2: "First Conversation"

79.5K 1.7K 88
                                    

2

"First Conversation"

Room TC 2

Kinuha ko ulit tong subject na to kay Sir Von. Lagi kasi akong late sa kanya last sem at hindi ako nakakagawa ng activities kasi wala naman akong kapartner. Hindi naman ako bumagsak, incomplete lang. Pwede pa sana maayos, pero sabi ko uulitin ko na lang. Di naman sya naka-affect sa scholarship ko.

Paulit-ulit lang din naman pala ang sinasabi nya every sem. Saulo na nya pati kung paano nya ipapakilala yung sarili nya sa mga bago nyang students.

Nasa klase ako ni sir pero naiisip ko si Cliff. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Napapatawa na naman ako sa kilig mag-isa. For sure marami ang nakakarelate sa akin. Yung physically present, but mentally absent. Pumapasok para makita si crush.

"Miss Felly!" Nagulat ako sa pagtawag ni sir Von. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin.

"Sir!" mabilis kong sagot, muntik nang mahulog sa upuan.

"Are you listening?" Malakas nyang tanong. Tumingin ako sandali sa paligid at halos kalahati ng klase ay hindi nakikinig. Pero ako talaga ang tinawag nya.

"Yes, sir. Sinusulat ko po yung mga sinasabi nyo." Yumuko ako para kunyari nagsusulat talaga ako.

"Very good. You can use that for our first activity." Sagot ni sir, at bumalik na sa pagtuturo. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

Napansin na naman ako ni sir. Mabuti naman nakapagpalusot ako. Sinusulat ko nga ba talaga yung sinasabi nya?

Sandali – ano 'to? Kusang nagsusulat ang mga kamay ko?

Mas lalo naman akong natawa nung nakita ko yung notebook ko na puro I LOVE CLIFF ang nakalagay. Paano ko naman magagamit sa activity to? Baka di ko na naman matapos 'tong subject na 'to. Ano ba naman yan! Umayos ka nga Torrence!!

Bakit kasi lagi kang natakbo sa isip ko Cliff. Siguro pagod na pagod na yun ngayon. Kawawa naman.

Teka, si Cliff ba 'tong nakikita ko?

Si Cliff pumasok sa classroom namin? Hindi ko lang sya naiisip, nakikita ko din sya. Hala, matindi na talaga 'tong tama ko. Nagha halucinate na din ako.

Kusot naman ako agad ng mata. Pero nandun pa din sya. Isa pang kusot ng mata, medyo matagal.

Aray napasobra naman. Ang hapdi tuloy.

Nakikipag-usap sya kay sir Von, bakit kaya. Lahat ng mata nasa kanila. Tiningnan ko lahat ng mga babaeng nakatitig kay Cliff. Gusto ko silang sabunutan.

"Okay Mr. Airman you may now take your seat." Sabi ni sir Von sa kanya.

Di ko alam kung tama ba yung narinig ko. OMG!!! Aatakihin ata ako sa puso.

Slow motion na sana ang lakad ni Cliff nang biglang dumagundong ang room dahil sa sigawan nitong mga babae dito. Akala mo naman may artista na nakita.

Well, artistahin naman si Cliff. Kaso di naman magpakipot 'tong mga babaeng 'to. Di man lang magpigil kahit sandalil.

"Starting today, dito na sa klase ko papasok si Mr. Airman kaya malamang wala ng male-late at aabsent sa inyo. Right Ms. Felly?" Bakit ako na naman ang pinuntirya nitong si sir Von? Buti na lang malakas pa ang sigawan. Special mention. Kainis tong si sir, hindi man lang nagbigay ng consideration. Kakahiya kay Cliff. Sabagay malay nya bang ako si Miss Felly. Hindi ako magrereact, kunyari na lang hindi ko narinig si sir.

Deadma lang ako. Kunyari di ko kilala si Miss Felly at hindi ko narinig si sir. Poker face lang ako, pretending na hindi nagwawala ang lamang loob ko dahil nandito si Cliff. Makita man lang nya na at least may isang babae na hindi sumisigaw.

LOVE Disaster (NEW EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon