Chapter 08 - Mae

280 15 1
                                    

Chapter 08 – Mae

 

 

Sabrina’s POV:

 

 

“Anong ginawa niyo sa kanya?” Sabi ni Liam habang nakatingin ng masama sa amin. Napalunok ako nang simula na akong makaramdam ng kaba. We’re dead.

 

 

“We’re not doing anything. We just saw her lying and—“

 

 

“Don’t lie to me.” Malamig na pagputol nito sa akin kaya nangilabot naman ang buong katawan ko. Oh shit.. Don’t tell me nakita niya yung—oh well. Huminga ako nang malalim at pilit pinatapang ang sarili ko. He’s really weird, but yeah, I can do this.

 

“So what if ginawa namin yan sa kanya? Wala kang pake.” Mataray na sabi ko. Narinig ko namang napasinghap yung dalawa pero wala na rin akong pake sa kanila. Mga walang kwenta rin yang mga yan. Wala yang maitutulong sa akin.

“Meron akong pake.” Sabi niya nang may pagkaseryoso. Tumawa naman ako nang malakas dahil sa sinabi niya.

 

“Don’t tell me… you like her? Or baka naman nakikita mo lang siya sa dati mong girlfriend… which I mean, EX-girlfriend?” Nakangisi kong sabi. Sumama naman ang tingin nito sa akin at lalong dumilim ang ekspresyon nito.

 

 

“Ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Kailangan na siyang magamot. Baka lumala pa yung sugat niya.” Pag-iiwas nito sa akin. Napataas noo naman ako at ngumisi.

 

“I don’t care about her. If you care, then go… Dalhin mo siya sa Clinic. Wala naman siyang kwenta, right girls?” Sabi ko sabay tingin kala Celine at Alexandra. Tumawa naman ito ng kaunti at tumungo bilang pagsang-ayon. Ang plastik talaga. Pero okay na yan, atleast may supporter ako.

 

“Tsk.” Sabi ni Liam at binuhat si Isabela. Tumawa ako lalo.

 

“So romantic. Bagay kayong dalawa. Mga basura. Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis rito sa school na to Liam? Mahirap ka diba?” Tawa ko. Tumingin lang sa akin at umalis na buhat buhat si Isabela. Napailing na lang ako.

 

 

“Take care of her, okay? Baka magaya pa siya sa ex-girlfriend mong patay na! Hahaha.” Sigaw ko para marinig ni Liam. Napatigil ito saglit pero nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad. Haha. He looks so pathetic.

IsabelaWhere stories live. Discover now