BK-3

2K 56 0
                                    

Chapter 3

Hindi ma-contact ni Analisa ang kanyang boyfriend na si Miguel. Kanina pa nya hinihintay ang tawag ng binata pero hindi pa din siya nagpaparamdam.

Naupo siya sa isang waiting shed habang naghihintay ng masasakyan pauwi ng bahay. Napaigtad siya at napatili nang biglang kumulog nang malakas. Napahawak siya sa kanyang dibdib. “Naku, uulan pa. Wala pa naman akong dalang payong.” Nakatingalang sabi nya.

Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Ilang beses din na kumulog at kumidlat. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa lamig na nararamdaman nya. Nagsimula nang dumagsa ang mga taong sumilong sa waiting shed na sinisilungan nya.

Nang medyo tumila na ang ulan, sumakay na siya ng jeep para makauwi na. Malapit lang sa kanilang bahay ang tirahan ng kanyang boyfriend kaya naisipan nya na dumaan doon. Nagbaka sakali siya na baka nakauwi na ang binata sa kanyang bahay.

Naka-ilang doorbell na siya nang may babaeng nagbukas ng pintuan.

Tinaasan siya ng kilay ng babae sa kanyang harapan. Nakatapis lang ng tuwalya ang babae at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Sino ka?” Mataray na tanong ng babae.

Biglang nag-init ang ulo ni Analisa. “Ako dapat ang nagtatanong kung sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay ng boyfriend ko?”

Biglang dumating si Miguel na mukhang kagagaling lang sa banyo. Nakatapis din ng tuwalya ang binata at napasilip siya sa pintuan.

“Sino ba ang nand’yan babe?” Sabi ni Miguel sa kasama nya na babae.

Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita nya si Analisa. “Analisa! Anong ginagawa mo dito?”

Hindi na napigilan ni Analisa ang mga luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata. Sinugod nya si Miguel at pinaghahampas. “Walang hiya ka! Niloko mo ako!” Humahagulhol sa sabi nya.

Sinalag naman ni Miguel ang mga hampas ni Analisa. “Tumigil ka nga Analisa! Umalis ka na dito!”

Napatigil si Analisa sa kanyang ginagawa. “Ako pa ang pinapaalis mo? Ako ang girlfriend mo Miguel! ‘Yang babae na ‘yan ang dapat pinapalayas mo!” tinuro pa nya ang babaeng katabi ni Miguel.

Tinaasan siya ng kilay ng babae. “Hindi mo ba narinig o sadyang bingi at tanga ka lang? Ikaw ang pinapalayas ni Miguel kaya kung ako sayo aalis na ako.” Mataray na sabi nya kay Analisa.

Sinabunutan ni Analisa ang babae. “Malandi kang babae ka! Ang kapal ng mukha mo mang-aagaw ka!” Agad namang nilayo ni Miguel ang babae kay Analisa.

“Umalis ka na Analisa! Baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo! Tapos na ang relasyon natin dahil ayaw ko na sa’yo! Wag na wag ka nang babalik pa dito!”

Tinalpak ni Miguel ang pinto at naiwan si Analisa na luhaan sa labas ng bahay. Luhaan siya habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay. Bigla na namang bumuhos ang ulan na parang nakikidalamhati sa kanya. Wala na siyang pake-alam kahit basang basa na siya sa ulan at nagpatuloy lang sa paglakad.

Napatingin siya sa kanyang kanan nang makita nya ang isang babae na sumasabay sa kanyang paglakad.

“Gusto mo ba na ipaghiganti kita sa panloloko sa’yo ni Miguel?”

Napatigil ako sa paglakad. “Kilala mo si Miguel? Nakita mo ang ginawa nya sa akin?”

Ngumiti ang magandang babae. “Kitang kita ko ang lahat Analisa.”

Naalala na naman ni Analisa ang mga sinabi ni Miguel sa kanya. Napuno ng poot at galit ang kanyang buong pagkatao. “Walang hiya siya! Niloko nya ako! Minahal ko siya ng buong puso pero ito pa ang gagawin nya! Mamatay na sana siya!” Bulyaw ni Analisa.

Ngumiti nang nakakalikabot na ngiti ang babae sa kanyang tabi. “Huwag kang mag-alala Analisa, mangyayari ang sinabi mo.”

Nagsimula na namang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Tinakpan nya ng kanyang mga palad ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha. Nang lumingon siya sa kanyang kanan ay wala na ang babaeng nakausap nya kanina.

Kinabukasan naisipan nyang bumalik sa bahay ni Miguel para kausapin ang binata. Sobrang mahal nya si Miguel at gusto nyang makipagbalikan sa binata.

Nakailang katok na siya ngunit walang nagbubukas ng pintuan. Sumilip siya sa bintana at narinig nya ang lagaslas ng tubig galing sa banyo. Naalala nya na meron nga pala siyang duplicate na susi ng bahay. Kinuha nya iyon at binuksan ang pinto.

Laking gulat nya nang tumambad sa kanya ang babaeng nakausap nya kagabi nang pauwi siya ng bahay. Pumasok ang babae sa banyo at pinagsasaksak si Miguel sa bath tub. Kitang kita niya ang lahat nang ginawa ng babae kay Miguel.

“Tama na ‘yan! Itigil mo ‘yan!” Sigaw nya.

Tumingin sa kanya ang babae. “Hindi ba ito ang gusto mo? Ang mamatay si Miguel?”

“Hindi totoo ‘yan!”

Tumawa nang nakakakilabot na tawa ang babae.

Natakpan nya ang kanyang bibig nang makita nya na biglang nagbago ang anyo ng magandang babae. Nakita nya ang malaking sugat sa leeg ng babae at umimpis ang kanyang mukha. Punong puno ng dugo ang buo nyang katawan.

Tumingin ang naghihingalong si Miguel sa kanya. “Tulungan mo ako Analisa.” Sabi ni Miguel at tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Nagsisigaw si Analisa dahil sa sobrang takot. Nakakuha siya ng atensiyon sa mga tao sa labas at agad na pinuntahan siya ng mga kapit bahay. Nanginginig siya sa sobrang takot at bigla na lang nawala ang babae na pumatay kay Miguel at naiwan ang kutsilyo sa sahig.

Bloody Knife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon