Chapter 1 - Fame and Fortune

43 0 0
                                    

PIA

"Jaq, lingon ka nga nang konti sa kaliwa... Okay, ganyan." Click.

"Chin up! Natatakpan ang mukha mo." Click.

"'Yung kamay mo masyadong stiff tingnan. Relax... Okay?" Click.

"O, yumuyuko ka na naman. Chin up! Relax lang." Click.

Napailing na lang ako nang muli kong tingnan sa display screen ng aking camera ang mga nakuha kong litrato. Nakailang takes na kami at hindi ko pa rin makuha-kuha ang mga shots na gusto ko.

"Sige, break muna for 30 minutes." Anunsyo ko nang mapansin kong pagod at nangangawit na ang model naming si Jacque at ang iba pang crew sa kakatayo.

Patuloy ko pa ring sina-scan ang mga shots na nakuha ko kanina nang nilapitan ako ni Jacque.

"Ms. Pia, are you okay?"

"Yes, I am. Don't worry. Medyo pressured lang. I can't seem to capture the right shots. Today of all days! Eh, mamayang 8:00 PM na ang deadline ng mga 'to." Kibit-balikat.

"Sorry po for being such a pain in the ass."

"No, you're not! You're doing great. Everybody's doing great. Medyo minalas lang tayo ng konti, but rest assured, we'll have the photos submitted before 8:00 PM tonight... Let's not blame anyone, okay? O, siya siya, magpahinga ka na doon kasi marami pa tayong gagawin mamaya."

Nagpahinga na rin ako sa loob ng studio kasama ang mga crew. Nakakatuwa lang na kahit pressured at pagod na kaming lahat ay nakukuha pa rin naming magtawanan. Thanks to Bonki, our make-up artist, resident clown at ang pinakapaborito kong bading sa balat ng lupa. He's also one of my best friends. Kung wala si Bonki, malamang baliw na ako ngayon.

10 minutes bago matapos ang break time, napag-isipan kong buksan ang aking Facebook account. Mag-iisang buwan na rin nang huli kong tiningnan ang aking Notifications. Ngunit bago ko pa man nagawang i-click ang Notifications panel, something in the News Feed caught my attention.

Keith Brandon Elizaga is in a relationship with Isabelle Garcia.

Seriously?

Totoo ba 'tong nababasa ko?

One month pagkatapos ng aming malagim na break-up ay nakahanap agad siya ng pamalit? Oh, come on. We were in a relationship for two damn years! This is so unfair.

"Semana santa yata mukha mo, 'teh?" Kung hindi nagsalita si Bonki ay 'di ko mamamalayang nasa tabi ko na pala siya. At huli na yata para itago ko pa sa kanya ang balita dahil sa susunod na reaction niya pa lang ay halatang nakita niya na. "OMG! For real?! Ang kapal naman ng mukha ng Keith na 'yan! 'Di niya ba alam ang 'three-month-rule?' Ang bastos ah."

Long pause.

Alam ni Bonki na kapag hindi ako sumasagot, ayoko munang pag-usapan ang isang bagay, kaya minabuti niyang manahimik na lang muna.

"We can talk about this later, Bonki. Ayokong muna ng distraction sa ngayon kasi may deadline pa tayong hinahabol. Tara, tawagin mo na sila. Let's get this over with."

What's work is work. What's personal is personal. Lagi kong sinusunod ang prinsipyong ito kaya mabilis kong naisantabi ang tungkol kay Keith. Nairaos namin ang photoshoot at na-submit ang pictures isang oras bago ang deadline. Our output was, in fact, better than I expected. At least naman nabunutan na ako ng isang tinik sa dibdib.

Then again, there's still Keith to deal with. 'Yung isa pang malaking tinik na kailangan kong bunutin.

"Bonki?" Matapos ang isang oras na biyahe pabalik sa studio nang hindi nag-iimikan, I somehow managed to break the silence between us. I know he's just waiting for my go signal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cover GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon