Chapter 34

1.2K 38 14
                                    

Richard seemed uncomfortable in his office, kanina pa niya tinatawagan si Dawn pero hindi nito sinasagot ang phone niya...

"Ano kayang nangyari? Galit kaya siya? May nasabi ba akong masama?" sunod-sunod na tanong niya sa sarili......"'di kaya?" Agad-agad niya iniscan ang phone niya at tiningnan ang call register, nakatatak doon na tumawag si Dawn, and it was during on the times while she's having sex with Francella. Agad siyang kinabahan.....Idinial niya ulit ang number ng kasintahan ngunit "The subscriber cannot be reached" so he decided to visit her in her office..

Pagdating niya sa office ni Dawn ay agad siyang sinalubong ng guard..

"Ay di pa po pumapasok si Ma'am Sir eh, kanina pa" sagot ng guard sa kanya..

"Eh baka naman, nandiyan lang siya sa loob, kanina ko pa kasi siya tinatawagan eh, hindi sumasagot"

"Totoo talaga Sir, hindi pa talaga dumadating si Ma'am, kung gusto mo tawagan ko yung secretary niya para kayo mag-usap, baka may alam siya kung nasaan si Ma'am Dawn".

"Sige, salamat" may halong pag-aalala sa boses niya. Hindi siya mapapakali hanggat hindi niya  alam kung nasaan ang kasintahan....

Ibinigay ng security guard ang telepono upang ang secretary ni Dawn mismo ang maka-usap ni Richard...

"Hello, good morning, this is Mr. Thermopolis, gusto ko lang sanang malaman if pumasok ba si Ms. Renaldi ngayon?"

"Sorry Sir, pero hindi pa po pumunta si Ma'am dito sa office, tinatawagan ko nga siya, pero off at ang cellphone niya". sagot ng nasa kabilang linya

"Ah, ganun ba, hindi rin ba niya pinasabi kahapon na hindi siya papasok ngayon?"

"Wala naman pong nabanggit si Ma'am, ah, may appointment po ba kayo sa kanya Sir?"

"Wala naman, may importante lang sana kaming pag-uusapan, pakisabi na lang sa kanya, kapag dumating siya na tumawag si Mr. Thermopolis, importante lang talaga." bilin niya sa secretary

"Ah, sege po Sir, masusunod po"

"Salamat"

Dismayadong umalis si Richard, naisipan niyang puntahan na lang si Dawn sa bahay niya.

Pagdating niya sa bahay ay agad naman siyang pinatuloy ni Pearl..

"Magandang umaga Sir, sino po ang sadya niyo?"

"Nandito ba si Dawn, kanina ko pa kasi tinatawagan pero hindi kasi sumasagot, nag-aalala na talaga ako." 

"Kanina pa po yung umalis Sir, eh, malamang nasa office niya"

"Dumaan na ako doon pero wala din siya eh."

"Hahaha, naku Sir baka pinagtataguan ka". Pagbibiro nito..."di Sir biro lang, baka may pinuntahan lang, wala naman siyang sinabi eh, huwag kang mag-alala, pagdating na pagdating nun, sasabihin ko na dumaan ka dito."

"Sege, Perla, salamat".

Malungkot na umalis si Richard sa pamamahay ni Dawn. Miss na miss na niya ang dalaga at nananabik na siya na makita, ito, mayakap at mahalikan. Ngayon sising sisi siya kung bakit nangyari pa iyon sa kanila ni Francella, having sex with Francella is already a big mistake now that he knew who he truly loves. He doesn't want to hurt and let Francella assume, but he still doesn't have the courage to tell her the truth that he doesn't love her and all he loves is Dawn at kailanman ay hindi iyon nagbago, kahit nagkalayo sila, kahit ayaw ng Mama niya, kahit ano pa ang gawin ni Francella.

"Saan ko kaya siya hahanapin, sana sagutin man lang niya ang phone niya" Bulong niya sa sairli...

Magtatakipsilim na at alalang-alala na si Richard, sa huling pagkakataon ay idinial niya ang number ni Dawn sa kanyang cellphone baka sakaling sagutin na nito ang tawag niya..Matapos mapindot ang call button ay narinig niyang nagring ang phone ni Dawn..."Answer your phone please, please answer your phone, please" Sa kaloob-looban niya..At hindi naman siya nabigo, sa wakas sinagot din ni Dawn ang tawag niya....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin Ka Na Lang ( CharDawn )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon