REVENGE : 13

7.7K 126 11
                                    

Mogiana Shin Pov

Chapter 13

"Dada that's amazing!" nang makalabas ng banyo si Morgiana, rinig na rinig nya ang ingay na nagmumula sa kusina kong saan andon ang mag-ama nya at nagluluto ng pancake.

Pinuntahan nya ang kabinet ni Luxus kong saan nakalagay ang mga damit nila para makapalit na sya ng damit.

Habang nakaharap sa nabuksan na kabinet, kinuha nya and kulay pulang panty na nabili nya sa Victoria Secret saka iyon ang sinuot at cotton shorts nya na kulay pula na may white polca dots. Dahil nasa bahay lang sya ay hindi na sya nag-aksaya ng panahon na magbra at kinuha ang kula midnight blue na T-shirt na pag-aari ni Luxus at yon nalang ang sinuot.

Humarap sya sa salamit na human size na nasa kwarto para makita kong ano ang itsura nya sa suot. "There, comfortable." napangiti sya ng masatisfy sa nakitang suot nankahit nagmukang dress sa kanya ang damit ni Luxus.

Pumunta sya sa vanity kong saan nakalagay ang strawberry scented nyang lotion at naglagay ng kaunti sa katawan. Ibinalik nya ang lotion sa lalagyan bago itali ang medyo may kahabaan na nyang buhok na may natural na kulay na brown. Lumabas na sya sa kwarto ng makuntinto sa ayos.

Naabutan nya ang mag-ama nyang nagkakalat sa kusina. Nagkalat ang mga harina at mga shell ng itlog na ginamit nila sa paggawa ng pancake, pati ang mga kagamitan na ginamit ng mga ito.

Napailing sya at sumandal sa hamba na nasa kusina para tingnan ang mag-ama nyang sobrang seryoso sa paglagay ng strawberry sa pancake na ginawa nila.

"Dada you need focus, we need to execute this perfectly." sabi ni Martin na nakaupo sa may island counte habang seryoso itong tinitingnan ni ama na si Luxus na focus na focus sa paglagay ng strawberry sa itaas ng pancake.

Hindi nya mapigilan na matawa sa ginawa ng dalawa.

"Mama don't disturved us." saway sa kanya ng anak habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pinagkakaabalahan nila.

"Kaya nga hermosa, we're doing a very serious business right now."
"Okay po."

Hinayaan na nya ang dalawa sa ginawa dahil alam nyang nagbabonding ang mga ito at sinimulan ng linisin ang kalat ng dalawa.

"YES! We did it dada!" narinig nyang pumalakpak ang anak kaya napatingin sya sa mga ito habang tinatapon ang mga shell ng mga itlog sa trash bin na nasa gilid ng island counter.

"Pwew!" Nagpunas pa ito sa nuo gamit ang bath towel na nakalagay sa balikat nito, para talaga ito nakahinga ng maluwag ng mailagay sa ayos na gusto ng mga ito ang strawberry. "Atlas, our master piece my son." Itinaas nito ang pancake na parang isang tropeyo.

Kumikinang ang mga mata ng anak nila sa habang nakatingin sa tripple layer strawberry pancake na ginawa ng mga ito. "It's look so yummy dada. I can't wait to taste it."

Nangingiting nilapitan nya ang dalawa, unan nyang hinalikan ang anak sa pisngi, "Good morning sweety." bagi bigyan ng halik ang asawa na binaba muna ang hawak-hawak na pancake. "Morning darling."

Pinalalim pa nito ang pinagsasaluhan nilang halik. Kong hindi pa sila halos kapusin ng hininga ay hindi pa ito titigil.

"Ikaw talaga walang kasawaan." saka mahina nyang kinurot si Luxus.

Tinitigan sya ng mahal na asawa, nakikita sa mga mata nito na punong-puno ito ng pagmamahal, "Never. Hindi ako mag-sasawa sayo asawa ko."

Pero hindi parin nito sinasabi ang mga katagang 'yon simula ng magkasama sila. Ayaw nya naman pangunahan ito o magtanong. Aminado sya na natatakot sya, baka kasi ng dahil lang sa anak nila kaya pinakikisamahan sya nito.

"Darling!"

"Ha?" napagitla sya sa pagtawag nito.

"Ayos ka lang ba?" Nakikitaan nya ito ng pag-aalala.

"Sorry, may sinasabi ka ba?"
"Ang sabi ko sa labas tayo kakain. Doon sa may table malapit sa dalampasigan. Are you sure you okay?"

Nginitian nya ito. "Sige mauna na kayo doon ni Martin, lilinisin ko lang ang kusina tapos susunod na din ako."

"Okay. Sumunod ka kaagad. Ayaw kitang mamiss." saka hinalikan sya sa noo.

"Dada put me down. Put me down." Inabot ng asawa nya ang naka-extend na kamay at binaba ito.

Nauna ng lumabas sa kusina sa anak, kinuha ni Luxus ang pancake saka tumingin sa kanya uli, "Sumunod ka kaagad."

"Opo, sige na at sundan mo na si Martin."

Lumabas na si Luxus sa kusina at sya naman naiwan kasama sa mga kalat doon. Inisa-isa nyang linisin ang mga kalat. Habang naglilinis hindi nya mapigilan na mag-isip.

Sana tama ang nakikitang nyang mga pinaparamdam sa kanya ni Luxus. Sana lang ng dahil sa anak nila kaya pinakikisamahan sya nito.

Pero bakit ba sya umaasa? Alam naman nya na sa simula kaya lang sya nakapasok ulit sa buhay ni Luxus ng dahil sa anak nilang si Martin. Wala syang karapan pero gusto yang magpaselfish kahit ngayon lang. Kahit sa pagkakataon lang na ito. Gusto nyang makuha muli ang pagmamahal sa kanya ni Luxus. Na sana mahal talaga sya ni Luxus.

Kasi baka hindi na nya kayanin kapag nasaktan nanaman sya ng dahil kay Luxus sa ikatlong pagkakataon. Kasi sinasakal ang puso nya isipin palang na hindi naman talaga sya mahal ni Luxus.

Mabilis nyang tinuyo ang luha na dumaloy sa pisngi, "Kaya mo yan Morgian." pag-aalo nya sa sarili, pinilit nyang ngumiti bago pinagpatuloy ang paglilinis.

Author's Note: Gusto kong bumawi, hope you like it guys.

Heartless Revenge (Book Two)Where stories live. Discover now