THE MARRIAGE PROPOSAL

8.5K 39 13
                                    

***

Nakaupo ako ngayon sa isang leather couch, napakabilis ng tibok ng puso ko. Gosh! Nakikita ko ang inner goddess ko  na nagdidiwang at sumasayaw ng gangnam style! Oh my! Ito na iyon eh. Finally! Hindi ko alam kung swerte lang talaga ako, pinagpala o blessed. Ganoon ba ako kamahal ni lord??

“ Hintayin mo ako dito.” ngumiti siya sa akin. Napakaamo ng kanyang ngiti, nasa harapan ko lang naman ang lalaking Taltlong taong kong pinagnanasahan este, minamahal! Hindi ako makapaniwalang darating ang pagkakataon g ito.

Tinapik niya ako sa balikat. At saka siya tumalikod narinig kong inutos niya sa isa sa mga secretary sa lugar na iyon na dalhan ako ng pagkain. Nasa may isang malaking gusali kami. At sa pagkakaalam ko nasa opisina kami ng CEO. Oh gosh! Tatay nya ba yung nasa loob?! Ipakikilala naba nya ako?? Hindi ba masyado siyang mabilis??

Tinignan ako nung secretary na parang ngayon lang nakakita ng babae sa buong buhay niya. Nakaponytail ang kanyang reddish hair. At super kapal ng make-up niya!Super ikli pa ng palda at fitted ang kanyang blouse. Teka pasok pa ba to sa company policy? Mukha syang pinitpit na bisugo! Hmp. Baka kabit to nung tatay ng mahal ko. Ay! Hehe joke I need to be a good daughter-in-law sa magiging father-in-law ko.NAKS!

Ito naming kasing si Gerrick! Kakikilala pa lang nya sa akin kahapon eh niyaya na akong magpakasal ngayon!! OO YOU HEARD ME RIGHT! HE JUST MET ME YESTERDAY AND HE ASKED ME TO BE HIS WIFE NA! HE ASKED FOR MY HAND! A PROPOSAL! HE WANTED US TO GET MARRIED!

Yes, Three years ko ng mahal ang lalaking ito, and finally last day napansin niya ako dahil sa kapansinpansin na ginawa ko! Gosh! And now he brought me to their company and it looks like ipakikilala na nya ako sa Daddy nya! GOSH. OH MY! Kinabahan ako bigla, yes!

Sino pa ba ako para tumanggi sa ginawa niya kanina?? Grabe! Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari, ibang iba kahapon, nabighani ko ba sya?Hindi naman ako maalindog ha?!

Pumasok siya doon sa may nakaharang na kurtina. Medyo clear yun kaya nakikita ko sya. Nakatayo sya sa gilid ng isang malaking table, doon may nakaupong lalaki kaso di ko makita ang mukha. Nakatalikod siya at nakadungaw sa bintana. May dark colored haired siya unlike Gerrick with chesnut colored hair.

“ Yes!” sigaw ni Gerrick. Oh tignan niyo na pati siya excited , oh my! Nagayuma ko ata talaga siya.

“ What’s up?” sagot nung lalaki nanaka upo. Syemay! ANG DEEP NG BOSES! Nalaglag ako sa kinauupuan ko, tao ba iyon?!

“ I found her! I finally found her” sabat ni Gerrick na tuwang tuwa sa akin. WAAHHH! Kinikilg ako.

“ Found who?” sagot nung lalaking nakaupo. Ipinatong nya ang ulo niya sa kanyang kamay.

“ THE ONE KUYA! THE ONE!” Awww. Gerrick ikaw din ang The one.. the one and only ko!

“ I can’t seem to understand you.” tipid na sagot nung lalaking nakaupo na parang kung sino, kill joy! walang kaemosyon!!Teka?! KUYA DAW?! MAY KUYA SI GERRICK???

“ Kuya, she agrees! Wala ng problema pa. Haha. Ikaw na lang, approve ba?? You’ll like her Kuya. Swear!” Grabe gerrick ang sweet mo talaga! Kaya nafall ako sayo eh. Ikaw na ata ang pinakagwapo at mabait na lalaki sa buong life ko. Pinakilala mo na talaga ako sa Kuya mo?? YIE!! Gusto kita IKISS!

“ Don’t tell me—“

“ Yes! Kuya your approval na lang and everything will be settle!”

“ NO.” Tipid na sagot niya. WHAT?! DI PA MAN AKO NAKILALA NIREJECT NA AKO?! KAPAL NG MUKHA MO!!! PASALAMAT KA KUYA NI GERRICK KUNDI MATAGAL NA KITANG PINASABUGAN  NG BOMBA!!

THE MARRIAGE PROPOSAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon