One

20.6K 186 4
                                    

Sa panahon ngayon. Babae na ang gumagawa ng first move. Hwag kang tatanga tanga. Sabi nga nila, kung may tiyaga, may nilaga.

"Kaibiganin mo tutal dyan ka naman magaling diba?"

"Nahihiya ako eh"

"Saan ka dadalhin ng hiya? Kung palagi ka nalang ganyan hindi ka niya mapapansin. Lukaret ka sa gwapo niyang yan madami ang naghahabol."

"Kaya nga eh."

"Maki IN ka nalang."

"Edi mas lalo niya akong hindi papansinin. Aakalain niya lang na isa ako sa mga die hard fans niya."

"Sinabi ko ba na magtititili ka tulad nila?"

Sabay turo sa mga babaeng haliparot na tumitili dahil paparating na ang prince charming ko.

"Dustin marry me" hiyaw ng isang freshman

"I love you Dustin i'm forever yours" sigaw naman ng iba pa

"We'll suck you Dustin" ayaw ko nang tingnan kung sino ang sumigaw non.

>.>

"Gross" Ana

"Hahahahaha..hayaan mo na nga sila. Talagang hindi ako tutulad sa kanila" sabay turo ko din sa mga yun.

"Sheca kung gusto mo mapansin ka niya, kaibiganin mo siya. Medyo dumikit ka sa kanya parang fans niya kaso iba ka nga lang."

"paanong iba? May sariling agenda ganun?"

"TUMPAK!"

Narinig namin ang tunog ng bell, hudyat na ng pagsisimula ng klase.

"Usap nalang tayo after class. Bye Sheca"

"Bye Anabanana..haha"

________________________________

Studyante palang ako kumekerengkeng na. Ano ba naman yan. Ako nga pala si Sheca Montelebano. 3rd year college.

At yung kanina? Si Dustin Rosenthal naman ang aking prince charming. 4th year college. Mr. Popular ng school namin.

Birthday party ng classmate ko na hindi ko close nung una ko siyang makita. Noong dumaan si Dustin sa harap ko naimbento ang love at first sight. Noong nag smile siya sa akin. Shocks! doon nauso ang killer smile.

High school palang ako nun ah. Kaya naman sinundan ko talaga siya kung saan siya mag co-college. Kaya heto ako ngayon sa Eastwood Academy. Muntik na akong hindi makapasok dito dahil alam niyo ba ang requirements? Leche may ganun dito

1. Mayaman 

2. Matalino 

3. Magandang lalaki/babae

Yung one pasado ako, yung two muntik nang sumablay, hindi naman kasi ako matalino pero para kay Dustin nagpakadalubhasa talaga ako. At yung three, mabuti at nandiyan ang kaibigan kong si Ana, ginawa niya akong tao.

Pero syempre, hindi totoo yang mga yan. Wala namang ganung unuversity, sa wattpad lang nag e-exist yon.

Ah muntik ko na palang nakalimutan si Ana Falcon. Kaibigan ko. Naku perfect talaga siya. Madaming mga bagay bagay na pareho kami ng hilig kaya nagkasundo kami kaagad. Lahat nga ng secrets ko alam niya.

Tama si Ana kanina. Kung hindi ako gagawa ng move, hindi ako mapapansin ni Dustin.

__________________________________

Lust or Love<Revenge>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon