Chapter 41 >>Last Time<<

2.5K 44 1
                                    

Chapter 41>>Last time<<


Unti unti akong lumapit sa counter habang inaabot yung mga bulaklak kay clarence or should I say blossom. Hindi ako pwedeng magkamali siya si blossom. Hindi patay si blossom.

Inilapag ko ang mga bulaklak sa harap niya na sinasabing para sa kanya yun. Nagtitigan lang kami walang nagsasalita. Pwede ba yun na all over again parang movie nanaman ang buhay namin.

Hindi niya inaalis ang titig sa mata ko at ganun din naman ako.

"Blossom" halos pabulong kong sabi

"sir ito na lang po ba ang kukunin?" tanong niya na ikinabigla ko. Hindi na ba niya ako naaalala kinalimutan na ba niya akong tuluyan? Lumapit ako sa kanya at pinisil ang mukha niya baka kasi panaginip lang ang lahat at kung panaginip man ito sasagadin ko na.

"aray! Masakit yun ah" napangiti nalang ako hindi pa rin siya nagbabago. Bigla ko nalang siyang niyakap kahit inilalayo niya ako sa kanya.

"ano ba! Oy harrasment na po ito! Tita! Hoy bitawan mo ako!" pinaghahampas niya ako ng kamay niya

"tara na sumama ka na sakin"

"hindi kita kilala umalis ka na!" hindi na ako nakapagpigil at binuhat ko siya napatili naman yung tita niya ng makita kong buhat buhat ko siya

"pahiram muna sa kanya pero baka hindi ko na siya ibalik bye!"

"hoy bitawan mo ako! Tita! Tulongan mo naman ako!" pero nanatiling nakatulala ang tita niya sa amin hanggang sa malayo na kami. Ibinaba ko na rin siya ng napagod na ako dahil ambigat niya.

"ang lakas mo na kumain ah, mabigat ka na"

"anong mabigat! hoy sexy ako at ano ba ang kailangan mo sa akin ibalik mo na ako doon!"

"deh mil"

"clarence nga ang pangalan ko" sabi niya at saka nag-iba ng tingin alam ko at nararamdaman ko na naaalala niya ako. Hindi niya ako nakalimutan pero papanong buhay si deh mil?


"bumalik ka na sa kin" sabi ko na hawak hawak ang mukha niya at hindi tumitigil ang pagdaloy ang luha ko.

"anong pinag-"

"shhh okay na ang lahat magkasama na tayo?" sabi ko at inakap ko ulit siya. Hindi siya isang panaginip o kamukha lang ni deh mil siya talaga ito bumalik na siya sa pagiging akin uli.

"pero-"

*

Magkasama kami ngayon sa isang coffee shop at abot langit ang ngiti ko at hindi binibitawan ang kamay ni deh mil.

"deh mil"

"ako nga si clarence" pagsusungit niya sa akin

"bakit mo ba kami tinataguan, bumalik ka na samin please"

"ano bang sinasabi mo? Eh ngayon mo lang ako nakilala" sabi niya sakin pero hind pa rin siya tumitingin sa mga mata ko

"deh mil alam kong naaalala mo ako kaya huwag na tayong maglokohan kung may nagawa man akong masama sayo noon at matagal na panahon akong nawala may dahilan ako, ipapaliwanag ko naman sayo lahat eh bumalik ka lang please"

"alam mo mister hindi talaga kita kilala kung tinataguan ka lang ng girlfriend mo bigyan mo siya ng time na mag-isip"

"ikaw nga ang girlfriend ko at sigurado ako doon nagkaplane crash at kasama ka doon dahil pinasabog ni Liona yung sinasakyan mong eroplano kaya nawalan ng control at akala namin…patay ka na"

"Liona? Sino yoon? At papano ako makakasama dun sa plane crash eh hindi pa naman ako nakakasakay ng plane" sabi niya Papano nga kaya kung hindi siya kasama dun sa plane crash? Sino yung bangkay na inilibing namin? Papano ito nagkaamnesia? At higit sa lahat coincidence lang ba ang lahat? O kakambal ba ito si blossom? Ahhh sumasakit ang ulo ko sa nalalaman ko ngayon

Ex-Girlfriend's ComebackWhere stories live. Discover now