Comin' Home..

26.9K 167 67
                                    

Four years after...

Apat na taon na ang baby ko,si Alvaro Nikko Rafael Montemayor.Si Baby Nikko.Tapos na rin ako sa kursong Business Management.Kami na kasi ni Kuya ang mamamahala sa mga negodyo ng pamilya namin.Matatanda na sila mommy at daddy para mamroblema pa sa mga ito.May mga kanya-kanya na rin silang pamilya.

Lovelife?

Habang may sugat pa,hindi ko muna pinansin ang mga nanliligaw sa akin.Tama na munang tutukan ko ang aking pag-aaral at pag-aalaga sa baby ko.

"Mommy,is it true that we're going to the Philippines?",makulit na sabi ni Baby Nikko.

Kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas dahil maraming kailangang ayusin sa mga negosyo namin,kasama na ang pamamahala sa university.

Ayoko man bumalik sa Pilipinas pero nakiusap sa akin si Mommy.Si Kuya kasi busy sa kanilang honeymoon ni Ate Gwenyth.Nagkakilala sila dito sa New York at yon nabuo ang kanilang lovelife.

"Yes,Baby.So pls behave,Okay?"

"Yehhey!I will meet Ninang Kat.She will buy daw chocolate,Mommy.May mga friends ba ako don,Mommy?"

Tinuruan ko man mag-english ang anak ko,sinanay ko din ito na wag mawawala ang ating lenggwahe.

"Yes,you will have friends there,soon"

Isa lang naman ang kinatatakutan ko.Ang makita si Ralph.

Ano na lang ang sasabihin ko sa anak ko?

Balita ko sa kanya,going steady na rin sila ng matagal na niyang girlfriend na si Eunice Blanco.

Hindi na ako nasasaktan.Natanggap ko na,na hindi kami ni Ralph para sa isa't-isa.

Alam kong masaya na siya lalo pa't sikat na siyang artista ngaun sa bansa.Sila ng mga kabanda niya.Hindi lang pagtugtog ang ginagawa ng banda nila.May kani-kaniya na silang teleserye at nakaraan ay movie.

Naging maganda ang paglayo ko sa kanya.

Sana lang wag na niya kaming guluhin.

Pero natatakot pa rin ako sa posibleng mangyari..

Ninoy Aquino International Airport

Kalalapag lang ng eroplano sa NAIA.

Apat na taon din ng huli akong nakaapak dito sa Pilipinas.Umalis ako na puno ng pighati at lungkot.ALam ko ngayon,sasaya na ako kasama ang anak ko.

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang isang sigaw...

"Girl....miss you!!!",si Kinita.Isa na itong sikat na fashion designer sa bansa.

"Hey,kung makatili ka naman!"

"Ay ang cute talaga ng inaanak ko.Hi,Baby."

"Hello po",si Baby Nikko.

"Saan sina Kat?Hindi ata nakasundo?Tampo ako ah."

"Si Kat,busy sa new project niya sa Tagaytay.May itatayo kasing bagong Condo doon.Si Lily,ayun,nasa Paris kasama ang jowa niyang mayaman.At si Megan,may show sa CCP,kasama ang ibang mga sikat na model sa bansa."

"Okay lang kaw talaga.Tara!"

Nagtapos sa kursong architecture si Kat at kasalukuyang pinamamahalaan ang kumpanya nila sa bansa.Si Megan,nawili sa industriya ng modelling.Sinusumpa sumpa pa nito noon ang mga modelo,doon din pala babagsak.Si Lily,nakapangasawa ng isang haciendero mula sa Ilocos.Ayun,buhay donya ang loka.

Papaalis na kami sa Airport ng magulat kami na nagkakagulo ang mga tao..

"Paparating na raw si Ralph at Eunice!Ang ganda talaga ng tandem nila!",yan ang bulungan ng ilang mga usiserong nadaanan namin nila Kinita.

"Hay naku ang mga tao nga naman!Parang hindi nakakita ng tao!",iritableng sabi ni Kinita.

Alam kong may galit pa ri ito kay Ralph.

Napahinto ako ng may pamilyar na pigura akong nakita.

Nagtama ang mga mata namin.Halatang nagulat siya.Napatingin din ito sa baby ko.

Tila nagtatanong ang mga mata..

"Let's go,Baby.Bilisan natin Kinita.Baka ma-traffic pa tayo."

Nakaalis kami sa mga nagkukumpulang tao.

Bakit sobra ang kaba ko?

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam!

Matagal ko ng pinatay ito...

Ralph's POV

Nagmamadali kami dahil may flight pa kami papuntang Macau,may shooting kasi kami ni Eunice para sa susunod naming pelikula.

Mabilis ang kilos namin lalo pa't maraming mga fans ang nag-aabang sa airport.

Hanggang sa nagulat ako ng mkita ko siya.


Malaki ang ipinagbago niya.Lalo siyang gumanda.Nabigla ako ng makita ang batang kasama nila ng kaibigan niyang si Kinita.

Hindi ako magkakamali,siya ang anak ko.

Kamukhang-kamukha ko lalo na noong bata pa ako.

"Ralph,let's go.Kailangan na nating magcheck in."ani Eunice na nagpatigil sa aking pag-iisip.

"Okay."

Kailangan ko silang makita.

Pero,paano?

Galit pa rin kaya siya sa akin?

Sana hindi na...

____________________________________________________________________________

Tnx sa support..

Sa right side po ang pix ni Nicole ng magkita sila ni Ralph..

Pls.Vote,Read and Post a Comment..

eternitydiane

Senseless Romance #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon