaga ako ngayon. Kung di mo ako siguro sinaktan, malamang hindi ko makikilala ang asawa ko ngayon. Saglit lang, hahanapin ko na siya para makilala mo," paalam niya sa akin sabay tayo.

Naiwan akong nakangiti. Magpapasalamat ako sa lalaking iyon pagdating niya.

-----

Mga ten minutes na ang lumipas, hindi pa rin sila dumadating. Tatayo na sana ako nang biglang nagliwanag yung spot ng couple's table. Medyo malayo kasi ako sa harapan kaya hindi ko maaninag yung mukha nung asawa niya. Dumadagdag pa yung nakakasilaw na spotlight.

Lumapit ako sa may harapan. Narinig kong nagsasalita na siya. Nagsalita na din ang lalaki. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Cris?" nabulalas ko. Si Cris ang asawa ni Annie?

-----

YENG's POV

Kanina pa kami nagkukuwentuhan ni Cris simula ng pagdating ko dito sa reception ng kasal niya. Ang weird lang, kasi for two hours hindi pa rin niya pinapakilala yung asawa niya. Nasa may garden kasi kami ng lugar, malayo dun sa multi-purpose room. Tapos nagpaalam siya na papasok na, may thank-you speech pa daw kasi silang mag-asawa. Kumakain pa ako non kaya ang sabi niya sumunod na lang daw ako. 

Nang pagpasok ko, umupo ako sa may isang bakanteng upuan sa may likod. Bigla na lang tumapat ang spotlight sa kanila. Nakita ko si Cris na pagkaluwang-luwang ang ngiti habang nakatitig sa misis niya. Tiningnan ko naman yung asawa niya at parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Baka naman isa sa mga naging pasahero namin sa eroplano or nakabangga ko sa daan. Basta, nakita ko na talaga siya dati.

Now Playing (Complete!)Where stories live. Discover now