LDR written by SOJU

14.5K 387 119
                                    

"LDR" (A One-shot story. Based On A True Story)

written by Soju

NOTE: Ang kwento pong ito ay may tema na maaaring hindi magugustuhan o maiintindihan ng iba. Ang kwento pong ito ay isang "boys love" o kwentong tumatalakay sa pag-iibigan ng lalaki sa kapwa nito lalaki. Ang 50% po ng kwentong ito ay hango sa totoong buhay. Salamat sa isang kaibigan na nag-inspire sa akin na isulat ang istoryang ito...

~~~~~888~~~~~

Magkalayong agwat

Gagawin ang lahat

Mapasayo lang ang

Pag-ibig na alay sa'yo

Halos sumabog na ang luha ko nang biglang tumugtog ang kantang iyon ni Jireh Lim habang ka-video chat ko ang aking boyfriend na si Lemeul Lopez sa aking kwarto. Tatlong taon na ang aming relasyon sa susunod na buwan. At dalawang taon na kaming magkalayo. Yes, nasa isang LDR o long distance relationship kami. Nasa Canada siya, nagtatrabaho bilang nurse habang ako nandito sa Pilipinas at nagpapatakbo ng flower shop na negosyo ng aking mother. Well, katulong lang naman ako ng mother ko. Sabi niya kasi ako lang naman ang pagmamanahan niya ng negosyo niyang iyon kaya dapat lang na alam ko na ang pasikot-sikot.

"Oh, mahal, bakit naman nakasimangot ka?" natatawang tanong sa akin ni Lemeul.

"Ano ka ba? Hindi ako nakasimangot. Umiiyak ako!" at pinahid ko ang luha sa aking pisngi.

"Sorry naman. Hindi ko kasi makita ang luha mo. Hindi visible sa cam mo," tumawa pa siya. "Bumili ka nga, mahal ng mas better na cam, okey?"

Sinimangutan ko na nga siya. "Hmp! Ewan ko sa'yo. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako umiiyak?"

Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Lemeul. "Okey, Mister Henry Veracruz, bakit ka umiiyak?"

"Eh, kasi, pakinggan mo 'yong kanta..." Tumayo ako sandali upang puntahan iyong radyo. Nilakasan ko ang volume saka bumalik sa harap ng aking laptop computer.

Dito ay umaga at d'yan ay gabi

Ang oras natin ay magkasalungat

Aking hapunan ay iyong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari

Balang araw ay makakapiling ka

Hindi maitatanggi sa akin ni Lemeul na napaiyak din siya nang marinig niya ang awitin na iyon. Nagpapahid kasi siya ng luha sa kanyang mga mata. Kumuha pa siya ng tissue at siningahan iyon.

"Oh, kita mo. Pati ikaw ay napaiyak diyan!" pakli ko. "Napaiyak ka dahil sa kanta, 'no?"

"Hindi ako napaiyak dahil sa kanta, mahal... Naiyak ako kasi..." gumaralgal na ang boses niya. "Kasi... miss na miss na kita!"

Muling bumalong ang luha sa aking mga mata. Parang sinusuntok ang aking dibdib nang makita ko ang pag-iyak ni Lemeul. Kahit na ba sabihin na sa cam lang iyon. "Miss na rin kita, mahal! Bakit kasi hindi ka pa umuwi? Hindi mo naman kailangang lumayo at magtrabaho dahil kaya naman nating mabuhay nang hindi nagugutom." Nasabi ko iyon dahil sa parehas kaming galing sa mayaman na pamilya.

"Alam mo naman na ayokong umasa tayo sa parents natin, 'di ba? Tinanggap na nga nila itong relasyon natin kahit na parehas tayong lalaki, papahirapan pa ba naman natin sila sa pagbuhay sa atin?" Bahagya na lang ang pag-iyak ni Lemeul. "Hayaan mo, kapag nakaipon na ako ng malaki, uuwi na ako. Magtatayo tayo ng negosyo-"

"'Yong burger house?"

"Yes, 'yong burger house na may videoke bar sa second floor!"

Biglang nag-iba ang mood naming dalawa. Mula sa iyakan ay nauwi sa kwentuha na masaya. Para kaming baliw, 'di ba?

LDR (One-shot Story/ BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon