Chapter 4 (Take two. Action!)

551 5 0
                                    

Chapter 4 (Take two. Action!)

Tulungan niyo naman ako...

Kailangan ko talaga ng tulong nila ngayon eh, kasi...

Hindi ko alam kung panu ko ibibigay itong love letter ko para sa kanya! >///< *sabay abot sa kanliang dalawa nung sulat*

Ooohhhh ! *sabay pa nilang sinabi yan atsaka tumango-tango*

Yan lang ba problema mo? Ahmmm *linga-linga*

Ayan oh  bibili na siya! Iiwan niya yung bag niya! Dali! Dali!

*Okay lang sila? ilalagay ko to sa bag niya ng patago at walang paalam? Eeeeehhh gusto ko ako mismo magbibigay sa kanya as in PERSONAL ko ibibigay sa kanya...

Pero sabagay! Magandang pagkakataon na ito, Haaayy sana hindi ko pagsisihan ...*

Nung umalis na siya para bumili ay dali dali naman kameng tumayo at pumunta sa may table nila, Buti walang masyadong tao sa canteen ngayon.Binuksan ko agad ng kaunti yung BLACK na bag, alam ko kasi sa kanya yun eh yung color red dun yun sa kasama niya, saka ko isinuksok dun yung sulat ko. Waaahh nanginginig pa yung kamay ko! Sobrang nakakakaba kasi baka biglang may makakita tsaka baka biglang bumalik na siya. Pero over all masaya ako ! ^___________^ Kasi pagkatapos ng kalokohang to malalaman na niya na may gusto ako sa kanya , hindi ko naman ineexpect na magkagusto din siya saken eh. At least wala ng babagabag sa konsensya ko ngayon! ^_^ Hindi na ko papatayin ng REGRETS! XD

At yun nga nailagay ko na! Waaahhh!!

Umalis kaagad kame sa table nila, pero hindi pa kame umaalis ng canteen . Nakasilip pa rin ako sa table nila gusto ko makasigurado na matatanggap niya ang sulat at gusto ko rin makita kung anung magiging reaction niya pag nakita niya yung love letter ko <3,  Kaso...

Nalimutan ko...

Nasa canteen nga pala yung mga malditang yun...

Lumapit agad sila sa bag ni Jet, tinignan yung sulat with thier "popular devilish smiles" tapos ...

Nilagay yung love letter ko sa color RED na bag ...

Sabay sabay pa sila tumawa at nag-appear pa! Tapos lumabas na ng canteen na may mga ngiti sa kanilang mata at labi habang ako...

Uwwaaaaaaaaaaaaaaaaahhh TT^TT

Nakita ko yun! Ang linaw ng mga pangyayare! Pati si Bessy at Marie gulat na gulat!

Pupuntahan ko na sana yung letter ... pero...

Ayan naaaaaaa papalapit na sila Jet at yung kasama niya sa table nila! Uwaaa Uwaaa huhu anung gagawin ko??

Binuksan nung lalakeng may-ari ng Red na bag yung bag niya tapos... tapos...

Nakita niya yung ... LOVE LETTER!!!

Ngumiti siya. Yung ngiting yun, yun yung gusto kong makita mula kay Jet...

Pinakita niya yung letter kay Jet at sinabing

"Oy, pare! may letter ako oh!"

"Nice one ha!" sabi naman ni Jet ,sabay appear pa nila sa isa't-isa

Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa I'm broken </3

Umalis na sila. Umalis na din kame.

Saka lang ako nag-iiiyak! Nakakaasar kasi... Pinaghirapan ko yung sulat na yun ... Nakakaasar ! Bakit ba kasi lage na lang may kontrabida sa mundo!!! Waaaaaaaaahhhh T^T nakakaasar!!!

Bessy , sige iiyak mo lang yan, Naku ! Pag nakita ko talaga yung mga bruhang yun. Ewan ko na lang. Dalwin niyo na lang ako sa kulungan! Tsssss

They are going into my nerves na ah!

Haha XD

*Natawa naman daw ako kay Marie, makapag-english lang eh! haha*

Para kang baliw! Bigla-bigla natawa!

Haha nakakatawa kasi yung English mo eh :P

Psh!

Sige na , okay na ko. Salamat sa inyo ah... narealize ko hindi pa naman huli ang lahat eh. Kaya ok lang ^____^ Better Luck next time AJA! :)

*Ngumiti ako.. pero alam kong fake yun.. kasi nalulungkot pa din ako. Hayyy para akong baliw*

Hindi na ko pumasok, si Bessy sinamahan nalang ako. Si Marie naman, ayun gusto daw nya pumasok eh, nagpaalam na rin siya na ikekuwento niya kina Hannah at Jan yung nangyare. Pumayag naman ako, friends naman kameng lahat eh.

Osya Sige na papasok na ko. Ingat kayo bye ;)

Umalis na si Marie, kame na lang ulet ni Grace. *Lakad*Lakad*

Tapos... Nakita ko si Jet! May katawagan siya! Pero...Waaah Kinakabahan na naman ako at the same time kinikilig ^O^

G-Grace .. *kinukulbit ko siya habang nakatingin kay Jet , ngiting ngiti pa nga ako eh ^______^

Nalimutan ko na yung nangyare kanina, nakita ko lang sya yieeeeeee <3*

Oi Grace hihi -- Grace...

Oi? anu nangyayare sayo? Teka nga grabe ka maka yugyug ah! Oi, ibibili lang kita ng tubig ah nawalan ka na yata ng tubig sa katawan eh, iyak ka kasi ng iyak!

Grace anu ba hihihi :3 yun oh hihihihi *niyuyugyug ko na talaga siya*

Ha? sige na bitawan mo na ko! Ibibili lang kita ng tubig.

Napabitaw na lang ako sa kanya, at nakatingin pa din kay crush. Kulang na lang maglaway ako dito Eeeeeeehhh kinikilig ako eh *///*

Para akong nakakakita ng prinsipe sa aking harapan, naglakad ako papalapit sa kanya. Omaayy ang lapit ko na. May katawagan pa din siya pero wala akong pakealam. Umupo ako sa may terrace dun para makita ko siya ng mas malapit. Nasisilip ko yung mukha niya, naamoy ko din siya.. weee ang saya! :D

~~~

Oh--hi Millsy :)

Binaba na nya yung phone nya.

H-He-Hello Jet! .

Shomayy! kilala nya pa ko ang saya saya talaga! ^O^

Kamusta ka na?

A-a-ayos l-lang!

Nauutal-utal na ko, bigla kasi siyang lumapit eh, as in sobrang lapit tapos, inakbayan niya ko! Wuu ang init! pinaypay paypay ko yung panyo kong dilaw sa mukha ko, Bakit ba biglang uminit. Waaahhh kinikilig ako! hihihihi :3

Hi Jet !

Nagising na lang ako sa pag-de.Daydream ng tawagin siya ni ... Lily?? yung isa sa bruha girls. Kasama niya si Venus isa ding maldita.

Oh Hi girls :)

Biglang pinulupot ni Lily yung kamay niya sa kanang braso ni Jet, ganun din naman ginawa ni Venus sa kaliwang braso ni Jet.

Psh! *Yun na lang nasabi ko. Ang lalandi talaga! Grrr!

Tumingin ulit ako at papaalis na sila, pero bago pa man sila tumalikod saken, lumingon naman si Lily at saka kinawayan pa ko na pang-asar. Grrr. Susugudin ko sana kaso muntik na ko madulas HAAYYYYYSS!! ASAR!! Osya! inyo na! tsss! Ngayon lang yan! Dahil..

Bukas tapos na ang masasaya niyong araw! mwahahaha <3

Me and my Ultimate Crush Story (Completed!)Where stories live. Discover now