PROLOGUE Dear Crush

93 6 0
                                    


Tap, tap, tap.

Anong isusulat ko ngayon? If I were  to decide, di ko to bubuksan eh. Pero kung ikaw ba naman ang tabihan ng Ate mo para lang masiguradong magugustuhan mo yung gift niya, would you dare to turn her down? I guess not.

At gusto niyang sulatan ko na to agad. Literally now.

"Oh, do you like it?"

"Yes Ate, thank you"

"Oh I know you would" she said as she gave me a one arm hug and a kiss on my forehead "You should fill it with your best memories. Trust me, you'll enjoy it."

Instead of saying Oh Ate, if you only knew "Opo" I gave her a slight smile instead.

"And you should start now ha." then everyone else laughed finding a joke on what Ate said. But it isn't so funny when the joke is on you.

After the party pinuntahan pa talaga ako ni Ate sa kwarto ko only to remind me na "Sis, yung sabi ko ha. If there's an event you'd like to record I think now is the best time to start."

"Opo, Ate. Opo"

"Alright, goodnight sis. Happy birthday" she said as she hugged me again at lumabas na sa kwarto.


Dear Diary,

Hello sayo! Wow naman, sa loob ng nineteen years kong pagkabuhay sa mundo eh ngayon pa talaga ako naregaluhan ng diary. Imagine, diary? Don't get me wrong, it's just that Diaries are supposed to be for little girls. Get it? Little as in girls who are still on the verge of those days when everything was colors and butterflies. It just doesn't fit me. I mean, I'm nineteen for Pete's sake!
Well, I don't want to turn it down because it's my Ate's gift for my 19th birthday.
Wala namang exciting sa buhay ko eh. I'm just... just me. The plain Charity Grace Veloso. Ewan ko ba kung bakit Charity Grace ang pangalan ko. Hindi naman ako madamot pero hindi rin naman ako super mapag kawang gawa noh. At kung ano man ang kabaliktaran ng salitang Grace, ganun ako.  Siguro may kung anong kababalaghan itong pangalan ko kaya hanggang ngayon single pa rin ako. Wag ka ng magtanong kung bakit dahil maski ako hindi ko alam kung bakit. Ibang iba naman yung pangalan ng Ate ko sa akin. Clarrisa Gail Veloso, o diba may dating? Kaya siguro kasal na siya ngayon eh. Habang ako heto at parang magiging forever Tita na lang ng mga magiging anak niya at mtndng dalaga. Amfufu ayoko nun. Pero sabi nga ni Mommy noon, 'whatever will be will be'.
Tama na to, sa susunod na ulit at parang medyo nako-kornihan na ako.
Goodnight,
Cha

Ang aga-aga pa pero ang ingay na sa baba. Ganito talaga pag nandito sina Ate Gail at ang husband niya. Parang nagiging light ang atmosphere sa bahay. Kapag kasi kami lang ni Daddy ang nandito, super boring. Since nagpakasal na si Ate, lumipat na sila ni Kuya Cy ng bahay kaya paminsan-minsan na lang sila pumupunta dito.

"Good morning, everyone" ngiti-ngiti kong greet sa kanila and I kissed Dad and Ate sa cheeks.

"Good morning, Cha. Na enjoy mo ba ang party mo kagabi?"

"Yes, Dad. Thank you"

"Oh, ginamit mo na ba yung gift ko?"

"Opo Ate" and we laughed

"Dapat lang, nahirapan akong humanap ng ganung design ano?"

"At talagang nahirapan ka pa sa lagay na yun Ate ha?"

Tumawa naman sina Dad. I missed this. Yung kumpleto kami. Nang mamatay si Mommy when I was eight, sjna Dad and Ate na ang buong buhay ko kaya nga medyo nahiralan akong mag adjust nung lumipat na si Ate ng bahay eh. Pero we managed.

"Naku, ikaw rin. Dapat ini-express mo ang feelings mo dun Cha. Malay mo dun mo madiscover kung anong hinahanap mo sa isang guy."

"Ate! Dad, si Ate oh pinapakialaman nanaman lovelife ko" sumbong ko kay Dad. "Yang si Ate Gail mo kasi, ganyng way rin nya na discover na tulad rin ni Cyrus ang ideal man niya." Dad smiled as he reminisce those days.

"Asus, nagsumbong pa." Dad chuckled

"Nga pala Cha, anong pangalan ng diary mo?" Ate asked.

"Pangalan? Ang corny mo Ate. Kailangan pa ba yun?"

"Oo naman dapat yun no. Para mas real  ang dating noh."

"Naku ewan ko sayo Ate. Kumain na tayo." ang saya. Sana ganito lagi.

Pero pangalan? Pangalan ng Diary? Pinapangalanan ba yun? Wag na. Pero kung meron ano naman kaya ipapangalan ko dun?

*************

A/N

Hi readers! Yes this is a new story. Pero prologue palang ang naka post. I'll start losting the Cgapters on December. Or baka sa 2015 na para fresh. Wel, te abangwrs na muna kayo readers ha. Lots of love to you all.

Title is Dear Crush ❤

© SimplyKriz Originals



kriz❤



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear ForeverWhere stories live. Discover now