Text Message

357K 12.5K 2.7K
                                    

1 Message Received

From: Lexie

 

Today 1:20pm

 

I hate you! How could you do that to Tricia?! Minahal ka niya, Jon! Naging tapat siya sa’yo! Ibinigay niya ang lahat! Then all of a sudden, makikipag-break ka sa kanya?! Tell me, anong ginawa niya sa’yo para gaguhin mo siya ha?! Ni-hindi mo maipaliwanag ang dahilan kung bakit ka nakipag-break! Ang gago mo talaga! Akala ko pa naman matino kang tao! Akala ko iba ka sa kanila! Paano mo nagawa iyon?!

~*~

 

1 Message Received

From: Lexie

 

Today1:45pm

 

Jon please mag reply ka naman oh! Naawa na ako kay Tricia. Iyak siya ng iyak. Please naman explain yourself. I know wala akong karapatan pumagitna sa inyo pero best friend ko kayong dalawa! At least tell me what’s going on. Ano ba ang problema?

~*~

1 Message Received

From: Lexie

 

Today2:29pm

 

Jon… please… :( Balikan mo na si Tricia :(.. Mahal na mahal ka niya.

~*~

 

1 Message Received

From: Jon

 

Today3:12pm

I’m sorry. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo. Oo, biglang nawala ang feelings ko para kay Tricia. Unti-unti nang nagbabago ang damdamin ko. Sinubukan ko itong pigilan pero hindi ko kinaya. I’m sorry. I’m so so so sorry. Hindi ko sinasadya na ma-fell out of love kay Tricia. Pero Lexie... hindi ko na pwede pang balikan si Tricia. Hindi ko na alam kung paano ko pa gagawin yun.

Lalo na kung ikaw na ang mahal ko. Sorry.

Mapatawad niyo pa sana ako.

End

Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon