Ang Huling Gabi: Isang Malagim na Gabi Last Part

371 6 7
                                    

Habang binabasa ni Lawrence ang Diary na kanilang nakuha mula kay Jenny ay biglang may tumawag sa kanya.

                “Hello? Sino ito?” pagtatakang sabi ni Lawrence

                “Ako ito si Professor Jake, may nakuha ba kayong ebidensiya mula sa ate ni Rico?”

                “Opo Prof, isang Diary,”                                       

                “Diary?”

                “Opo, Diary!”

                “Gusto kung mabasa ang Diary niya, asan na ba kayo? At kukunin ko muna yan para basahin” isang pag-alalang boses ang narinig ni Lawrence mula sa kausap nito sa cellphone.

Binaba  ni Lawrence ang cellphone at kinausap ang mga kasama. Kahit sila ay nagtaka kung bakit parang atat na atat ang professor na kunin ang Diary ni Rico.

                “Pare! Ano? Ibibigay mo ba  ang Diary?” tanong ni Arthur

                “Ewan ko Pare, siguro, pero bakit? Anong gagawin niya dito? Diba alam naman niyang may imbestigasyon tayong ginagawa para sa org natin?

                “Duh! Maybe Prof just wanted to see what’s inside of that Diary” sagot naman ni Trixie

                “Pero parang ang babaw lang ng rason kung ganun diba? At diba alam naman natin na gusto na malimot ni Prof sa mga pangyayari noon? Pero bakit parang . . .ah . .ewan basta, naguguluhan ako”

                “Guys, siguro lahat naman tayo ay nagtataka, at parang may mali lang. Siguro kailangan nating itago muna ang Diary. At ikaw Lawrence since ikaw ang leader ng team, basahin mo ang nilalaman ng Diary kung maari ngayong gabi kasi hindi natin alam kung ano ang nasa isip ni Prof at kung ano man ang mangyari at least meron tayong alam.” Suhestyon naman ni Tracy.

“Tama ang suhestyon mo Tracy pero parang mas maganda kung ipapaphotocopy nalang natin itong diary at ibigay natin kay prof kinabukasan. Siguro naman hindi niya malalaman” suhestyon na sabi naman ni Alvin

At ng nakarating na sila sa bahay ay agad na kinuha ni Lawrence ang diary at agad na pumunta sa photocopy house na malapit sa bahay nila. Habang iniisa-isa ng babae ang pahina ay napansin ni Lawrence na wala ng nakasulat sa may page 50-60 at dahil dun ay hindi na pinagpatuloy ni Lawrence ang pagphotocopy sa ibang pahina.

Kinabukasan, alas 7:00 ng umaga, biglang may natanggap si Lawrence na isang text message mula kay Professor Jake at ang sabi “hihintayin kita sa may coffee shop ng university at aasahan kung ibibigay mo ang Diary ni Rico”

Nagulantang si Lawrence at agad na bumangon, tinawagan ang ibang kasama at napagdesisyonan nila na sumama kay Lawrence at tignan kung ano ang mangyayari.

Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon