Chapter 2: Ang CR

1K 6 1
                                    

Hindi ko pa nalilimutan nung Grade 3 pa ako. Meron kaming CR na wala pang takip yung bobong pero maayos naman ang toilet bowl at tiles yung sahig. Kaso nga lang ang sabi ni teacher eh wag lang muna daw putulin yung kahoy sa likod baka kasi may magalit kaya wala pang bobong yung CR.

Isang araw, habang pinapanood ko yung kaklase ko na gustong mag CR ay natatawa ako dahil nga parang ayaw niyang pumasok, kaso nga lang, etong walang-hiya kung kaklase din ay tinulak papasok ng CR yung isa ko pang klasmate kaya naman napilitan itong umihi. Na lock ang pintuan, mga ilang sandali palang ay nagsisigaw na ang kaklase ko sa loob ang sabi niya:

"Tulong! Tulong! Hindi ko mabuksan ang pinto!"

Tawa lang kami nang tawa, akala namin ay nagbibiro lang siya. Pero mga ilang sandali ang lumipas ay ito na ang narinig namin:

"Wag po! Palabasin niyo ako! Klasmates may babae! Please buksan niyo ang pinto!"

Agad-agad akong tumayo ang pinuntahan yung kaklase ko, gusto kong buksan pero ayaw bumukas. 

"Klasmate! Baka na lock mo jan sa loob??!!" pasigaw na sabi so kanya.

"Hindi eh! tulungan mo ako! ayan na siya! palapit na! buksan mo na!" iyak na siya ng iyak.

"Eh hindi ko mabuksan!" pag-alalang sabi ko sa kanya.

Eksaktong dumating si teacher at pinuntahan ko siya agad at sinabing nakulong yung klasmate ko sa loob.

"Ayan na naman" sabi ni teacher.

Nagtaka ako pero hindi ko lang pinansin. 

Wala na akong narinig na sigaw at iyak galing sa kaklase ko. Kinuha ni teacher ang susi at sinubukan itong buksan. Pero ayaw talaga. Nang biglan sabi ni teacher;

"Please, paki bukas yung pinto. Hindi sinasadya ng bata na bulabugin ka sayong bahay"

AT bumukas yung pinto. Tumindig ang balahibo ko dahil ng pagkakita ko saking kaklase ay puno na ito ng dahon sa mukha at nakahandusay sa sahig. Mabuti nalang at maaga pa nun at iilan lang kami sa silid-aralan.

Kinuha namin ang kaklase at sinubukang ipagising. At salamat sa Diyos dahil gumising na din siya.

Hapon din ng araw na yun ay naiwan ako at ang 3 ko pang kasamahang cleaners sa loob ng silid-aralan. Usap-usapan pa din namin yung nangyari sa kaklase ko. Tinatanong namin si teacher tungkol dun pero ang parating sabi niya sa amin ay, dapat may taong magbantay ng pinto kung gusto nilang umihi dahil meron daw babae ang nakatira sa puno.

"Diyos ko naman! Sino pa ba ang gustong umihi sa CR na yan" sabi ko sa sarili.

Pero parang sinusubukan talaga ako ng kapalaran.

"Naiihi ako!" sabi ng isa kung kasama

"Umihi kana lang dun sa labas, katakot diyan sa CR" sabi ko sa kanya

"Ano ka ba? Ano akala mo sa akin, lalaki?" pagalit na sabi niya sa akin.

"Eh, dun kanalang makihi sa ibang sild-aralan" sagot ng isa kung kasama sa kanya

"Ano ba kayo, hapon na oh! nagsiuwian na ang lahat, kung wala lang sanang ipinag-uutos si teacher sa atin, di sana nakauwi na tayo"

"OO nga, kaya kung ayaw mo pigilin mo nalang yan" sagot ko sa kanya

"Oh sige, pero pag hindi ko na kinaya iihi na talaga ako diyan sa CR na yan at wag niyo akong pabayaan" 

At umagree naman kami sa kanya.

Bumalik si teacher at ang sabi niya ay kung pwede ba daw kami maghintay ng ilang pang oras dahil may meeting pa siya. AT dahil nga walang magawa din sa bahay ay okay lang din sa amin.

Alas 6:00 na ng gabi, eto na naman, naiihi na naman itong kasamahan namin.

"Ihing-ihi na talaga ako" sabi niya. At dahil naiihi na din ako eh ang sabi ko nalang sa kanya na magtulungan kami para hindi ma lock yung pinto. 

Kaya naman ay pina-una ko siya na umihi, tumalikod ako sa kanya habang hinahawakan ang pinto, nararamdaman kung pabigat ng pabigat ang pinto at para bang gustong sumara. Ginamitan ko ng lakas at hindi nalang sinabi sa kanya na ganoon na ang sitwasyon.

"Tapos na ako!" sabi niya. Ayaw ko sanang umihi pa kaso baka magsitakbuhan silang dalawa kaya umihi nalang ako. 

Paihi palang ako ay sinabihan na ako agad ng klasmate ko:

"Bilisan mo na! mabigat na itong pinto"

Kaya binilisan ko at ng natapos na ako ay biglang sumira yung pinto. 

"Ba't mo sinira?" sabi ko sa kanya

"Sorry, mabigat na kasi hindi ko na kinya" yun ang sabi niya sa akin.

"Puntahan mo si teacher bilisan niyo!" takot na sabi ko sa kanya. 

At umalis na sila.

Tumingin-tingin ako sa paligid at sa bobongan, may narinig akong yapak ng paa sa loob ng silid aralan.

"Andiyan na ba kayo? Bilisan niyo na buksan niyo na itong pinto!" pasigaw na sabi ko. Pero walang sumasagot. 

Dinikit ko yung tenga ko sa pinto at naririnig ko na papalapit yung yapak. Napaatras ako hanggang sa may naramdaman akong parang unan sa likod. Tumalikod ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung may babae, pula ang mga mata, mataas ang buhok, duguan ang mukha at nakatitig siya sa akin. 

Hindi ako makagalaw, hindi ako makasigaw.

Unti-unting bumaba yung babae at ngumiti na parang demonyo at nahimatay na ako.

Pagkagising ko ay nakita ko na tinutulungan ako ng mga kaklase at teacher ko.

"Uuwi na tayo" sabi ni teacher. 

Dali-dali naming kinuha ang aming gamit at tumakbo palabas. Ako ang huli kaya ako ang nagkandado ng pintuan ng silid aralan. Pagkatpos ko ikandado ay nakita ko ang babae nakatanaw sa amin at nakangiti tulad ng ngiti niya sa akin. 

Isang demonyong ngiti. .

+++++++++

Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon