It's Your Birthday! ;(

14 0 0
                                    

Nov. 06, 2014

May mga araw ba o petsa sa buhay mo minsan na naiisip mo, sana wala na lang sa kalendaryo? Yung tipong, dadaan na lang na di mo mamamalayan.

Kasi baka pag napansin mo kung anong araw ngayon,.. malungkot ka na lang bigla, maaalala mo nanaman yung mga bagay na dapat binabaon na sa limot.

Masasabi mo bigla "dapat masaya ako ngayon eh....", "eto yung araw na..."

mga araw na puno ng ala-ala.. special dapat.. masaya dapat.. o pwede ding araw kung saan sobra kang nalungkot... o nasaktan..

tulad ko ngayon, sana di ko na lang napansin.. ;( ang araw ngayon,.. ang birthday "nya".

Dalawang taon ng kaarawan "niya" na kasama ko siya..

masaya kami..  may surprise ako sakanya, na kinakatuwa niya ng sobra.. ginagawan ko pa siya ng mga letters at birthday cards.. magkasama kami buong araw! at sobrang saya!

Naalala ko pa nun, kasi favorite niya yung "stick-o" ginawan ko siya ng cake na may mga ganun.. simple lang yun.. kasi mga cupcakes lang naman yun.. pero sobrang na appreciate niya yun! that was "his" first birthday with me. Di ko makakalimutan yun.. Isang galloon ng ice cream, na nilantakan naming dalawa lang.. haha grabe ganun kami katakaw!

nung second birthday "niya" naman na magkasama kami, nagpunta kami sakanila.. doon ko nakilala yung family niya; parents, mga kapatid niya, mga kaibigan, at mga kamag anak.

Grabe kaba ko nun, first time ko kasi mapakilala sa mga magulang ng "boyfriend" ko.. di ko lam kung hahalik ako o magmamano.. hihi.. masaya ang mga araw na yun.. noon..

pero, nung last year na birthday niya, iba na ang lahat.. di na kami magkasama.. at ilang buwan ding di na nag uusap.. kasi hindi na kami..

umaasa lang ako ng mga panahong yun na sana mabasa niya yung mga messages ko sa fb niya.. tinext ko siya at ang sagot niya lang ay "salamat".. pero masaya na ko nun..

pero bigla siyang nagtext.. sobra kong galak!..

"pwede pa ba kong bumalik baby? huli na ba ko?"..

syempre sumagot ako agad na hindi pa siya huli.. naghihintay lang ako.

"sorry natagalan si baby ha.. mahal mo pa ba ko?"

oo naman mahal na pa din kita.

"di na ko aalis.. promise.. pwede naman akong maghintay eh na tayo pa rin.."

"pero one year kapang maghihintay hanggang sa pagtatapos ko.. baka mainip kananaman.." pagtatampo ko..

"kahit gaano pa katagal pa ko maghintay.. kaya ko na! di ko kayang wala ka.. tinitiis ko lang lahat na di ka ireply at etext.. mahal na mahal kita mahal ko.. mommy ko.. baby ko.."

Ang saya ko nun! nagka ayos kami. "kami na ulit".. Bumalik lahat, yung lambingan, yung kasweetan niya.. yung mga pangako.. lahat..

Naisip ko, grabe! Salamat Lord, sinagot mo agad ang mga panalangin ko.. Binalik mo siya agad sa akin.. Salamat po!

Pero..

Nagbago ulit.....

Hala bakit??!

Kinabukasan, hinintay kong etext niya ko ng "good morning".. na palagi niya namang ginagawa nung simulang maging kami.. pero wala, kaya naisip ko ako na lang ang magtetext..

"good morning baby loves.. i love you.. muahh :* kaw ha walang text.. gising ka na ba?"

matagal ang reply.. pero nag reply din siya..

"good morning.. sorry busy lang, work na ko eh."

ang cold..

at lumipas ang buong maghapon na ako lang ang nagtetext.. at ng matatapos na ang araw nag text na siya..

"sorry, naisip ko.. we must stick to the plan.. maging magkaibigan na lang muna talaga tayo.."

bakit?

"promise! hihintayin talaga kita! one year na lang naman diba?"

oo.

"pagbalik ko non, di na kita talaga bibitawan promise.. bye"

inintindi.. at pumayag na lang ulit ako..

ang bilis.. ang bilis bilis nagbago ng lahat..

isang araw lang... balik ulit sa dati.. na naghihintay ako..


at ang ngayong taon ang kaarawan mong ito ang pinaka iba sa lahat..

kasi masaya ka. sobrang saya..

kasama "sila"...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MemoriesWhere stories live. Discover now