Chapter 1

85.9K 2.2K 272
                                    

Chapter 1

Marianne

(Three years ago)

“Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo ako hinintay kanina?” 

Nag-angat ako ng tingin sa kaibigan kong si Wilma matapos ako nitong sikuhin habang umiinom ng zesto sa ilalim ng puno ng mangga. Katatapos ko lang kumain sa canteen kasama ang kaibigan pero naharang ito ng barkada nina Rochel kaya iniwan ko na. Pumunta muna ako sa open grounds at doon inubos ang juice ko. Hindi ko kasi kaya ang makipag-plastikan sa grupo ni Rochel at hindi ko ma-gets kung bakit naaatim ni Wilma ang makipagbatian man lang sa grupong iyon.

Nilabas ko ang checkered na panyo at pinagpag. “Ano naman ang gagawin ko ro’n?” 

Umupo si Wilma sa tabi ko at nilapag ang bag at dalawang folder sa ibabaw ng sementong lamesa. “Hindi mo talaga feel sina Rochel, ano?” 

Umiwas ako ng tingin at nagpunas ng pawis sa noo at leeg. “They are just pretending, Wil.” 

“Nagpe-pretend na ano?” 

Buntong hininga ang unang sagot ko rito. Nilingon ko siya at tinitigan sandali. Sasabihin ko ba ang narinig ko tungkol kina Rochel? 

“Wil,”

“Hay nako, Marianne! Kung minsan talaga hindi kita maintindihan. Para kang palaging may sariling mundo. Resulta ba ‘yan ng pagiging working student mo at palaging occupied ang pretty brain mo, sis?” 

I bit my lower lip. “Hindi gano’n.” 

Tumaas ang mga balikat ni Wilma. “Eh ano nga? Anong kinaaayawan mo kina Rochel? At ‘wag kang mag-deny ‘day! Kilala kita. Kapag ayaw mo, ayaw mo talaga.” Nagdududa nitong tingin sa akin. 

Magmula nang magkolehiyo ako ay consistent kong kausap si Wilma. Pareho kaming Education ang kinukuha. May mga klase kaming magkasama at mayroon ding hindi dahil irregular student siya. Kaya naman ang pagdududang nakikita nito sa akin ay may basehan. She is my bestfriend. 

Lumingon ako muna sa paligid. Sinuyod ko ang likuran at gilid-gilid kung may malapit na mga estudyante. Dahil break time ay marami-rami rin ang nakakalat sa labas pero may kanya-kanya namang kwentuhan. Mayroon pang natutulog na mga binata at may takip na bimpo sa mukha. 

Lumapit ako sa kanya at bumulong. “Narinig ko kasing balak na mag-recruit nina Rochel sa pinagtatrabahuan niya.” 

Kumunot ang noo ni Wilma. “And so? At wala naman yata akong narinig na gan’yan sa kanya, ah?” 

Hinawakan ko siya sa braso. Mahigpit. “It’s not an ordinary job, Wil. May may nakita kasi akong website,” 

I couldn’t even say it properly. Paano naman kasi ay ito ang unang beses na magsasalita ako tungkol dito. Noong una ay binabalewala ko lang. Knowing na may kakaibang raket sina Rochel ay tumatayo ang balahibo ko sa batok.

Hindi naman bago sa pandinig ko ang mga ganoong kalakaran. Naririnig ko na iyon first year pa lang ako at ang Kuya Stefan ay minsan nang pumatol. I hated him after I learnt what he did. Dahil ang pangako nitong tutulungan akong makatapos ay hindi nangyari. He is working. But only for himself. And so I started to hate those girls na umakit kay Kuya Stefan. 

Secret ServiceWhere stories live. Discover now