Chapter 26

8.5K 394 58
                                    

Sophia

"Phia, san kana? Andito na ako san ka?

"Eto na, kaka park ko pa lang, San ka ba?"

"Andito ako sa Gusion Boutique. Ang dami nilang new arrival best, ang gaganda pa."

"Oo na, going na ako."

"Sige-sige... See you late."

Agad kong binaba ang tawag ng kababata/classmate/my best friend. Ganon kame ka close ni Cleo, para ko na din siyang kapatid kung ituring dahil halos sabay kameng lumaki.

Niyaya niya kasi akong gumala at mag shopping. Actually isa kasi kame ni Cleo na addict pagdating sa salitang shopping.  Lalo na kapag may bagong dating na clothing section sa bawat boutique.

Pero sa totoo lang wala talaga akong gana gumala ngayon, wala ako sa mood ika nga. Ang gusto ko lang gawin ay puntahan si Arabella, pero sabi sakin ni Althea na nakalabas na sila nung isang araw pa.

Di man lang ako tinawagan ni Arabella at sabihing, oy bruha!! Nakalabas na pala ako. Salamat sa dalaw ha!! Ung ganon?

Pero ni Hi ni Ho wala man lang... Buti pa si Althea laging nangungumusta sa kalagayan ko, samantala ung kakambal niya napaka pa sa napaka!!!

Palinga-linga ako sa kabuuan ng mall at hinanap ang sinasabi ni Cleo na Gusion Boutique. Ngunit mag 15 minutes na ata ako sa kakaikot ikot sa mall na ito ay diko parin makita kita.

Kaya umupo na ako sa isang bench at kinuha ang cellphone ko para tawagan siya na sunduin na lang ako. Dahil hilong hilo na ako sa totoo lang.

"Cleo, pwede sunduin mo na lang ako dito sa harap ng bookstore? Diko kasi makita ung depatment na sinasabi mo, at saka nahihilo na ako sa kaka ikot."

"Andito lang best sa 4th floor, pero sige baba na ako, wait mo na lang ako jan."

"Oh sige best." Agad kong pinatay ang tawag at napatayo sa kina uupuan ko.

Pero sa di inaasahang pagkakataon ay nasagi ko ang braso ng isang babae na may hawak na fruit shake at nabuhos ito sa damit niya.

"What the!!! Bulag ka ba?!!" Inis na baling sakin ng babae na sa tingin ko ay mag ka edad lang kame.

"Sorry.. Diko sinasadya," sagot ko habang hinahanp ang panyo sa bag ko.

"Ang sabihin mo boba ka!!"

Pero sa halip na sagutin ko ito ay mas pinili kong punasan ang namanstahan niyang damit. Pero sinagi lang ito na parang ayaw niyang mag pahawak.

"Alam mo ba gano kamahal itong damit na minansahan mo?!! Kaya mo bang palitan to ha?!"

Napataas naman kilay ko sa sinabi nito. Well sa totoo lang napaka mahal naman talaga ng damit na nasira ko, at alam ko sa France lang ito mabibili, and I think more than 90k ang damit nayon o mataas pa.

Pero ang kinataas ng kilay ko nung sinabi niya na kaya ko bang bayaran ang letcheng damit niya?! Baka di niya alam na kayang kaya ko lang iyon at isa pa, isa akong Mondragon.... Kilala ang pamilya namin sa mundo ng fashion show, lahat ng damit na pinaparampa ni Mommy sa isang show, pwera yabang pero ito ay worth of BILLIONS!!

Pero sa halip sagutin ko siya ay mas pinili ko parin mag pa kumbaba dahil kahit ako diko alam anong behavior ang meron ako this past weeks. Dahil pansin ko na memenos ang kamalditahan ko.

"Like what I said earlier... I'm reall--"

Diko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal nito. Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil sa sobrang lakas ng pag sampal nito.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now