Chapter 16

26 0 0
                                    

Anne's Pov

Hayyy!!!!

Isang malalim na buntong hininga ang nailabas ko dahil sa pagod nagdagdag kase kami ng time for the review dahil sa isang araw na ito at hanggang 5:30 kami dito.

Uuwi akong magisa dahil nauna na naman si Maryjane gawa ni Jasper. Napasimangot nalang ako ng lumipat ako ng number ang haba ng solution na gagawin dito at tinatamad na ako ang sakit na din ng ulo ko.

Matyaga ko iyong binasa at sinagutan 10 minutes ata sa haba.

"5:30 mga kuya ate"sambit ni Drix habang inaayos ang gamit si laging pauwi ewan ko ba kung seryoso siya sa ginagawa niya. Pero para namang seryoso nakiayos nadin ako ng gamit dahil nagaayos na din sila.

"Uyy wait lang cr lang ako"paalam ko sa kanila tsaka nanakbo papuntang cr kanina pa kase ako naiihi, paglabas ko nagmasid masid pako wala ng tao siguro naguwian na magdidilim na din kase. Sa pagtitingin ko naalala ko na may kukunin ang papers sa SSG room kaya naman nagderetso naku bahala sila mag antay kung magaantay sila.

Kumatok muna ako dahil baka may tao tska ko binuksan ang pinto at tama nga ako may tao pa.

"Oh Roxanne bat andito kapa?"tanong ni Ms.Lorna

"Ahh maykukunin lang po akong papers"saad ko tumango naman si Ms. Tsaka inabot sakin ang isang folder

"Need na yan bukas for report sana matapos mo"bilin ni Ms. Tumango naman ako at nagpaalam tsaka mabilis na nagtungo kung san iniwan ang tatlo.

"Ate ang tagal mo naman tumae kaba?"parangkang sabi ni Drix

"Oo tumae ako ang sakit ng tyan ko hahahaha"pagsakay ko sa kanya

"Eh niloloko mo naman ako tsaka ate hanap ka ni Kuya pogi"saad niya tsaka tumuro sa di kalayuan kausap nito si Hance at mukhang kilala kuna kung sino.

Inaya kuna si Drix at samantha patungo sa dalawa para makauwi na dahil magdidilim narin naman.

"Let's go"sambit ko ng makarating

"Andyan na pala kayo sige bro una na kami samantha Drix tara na uwi na tayo"giit naman ni Hance sa dalawa tumango pa ito sakin bago sila umalis.

"Bat andito kapa san kagaling?"takang tanong ko kay Kyle ng makita ko ang kabuuan niya nakapambahay lang kase ang luko.

"Sa bahay sinusundo lang kita hindi na kita nakita kanina ang busy mong tao"nakangusong sambit

"Che! Di bagay sayo"bara ko naman na ikinatawa naming dalawa

"Lika na magdidilim na hatid na kita"pagaya niya tsaka na unang lumabas ng gate

"Hindi mo naman kase ako kailangang sunduin nakauwi kana tas may pagbalik kapa. Tska may makakasabay naman ako"ani ko kay Kyle

"Hayaan muna gusto kase safe ka kase---"pagpuputol niya

"Kase?"tanong ko naman

"Kase mamahalin pa kita"nakangiting sabi na na nagpapula ng pisngi ko

"Ayy ang corny ahhahahah"malakas na tawa ko para maitago ang pamumula

"Nyee. Corny daw namumula naman hayy mga babae talaga"

Bago kami umuwi ni Kyle ay napagisipan muna naming mag ice cream tsaka niya ako hinatid sa bahay.

"Bye ingat ka"saad ko tsaka kumaway sa kanya

"Salamat sa dinner"nagbigay pa ito ng malaking ngiti bago tuluyang tumalikod

"Anak magpahinga kana mukhang pagod na pagod ka"giit sakin ni Mama na kakatapos lang maghugas ng mga plato

"Hindi po Ma,  ayos lang po ako tsaka may tatapusin parin po ako maaga pa naman po"saad ko tsaka nagunat unat at nagpaalam kay Mama na papasok na sa kwarto para masimulan kuna ang gagawin ko marami rin akong homework na kailangang tapusin at yung mga yun ang inuna ko buti nalang inexplain sakin ni Maryjane ang gagawin.

Nang matapos naku sa homework ko ay binasa ko naman yung mga papers na ibinigay sakin mukhang madami dami ito. Pero naptigil ako ng biglang umilaw ang cellphone ko. Nagflash naman ang pangalan ni Waren dun.

"Hmm.. hello"

"Ahh Roxanne pasensya na mukhang nakaistorbo ako may tatanong sana ako"rinig kung sabi mula sa kabilang linya

"Ano yun? Sige lang"seryoso kung sambit

"Ahh gising kapa ba oh madaming ginagawa papatulong sana ako sayo sa math hindi ko talaga magets "nagaalanganing sabi sakin ni Waren

"Ahh Waren kase ano medyo busy ako pwede bukas nalang ng umaga pumunta kana lang dito bukas ha."paliwanag ko nakarinig naman ako ng buntong hininga mula sa kabila

"Ahh sige ganun ba sige bukas salamat ha! Sensya na din sa istorbo bye goodnight"saad nito

"Wala yun goodnight den"huling sabi ko tsaka pinatay ang cellphone pero hindi kupa naiibaba ay bigla na namang tumunog ito at si Kyle naman

"Hello?"walang ganang sagot ko

"Gising kapa ba?"tanong nito pipilosopohin kupa sana si Kyle pero nawala na ang gana ko sigiro ay sa pagod na din
W
"Yup may ginagawa pa ako bat ka napatawag?"

"I just want to check if tulig kana kase alam kung pagod ka, sige tapusin muna yang ginagawa mo tas tulog kana ha!"seryosong sabi niya

"Sge salamat goodnight"saad ko

"Goodnight den sweet dreams inom ka gatas ahhahahahh"huling sabi niya bago naputol ang tawag napa iling nalang ako sa huling sambit niya pagtingin ko sa orasan ay pasado alas dyis na ng gabi kaya minadali kuna ang ginagawa ko para matapos agad at makatulog na.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now