Prologue: Let the game begins

40 0 1
                                    

Prologue:

Simple lang ang buhay, kung san ka masaya syempre dun ka.

Pero pano kung sa kasiyahan mo may nagdurusa? San ka lulugar? Hahayaan mo nalang ba? O lalayo ka nalang?

Sa laro ng pag ibig, ang unang mahulog talo. Swerte mo lang kung mahulog ka at may sasalo sayo. Ano ang pipiliin mo? Paiiralin mo? Puso mo o utak mo?

Ako nga pala sa Lucas Eli Obarra, Lucas para sa mga bagong kakilala, Eli para sa mga kaclose at syempre Obarra para sa mga teachers. Pero syempre joke lang yun, tawagin nyo nalang akong LEO. Simple lang pananaw ko sa buhay respetuhin moko at rerespetuhin din kita. Kung di mo ako rerespetuhin edi wag! Only child lang ako kaya siguro kahit di kami ganun kayaman nakukuha ko ang gusto ko. Sabi ng mama ko pogi daw ako.. Pero totoo naman yun. Hahahahahah

"Lucasss, may tao sa baba, bilisan mo na jan at malelate kanaa!!" pagsigaw ni mama.

Diko na pinansin sanay nako ehh. Nga pala first day of school namin. At fourth year high school nako sa bago kong eskwelahan. Oo nagtransfer ako kase boring dun sa luma kong school. Teka, sinabi ba ni mamang may tao sa baba? Sino naman yun? Maka baba na nga.

"Oh Nicole ikaw pala." pagkababa ko.

"Ako nga! Hahaha, sabay na tayong pumasok, dba nagtransfer ka narin sa school ko? Ayaw muna kse akong mamiss." pabiro niyang sabi. Bestfriend ko yan slash kapitbahay nadin or pwede ring partners in crime.

"Sira!" sabay batok sa kanya. "Lika na nga!, Maa alis na kamee"

"Byee titaa" pahabol niya.

"Osige mag ingat kayoo" sabi ni mama.

Nagtaxi na kami tutal malelate na rin kami eh.

At nakarating na kami sa school, siguro pwede ko ng sabihin ang katagang:

"Let the game begins!"

The Game of LoveWhere stories live. Discover now