4

4.4K 46 0
                                    

A week has passed since our dinner with our parents. Ganoon parin naman palagi kaming nagaaway ni Dylan o di kaya di naman nagpapansinan.

Yung about kay Oliver naman di pa kami nagkikita kasi busy ako sa school works kasi it's almost finals na rin.

From: Oliver

Are you available? Did you bring my jersey?

Sakto at kakatapos lang ng last session namin since may meeting pa ang mga profs namin. Agad naman akong sinalubong ng pangaasar ni Julia.

"Sino na naman kalandian mo diyan?" Tanong niya at sumilip sa phone ko pero agad ko naman itong iniwas.

"Ha? Wala," I defended even though I looked guilty. Tinago ko nalang phone ko para safe kasi pagnalaman niyang si Oliver ang nagtext ay sure akong aasarin lang ako nito.

Umalis agad si Julia dahil birthday ng mom niya kaya umupo lang muna ako dito sa bench na kaharap building namin. I texted Oliver kung nasaan ako at hinintay siya.

"Hey," Oliver greeted and sat beside me. He looked good as always since he needa to maintain his image as a model.

Kinuha ko yung jersey niya mula sa tote bag ko at inamoy muna bago ibigay sa kaniya at tinawanan niya ako ng malakas.

"Why do you have to smell it? Thank you tho," sabi niya habang tumatawa at ginulo niya ang buhok ko na parang bata.

Nginitian ko nalang siya na halatang tinatago ko lang ang kilig. Napansin kong nakatingin ang mga tao sa amin at nagchichismisan. Hello ano ba ako lang 'to

"Pinagchichismisan tayo oh," I said at tinuro yung mga taong nakapaligid sa amin.

He looked at me at napailing siya kaya tiningnan ko rin siya na parang di ko maintindihan.

"As usual, I thought when I get back here things will be normal," he casually said and looked down.

Alam kong napapagod rin siya maging talk of the town palagi since nasa kanya ang spotlight palagi. Tinapik ko likod niya na parang sinasabihan siyang okay lang 'yan.

I gave him a faint smile and stood up. I wanted to cheer him up since he looked really down.

"Kumakain ka ba ng fishball?" Tanong ko sa kanya habang tiningnan niya akong gulat.

"Are you inviting me to eat then yes!" Hinatak niya ako agad palabas ng campus at napatawa nalang ako sa reaksyon niya.


Pumunta kami sa isang fishball cart at tinuruan ko muna siya paano gawin 'yun kasi first time niyang kumain nito. Tinawanan ko siya ng mapaso dahil sinubo niya agad.

"Thank you for making me experience this," he said as he threw his trash on the bin.

Sasagot na sana ako ng tumawag si Dylan. Nagulat ako na tumawag ito since di naman siya tumatawag talaga. I excused my from Oliver and moved to the side.

"Ano?" Pasigaw na sagot ko.

[Umuwi ka na]

"Sino ka ba para pagutusan mo ako?"

[Asawa mo. Kaya umuwi ka na]

I felt myself flustered sa sinabi niya. I can imagine him smirking since it took me long to answer him back.

"Manahimik ka nga, uuwi ako kung gusto ko."

[May emergency kasi, bilisan mo na]

Pinatay niya ang tawag bago pa ako makasagot. Anong emergency? Agad naman akong kinabahan dahil di niya sinabi kung ano.

Bumalik ako kay Oliver at nakitang nakatingin pala siya sa akin dahil sa lakas ng boses ko ata.

"Hey, I have to go may emergency kasi," Sabi ko while I hold unto my tote bag.

"Awww sad. It's okay but thank you! Do you want me to drive you home?" He asked as he pursed his lips.

Kinabahan ako kaagad since baka malaman niya ang tungkol sa amin ni Dylan.

"No need na," I said and waved him goodbye.

I was shocked when he pull my hand papunta sa carpark. I just hope na wala pa si Dylan sa bahay.

Sumakay kami sa sasakyan niya habang kinakabahan ako. Nilagay ko ang address ng kanto sa bahay sa waze niya.

The ride was smooth since wala pang traffic and di pa naman rush hour. We arrived na sa destination but he was confused na sa kanto kami nakarating.

"Mauna na ako Oliver. Thank you!" I said and went out of the car before he can say anything.

Tumakbo ako papuntang bahay and hoping na sana umalis na si Oliver.

Nakita kong nasa bahay na si Dylan since nakapark na ang sasakyan niya sa loob. Daling dali naman ako pumasok at hinihingal pa.

Nakita kong nakahiga si Dylan sa coach habang nanunuod ng Netflix at aba kumakain pa ng popcorn.

"Anong emergency pinagsasabi mo diyan?!" Sigaw ko sa kanya at pumunta sa harapan niya para patayin ang TV.

"Ano ba!" He shouted back and a smile rose from his mouth as he saw my tired face.

"Ah, okay na pala. Nakasearch na ako sa youtube paano magluto ng popcorn," sabi niya ulit sabay subo ng popcorn sa bibig niya.

Tiningnan ko siya ng masama dahil nagmadali pa akong umuwi para lang sa popcorn niya. Umalis ako sa harapan niya na walang sinasabi at padabog na umakyat sa taas ng nagsalita ulit siya,


"Ayokong nakikita ka na kasama siya."

The Unfolding Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon