Chapter 4

64.1K 1.2K 12
                                    

First Encounter

Anica POV

I almost lost track of time! Balak ko lang sanang bumili ng regalo para kay Aidan pero I was mesmerized when I saw the butterfly necklace. Napagastos na naman tuloy ako. My class is actually at 4pm. at Gosh 10 minutes na lang 4 na!

I texted Darri my bestfriend if she's already in the campus pero hindi naman ito nagreply. Mukang di na naman nagload! After bumaba ng sasakyan ay agad akong kumaripas ng takbo para makahabol sa klase ko nang may bigla nalang humablot sa braso ko. Muntik pa kong masubsob sa dibdib nito! Sino bang walangyang---

'Omg! Tao ba to?!' Para ata akong namalik-mata sa nakikita ko. Ang gwapo naman ng mamang ito. Ang tangkad nito,  halos nasa ilalim lang ng baba nito ang ulo ko. Maputi ito at mapupula ang labi. Magulo ang ayos ng buhok, at medyo golden brown. Mukang may dugong-banyaga ito. Naka gray coat ito at long sleeve na white na walang tie. Bukas ang dalawang butones nito at nakapants. Semi-formal.

"Done checking me out sweetheart?" Argh! Ang obvious ko ata.

"E-excuse me kuya pogi, malelate na kasi ako sa class ko.." did I say kuya pogi? Gawd! Napakahonest ko! Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Aidan nito? Na nagnanasa ako sa ibang lalaki? Gwapo din naman si Ai, iyon nga lang lumamang sa maturity ang kaharap ko dahil nasisiguro kong mas matanda ito kay Ai.

Tinawanan lamang ako nito. " So.. you're truly back to studying?" Tanong nito sa kin?

Back? Hindi naman ako tumigil ah! Imbento to.

"I don't know what you're talking about mister" hindi ko na uulitin yung kuya pogi baka lumaki ulo nya! At geez I need to go na talaga.

"Stop playing hide and seek with me Mira! "  nagulat ako sa medyo pagtaas na ng boses nito. What the-- sino naman yung Mira? Napalingon tuloy ako sa likuran ko baka kasi hindi naman ako ang kausap. Pero hello Nica! Ikaw ang hawak nya sa braso.

"A-ako ba kausap mo? " nagtanong pa taga ako e sa akin na nga nakatutok ang mga nakakaakit na brown eyes nito! Pero bakit Mira?

"Stop playing games with me Mira, I'm tired of these shits! First you wanted hide and seek, now what? You're up to some sort of charades?" Hano daw?? Ang gwapo sana medyo creepy lang! Hide and seek? Charades? Wtf!

"Look mister baka naman po nagkakamali ka lang! I'm not someone you know ok? Di nga rin kita kilala for pete's sake! Will you just let me go?" Pilit kong binabawi ang braso ko dito na sa pagpupumiglas ko ay nabitawan na rin naman. O baka binitawan ng kusa.

"I won't let you go Mira. Nagawa ko na noon. Expect me to never let you go this time. Kung kailangang itali kita gagawin ko." Hala! Psycopath pa ata tong kausap ko. Makulit! Mira ng Mira.

"Hi-hindi po kasi ako yung Mira!' There inis na rin ako. Bakit ba pinipilit nyang ako ang hindi naman ako?

"You can never fool me again Mira!" Argh! That's it! Late na ako!at mababaliw na rin ata ako sa mamang pogi na ito.

" Mister, sinabi ko na sayo diba, hindi Mira ang pangalan ko!" Konti nalang talaga mauubos na ang pasensya ko dito. Kahit gwapo sya ay di ko sya sasantohin!

"What's going on in here?" Ganoon na lamang ang tuwa ko nang makita kong palapit si Darri! She truly is my saviour!
"Thank goodness Riel, nandito ka! " sabay yakap ko dito.

"Bakit? May problema ba?" Tanong nito sa akin. Ready na talaga ako magsumbong noh! Ngayong nakahanap na ko ng kakampi? "He was intruding me! He keeps on calling me Mira! Sabihin mo nga sa kanya kung sino ako. " I know na para na kong batang nagttantrums pero the hell I care ! Gusto ko ng makapasok. Argh!

"Sir, if you don't mind. Do we happen to know you? " Hanep! Napa-english si besty! Pero oo nga noh! Hindi ko pa naitanong kay mamang pogi ang pangalan niya! Gosh paano pala ako magpapablotter sa mga pulis kung hindi ko nakuha pangalan nya.

"I'm Gio Kazer Sanreal and I only want to talk to Mira." Whoa! Sanreal? Pamilyar! Hindi ba Sanreal ang may-ari ng SC malls?

Napansin na ata ni Darri ang pagtawag nito sa kin ng Mira dahil gaya ko nakakunot narin ang noo nito. "Ugh! See! Mira daw ako? Besty!" Ayan dadaanin ko nalang sa pagtantrums!

"Excuse me Mr. Sanreal, pero hindi po kasi Mira ang pangalan nya. Anica Denise Salazar po at ako naman po si Dariel Marie Dela Cruz" Sinabi nya ang pangalan ko? Paano nalang kung masamang tao ito? Kahit wala sa itsura nito. Pero ayos lang binanggit din naman nya ang pangalan nya.

"Salazar? Ohw. I see. Well then, this will not be our last meeting young lady." Sambit nito na nakatutok sa akin ang paningin. Di ko alam kung ako lang ba ang nakakita per there is something in his eyes that expresses longingness? Sadness? Sa akin ba? Imposible.

Laking pasalamat ko dahil umalis na ito! Pero laking gulat ko sa pagtingin ko ng oras "OMG! 4:30 na! Late na ko ng 30mins. " Gosh! Bwisit na Sanreal! Attendance-concious pa naman ako.

__________________________________________

The scene is actually from MBB :)) sana makapag-UD ako tom .G'night :)

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon