EPISODE ONE: AT THE MALL

30.3K 311 4
                                    

"If you KISS someone, you touch them with your lips to show affection or sexual desire, or to greet them or say goodbye."

"Hay naku! Ang boring naman," walang kagana-gana at naiinip na sambit ni Nicollo. Napabuntong-hininga siya ng malalim at inililibot ang tingin sa paligid.

Walang magawa si Nicollo ngayong araw na ito. Nainip siya sa pag-stay sa mala-mansyon nilang bahay kaya naman napagpasyahan niya na magpunta na lamang sa malaking mall na ito sa pagbabakasakaling makakakita siya dito ng paglilibangan. Sawa na din kasi siya na maglaro ng computer games sa bahay kaya napagpasyahan na lamang niyang magpunta sa mall ng mag-isa.

Siya si Nicollo Iris Tolentino, also known as Nico, twenty years old. Nag-aaral siya sa isa sa prestigious university dito sa bansa. Fourth year college na siya sa kursong civil engineering.

Habang naglalakad si Nicollo ay hindi naman niya napapansin na napapatingin sa kanya ang lahat especially mga babae at feeling babae. Tila naging kiti-kiting hindi mapakali sa ilalim ng tubig ang mga ito na sobrang kinikilig na masilayan ang angkin niyang kagwapuhang hindi lang pang-tao kundi pati pang-butete din.

Paano namang hindi kikiligin ang mga babae at feeling babae na nakakakita kay Nicollo, ubod naman kasi siya ng gwapo lalo na ngayon na nakasuot ito ng white v-neck shirt na pinatungan niya ng black leather jacket, semi-fit jeans at white sneakers. Nakabrush-up ang kulay brown na buhok niya na bumagay sa magandang hugis ng mukha niya. Nakapasak din sa magkabilang tenga niya ang headphone dahil nakikinig siya ng music.

Si Nicollo ay nagtataglay ng isang mukha na ubod ng gwapo at nag-uumapaw sa karisma. Close to perfect na ang itsura niya. Siguro no'ng nagpasabog ang Diyos ng kagwapuhan sa mundo, sinalo ng mommy niya lahat habang siya'y ipinagbubuntis kaya nang isilang na siya sa mundo, cute na siya at hindi man lang nagbigay ang mommy niya miski kakaunting kagwapuhan sa kasabayan niyang nagbubuntis dito sa mundo.

Chinito eyes, kissable lips, not so pointed nose, fair complexion, well-shaped jawline, well-built and fit body. Lahat na ng katangian para masabi na isang magandang lalaki ang isang lalaki ay na kay Nicollo na. Walang itatapon sa kanya. Kahit nga ang kulangot niya, halos perfect kaya hindi magagawang itapon ito basta-basta. 'Yung mabangong laway niya, pwedeng ipunin sa isang baso tapos itabi bilang souvenir at amuy-amuyin kung kailan gustuhin.

Pati ang balat sa mukha at katawan ni Nicollo ay sobrang kinis. Hindi man lang tinutubuan ng kung anumang impurities. Walang visible pores ang balat sa mukha ni Nicollo. Parang hindi apektado ng matinding init sa Pilipinas ang balat niya. Parang may built-in sunblock na may SPF one hundred ang kanyang balat kaya walang effect ang sunrays sa kanya.

Mas lalo pang gumagwapo si Nicollo kapag nakangiti. 'Yung tipong ang cute tingnan ng ngiti niya dahil lalong lumiliit ang mga mata niya at lumalabas pa ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

Ngunit bihira lamang ngumiti si Nicollo kaya hindi din nakikita ng iba ang ka-cute-an niya lalo na ang magkabilang dimples niya sa pisngi. Bukod talagang pinagpala si Nicollo pagdating sa taglay na kagwapuhan at kakisigan.

Bukod sa pagiging gwapo ni Nicollo, mayaman din siya. Ang pamilya lang naman nila ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamatatag na bangko hindi lang dito sa Pilipinas kundi saan mang panig ng mundo. Gwapo na, mayaman pa. Perfect!

Nag-iisang anak lang si Nicollo ng mag-asawang Irish at Napoleon Tolentino na parang mga bampira dahil hindi tumatanda. Nagtataglay pa rin ang mga ito ng angking kagandahan at kagwapuhan at magagandang pangangatawan.

Kaya naman may pinagmanahan ang halos perpektong itsura ng hudas.

Bakit nga ba hudas si Nicollo? Well, kung anong ikinagwapo ng panlabas na kaanyuan ni Nicollo, 'yun naman ang ikinasama ng ugali niya. Actually, hindi naman masama si Nicollo, may ugali lang talaga siya na kahit sinong tao minsan ay hindi ito magugustuhan. Sobra ang pagkasuplado niya. Cold makitungo sa ibang tao. Parang nagkakaroon ng snow sa Pilipinas kapag katabi siya at kailangang magsuot ng winter jacket kapag nakitungo sa kanya.

My Unexpected Wife (Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon