Chapter 3

296 30 1
                                    

Kahit nasa unibersidad na si Leslie. Hindi pa din matahimik ang kanyang pag-iisip sa kung anong nasaksihan nung madaling araw. Kahit ibaling niya man ang atensyon niya sa kaibigan para makinig nito ng mga kwento ay hindi niya magawa. Sa mukha niya mula ng pagpasok sa classroom ay masasabi talagang nakakita siya ng multo. Natutulala siya na parang hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Iniisip niya sa sarili niya na sana talaga isa na lang yung malaking panaginip tulad nga ng sabi ng Tiya Lucy niya.

"Bes, ano na? Parang wala ka sa sarili mo today?" Ang tanong sa kanya ni Sarah na mukhang nag-aalala na sa kaibigan.

"Ahhhm... ahmmm," ngatal na ang kaibigan na parang naghahanap ng salitang sasabihin, "Sasabihin ko sayo next time bes." Yun na lang ang kanyang nasabi. Napag-isipan niya na wag na lang muna sabihin sa kaibigan at baka ano ang isipin nito. Kahit alam niya na sa kung saan lumaki si Sarah ay maraming kababalaghan ang nangyayari, sa tingin niya hindi pa din yun ang tamang oras para ikwento sa kaibigan.

"Sige, ikaw bahala. Basta andito lang ako palagi pagkailangan mo nang makakausap." Ngumiti na lang si Leslie para ipakita ang pasasalamat niya sa babaeng kanina niya pang katabi sa classroom habang nag-aantay ng prof nila.

Alas singko na ng hapon ng tuluyan ng natapos ang kanilang klase. Kitang kita ang pagod at antok sa dalawang magkaibigan na parang gusto na talaga umuwi at mamahinga.

"Bes, samahan mo muna aq sa CR," sabi ni Sarah.

"Oh siya sige. Grabe antok na antok na ko. Bilisan natin."

Nagmadali ang dalawa pumuntang classroom. Si Sarah ay nagreretouch pa ng kanyang makeup at ayaw bumyahe ng mukhang pagod na pagod kaya nagpaalam si Leslie na sa labas na lang mag-aantay.

"Bes, sa labas na lang kita aantayin," ang sabi ni Leslie.

"Sige bes. Salamat."

Naaninag ni Leslie na winter solstice na nga at buwan pa lang ng Nobyembre ay padilim na talaga sa ganoong oras na mag-aalasais pa lang. May puno ng mangga sa tabi ng kanilang claasroom at katapat naman nito ay mga bench kung saan pinagtatambayan ng mga iba't ibang grupo pagkatapos ng klase. Kung sa mga pelikula pa, eto ung lugar kung saan palaging nanunukso ang mga mean girls sa mga dumadaan at lumalabas mula sa CR na hindi nila gusto.

Sa oras na yun, wala ng tao sa mga bench kaya naman napag-isipan niya na umupo muna dun at pakiramdam niya pagod na pagod talaga siya. Habang patungo siya sa isang bench, biglang nagkaroon ng malakas na hangin, sobrang lakas na pati mga dahon ng puno ay nagsiliparan. Binalewala niya ito at dumerecho sa paglalakad hanggang marating ang uupuan. 

Dalawang minuto ang nakalipas, hindi pa din lumalabas ang kaibigan, "Bes bilisan mo na!" Ang pasigaw niyang sabi na hindi naman niya alam kong maririnig ba yun ni Sarah.

"Nakita kita. Nakita na kita." Yun yung mga katagang nagimbal siya sa gulat at napatalon sa kinauupuan ng ibinulong sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, ang lalaki na naman na naka-polo na nakita niya din sa bahay nila. Sa oras na yun, medyo natulala na lang siya at hindi na sumigaw.

"Oh bes, parang nakakita ka ata ng multo diyan?" Ang sabi ni Sarah ng nilapitan si Leslie na parang may tinitignan sa may likod ng upuan.

Humarap si Leslie sabay sabi, "Ay wala. Parang may narinig lang ako." Pinilit niyang ngumiti sa kaibigan.

"O tara na," yaya pa niya.

Sabay na silang lumabas ng unibersidad.

Pag-uwi sa bahay wala pa yung tiya niya. Dahil sa kanyang iniisip at dahil sa kanyang nakita nawala ang kanyang antok at napag-isipan niyang manuod na muna ng TV.

Naghahanap na naman siya ulit ng programang mapapanuod. Itinigil niya sa TV 5 ng pinakita na naman ang picture ng lalaking nakahandusay sa Kalye Santos.

"Ayon sa embalsamador, wala pa din umaangkin sa lalaking natagpuang patay sa Kalye Santos. Hanggang ngayon ay nasa isang Funeral Shop pa malapit doon," ayon sa News sa TV.

Nung zinoom in ang picture sa TV para ipakita nila mismo ang mukha, nagulat na lang si Leslie. Hindi niya alam ang gagawin, kung papatayin niya ba ang TV o pagmasdan pa ng mas mabuti ang mukha.

Hindi na niya kailangan pagmasdan pa ang mukha at sigurado siya na yun na yung lalaki na nagpapakita sa kanya.

"Ano ba kailangan niya sa akin? Bakit siya nagpapakita?" Ang tanong niya sa sarili.

Para masigurado niya na andun pa nga ang bangkay sa shop ng Tiya niya, nagmadali siyang tumakbo patungo doon.

"Tiya! Tiya!" Tawag niya kay Tiya Lucy ng pumasok ito sa shop.

"O ano yun Leslie?" Tanong ng tiya, "bakit andito ka?"

"Gusto ko po sana makita yung lalaking nakita sa Kalye Santos."

"Oh bakit naman. Halika eto siya." Ibinaba ni tiya ang kumot at nakita nila pareho ang mukha. Isang gwapong lalaki na nasa edad 20, maputi, may magandang labi, matangos ang ilong, ngunit eto ay parang nagpasakit  ng ilang oras bago mamatay.

Nakompirma niya na yun na nga yung lalaking nagpapakita sa kanya hanggang sa unibersidad.

"O saglit lang, may kukunin lang ako." Sabi ng Tiya at sabay alis ng kwarto.

"Ano ba kailangan mo sa akin? Bakit ka ba nagpapakita sa akin," tanong niya sa lalaking nakahiga at natatakpan ang katawan ng kumot.

Biglang mulat na mulat ang kanyang mga mata at nakatitig kay Leslie habang hawak hawak nito ang braso niya. Hindi na sumigaw si Leslie ngunit nagulat sa kanyang nakita. Akala niya ayon ay isa lang sa mga reflexes na pwedeng mangyari pagpatay na ang isang tao. Pero mas ikinagulat niya ng nakita niyang bumuka ang bibig at nagsalita, "Diba ako hinahanap mo? Diba gusto mo ko? Diba hiniling mo ko?" Yun yung mga katagang nagpatayo ng kanyang mga balahibo. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.

"Leslie! Andiyan ka pa ba?" Pasigaw na tanong ng Tiya.

"Opo tiya." Dun niya naramdaman na hindi na nakahawak ang lalaki at nakapikit na ulit ito. Tinakpan na niya ang mukha ng kumot at umalis na balik sa bahay.

Pagpasok niya sa kwarto nginig na nginig ang kanyang buong katawan na wari'y ngayon niya pa lang na realize ang nangyari, ang kanyang nakita, at ang kanyang narinig na mga salita mula sa lalaki.

Paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang mga katagang, "Diba ako hinahanap mo? Diba gusto mo ko? Diba hiniling mo ko?".

"Siya ba ang sagot sa hiling ko? Siya ba ang magbibigay saya sa akin? Ang taong nakita na lang sa kalye ng patay? Patay ba talaga siya o buhay?" Mga tanong na di niya masagot sa sarili.

Minabuti niyang tawagan ang kaibigan na si Sarah para kausapin ang nanay nito. "Hello Sarah, andiyan ba si Tita Teresa?"

"Oo, andito. Bakit?" Tanong ng kaibigan.

"Wala naman, may gusto lang akong itanong."

Rinig sa kabilang linya na tinatawag ni Sarah ang kanyang ina.

"Hello Leslie, O kamusta ka na?" Sa edad ni Teresa ay boses dalaga pa din talaga sa telepono at hindi agad nakilala ni Leslie.

"Okay naman po. May itatanong po sana ako, yung sa kwentas po na ibinigay mo kay tiya Lucy. Ibinigay po kasi sa akin ni tiya nung nakaraang araw at nakahiling na po ko ng tatlong beses. Parang ang weird po kasi ng nangyayari." Paliwanag niya sa nanay ng kaibigan.

"Binigay ko ang kwentas na yun para magbigay sa kanya ng saya, para ibigay ang ninanais ng puso. Kung ano man ang nangyayari na iyong pinagsisihan, hindi na yan matitigil. Hanggang may laman pa ang kwentas."

Hindi na nakaimik si Leslie at bigla na lang naputol ang linya. Dahil sa takot, naghanap siya ng martilyo sa bahay, o kahit anong bagay na magagamit niya para ipukpok sa kwentas.

Tumakbo siya palabas para kumuha ng bato at dun mismo sa harap ng bahay pinagpupokpok niya ang kwentas. Gustong gusto na niyang basagin at ayaw na niyang makita ang lalaking yun. Ngunit eto ay lumiwanag lang. Pawis na pawis na siya sa paulit-ulit na pagpukpok pero hindi eto nakaapekto sa kwentas. Ni kahit gasgas ay wala.

Bumalik na lang siya sa kwarto at dun ay may nakita siyang sulat, "Ako ang magpapaligaya sayo. Ako ang magiging saya mo sa buhay. Renz."

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon