Dollhouse 038

64.3K 3.6K 18.8K
                                    


LIVE COMMENTS

- ugh my banner ship is sinking jahdkanfiwmclsndd

- FLANNER ξ(✿ ❛ω❛)⌐╦╦═─ ♡♡♡♡♡♡

- infairness si ate flame nag enjoy

- KUMANDONG PA LMAO

- gumaya dun sa unggoy ke alpha

- makati

- onga

- inenjoy ni flame kasi siya na next na mamamatay lol

- ^ bad bad bad -.-

- i feel bad for babe. idk. mahal parin ata niya si gunner.

- ang tanong, mahal pa ba siya ni gunner?

- Boom!

- Stream Boom by NCT Dream. Thanks. ♡

- kairita si babe! Iyakin! Ano gurl? Simula premiere night puro iyak ginawa mo -.-

- atleast nakakarinig

- hahahahahaha tae

- basta ako gusto makaligtas silang lahat guys :<

- kelan titigil sa halikan si gunner at flame?

- HA! FLANNER IS WINNING (ง ° ͜ ʖ°)ง

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o HERA
  
 
Iyak nang iyak si Babe.

Si Flame at Gunner naman ay inuubos pa ang ten seconds.

"Friends don't kiss like that, right?" tanong ni Java. Napansin kong napalingon si Ichiro sa kanya. Pasimple ding gumalaw ang mukha ni Alpha na pinapatahan si Babe.

"It's just a dare." sabi ni Alpha, para din siguro marinig ni Babe na iyak nang iyak.

Natapos ang sampung segundo. Tahimik na tumayo si Flame at umupo ulit sa upuan niya. Habang naglalakad siya ay naririnig ko ang posas at kadena na nakatali sa paa niya gaya ng sa'min na tumutunog kada galaw na gagawin.

Si Gunner na ang sunod na tatanungin. Seryoso pa din ang mukha niya gaya ng kanina. Nahuli ko ang mata niyang saglit bumaling kay Babe. Nakita ni Flame ang ginawa ni Gunner at tumingin na lang siya ulit sa screen.

Ugh. I can feel their tension.

Idagdag pa si Java at Ichiro na nagtatalo din kanina.

"Congratulations, Flame! I hope you enjoyed it!" sabi ng boses sa speaker na ang boses ay parang chipmunks. Hindi narinig ni Flame ang tunog pero 'yon ang nakasulat sa screen din ngayon at may heart signs pa. Napairap tuloy siya.

"The next player is Gunner. Are you ready?"

Ngumisi si Gunner. "Try me."

Biglang nagbago ang nakasulat screen. Nawala ang message for Flame na congratulations sa dare. Napalitan ito ng tanong para kay Gunner. Same question gaya ng kanina sa naunang tatlo. 'Is it true that you can kill for the sake of Decagon?'

Napalingon lahat kami sa kanya at natahimik.

"Yes." Gunner announced without hesitation.

The screen flashed a green color again.

Geez. Ako na sunod!

Nawala ang green sa screen at napalitan ulit ng parehas ng tanong, para naman sa'kin ngayon.

"Doll 08 - HERA - Is it true that you can kill for the sake of Decagon?"

Everyone's looking at me now.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now