CHAPTER 41 ~ A Code? Or Not ~

98.5K 1.4K 41
                                    

CHAPTER 41

AUTUMN'S POV

Nakaupo lang ako sa sofa na nasa parlor nila Ice at Wynd at kasalukuyan ko silang pinapanood habang inaayusan nila ang unwilling customer nila na si Heaven katabi ang tuwang-tuwang si Lynxie na kinukulayan ni Ice ng kulay yellow.

para tuloy siyang kalahi tuloy nila simpson.

Natatawa ako habang nakatingin ako sa pinaggagagawa ni Wynd kay Heaven na ngayon ay mukang kalahi na ni Usher dahil sa nilalagay ni Wynd sa muka niya.

Tumingin lang sakin si Wynd at kumindat. Pagkatapos ay enjoy na enjoy na tinuloy niya yung ginagawa niya. Parang naging stress reliever na niya ang buwisitin ang mga members ng BHO.

"Ang cute mo heaven."-me

"Psh."-heaven

"Ako lang ang cute!"-wynd

napailing na lang ako at itinaas ko yung paa ko sa coffee table at kumuha ako ng magazine para basahin. Ang kaso wala pang limang minuto na bored na ako kaya ibinaba ko na yon.

kinuha ko na lang yung cellphone ni Wynd at nag explore ako. Napangiti ako ng makita kong may mga bago akong pictures na nadagdag.

meron pa na tulog ako at tumabi siya sakin then nag picture siya. Sana ginising na lang niya ko...gusto niya pa yung puro stolen eh.

"You really love taking my pictures."-me

"Number one fan mo ako eh."-wynd

"obssesed ka kamo."

"And that too."

binato siya ng cotton buds ni Ice. Nakangiwi si Ice at halatang na co-cornyhan na sa kakambal niya. Natatawa talaga ako kapag mag kasama sila..

BHO: He's My Secret Agent Fake Husband (Book 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon