CHAPTER TWO

15.4K 427 47
                                    

CHAPTER TWO

MABILIS na lumipas ang mga araw. Nakatapos naman si Andru ng third year high school kahit pasang-awa.

"Sigurado ka na ba talaga sa pagpunta mo ng Quezon Province, dude?" tanong sa kanya ni Theo habang namamahinga sila na nakaupo sa bench sa may covered court.

Kung hindi nagmo-movie marathon tuwing weekends ay nagba-basketball naman sila sa plaza ng kanilang subdivision.

Uminom muna si Andru sa bottled water na hawak niya. Bahagya pang natapon ang tubig sa may bibig niya. "Oo, eh. Nakakainis nga si mommy. Actually, nakiusap ako sa kanya kahapon sa huling pagkakataon pero desidido na talaga siyang itapon ako sa probinsiya!" naiiling niyang sagot.

"Gusto mo ba, ako na ang makipag-usap kay Tita Aida?"

"Gago! Hindi makikinig si mommy sa'yo, 'no!"

"Malay mo naman..."

"'Wag na, Theo. Kung gusto mo, sumama ka na lang muna sa akin doon this summer. Papunta na kasi ako doon next week. Doon ka muna hanggang bakasyon."

Si Theo naman ang umiling. "Naku, dude, sorry pero hindi ako pwede. Papunta kami ng family ko sa Australia. Bibisitahin namin daddy ko doon."

Sa totoo lang ay mayaman ang pamilya ni Theo. Full-blooded Australian ang daddy nito na nakabase sa Australia. Kaya naman, mestiso si Theo at gwapo.

"Wow! Australia! Ibang level ka na ngayon, dude!"

"Gusto mo sumama ka. Para magkasama tayong manghuhuli ng kangaroo!"

Napatawa siya sa sinabi nito kaya binatukan niya ito. "Gago! Sige, sagot mo plane ticket ko!" Hamon niya.

"Hmm... Sige, dude! Ingat ka na lang sa biyahe mo sa Quezon."

"Gago!" At isa pang batok ang ibinigay niya dito.

-----***-----

"NAKIKITA mo ba ang kalawakan at kagandahan ng Aquatika, anak? Malapit nang dumating ang araw na ikaw naman ang magsusuot ng aking korona at mamumuno sa ating kaharian!" buong-buo ang boses na turan kay Aquano ng kanyang ama na si Haring Pirano.

Nasa veranda sila ng kanilang kastilyo na nasa pinakagitna ng Aquatiko at pinagmamasdan ang kanilang nasasakupan.

Tiningnan lang ni Aquano ang ama. Humikab siya na senyales na wala siyang interes sa sinasabi nito. Okupado pa rin ang kanyang isip sa mga nakita niya kanina sa ibabaw lalo na sa tinatawag na paa ng mga tao. Naglalaro sa kanyang isipan na meron siya niyon. Nakakatakbo at nakakalakad daw siya sa buhangin. Ang saya-saya niyang nakikipaghabulan sa mga bata!

"At dapat ay makahanap ka na ng nararapat mong maging reyna, anak kong Aquano. Upang maging katuwang mo sa pamumuno. Ikaw ba ay meron nang napupusuan na sirena?" pagpapatuloy ng kanyang amang hari ngunit hindi niya pa rin ito iniintindi. "Aquano? Aquano! Nakikinig ka ba?!"

"Amang Hari!" bigla niyang sabi. Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses nito. "Nakikinig po ako, Amang Hari..."

"Hindi ka nakikinig, Aquano. Sayang lang ang mga salitang aking naisatinig kung gayon. Ano bang iniisip mo, ha?"

Napatingin siyang muli sa kanyang ama. Tunay na napakakisig at ganda ng mukha nito kahit na maraming taon na itong namumuhay sa karagatan. Iginagalang ito ng lahat ng mga sireno at sirena sa Aquatika dahil ito ay mabait, responsable at mabuting hari. Gayundin naman ang kanyang ina.

"Ipagpaumanhin niyo, Amanh Hari. Talagang may bumabagabag lamang sa akin..."

"Bakit hindi mo sabihin sa akin, anak ko?"

Ang Asul Na Buntot ni AquanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon