AN | Blurb | Disclaimer

39 4 3
                                    

Hi! Hello! Hola! Bonjour!

Panibagong istorya na naman ang naisip ng Ignoranteng Otor na Diyosa ng Kahanginan este Hangin lang pala.

Bakit Extra Bullet ang titulo nito?

Ang hirap kayang mag-isip ng title. Pero tugma iyan dahil detektib ang ating bida ngayon at sa kanyang magiging adbentyur sa kuwentong ito, malalaman ninyo later on.  English ang titulo kasi 'di maganda ang dating ng Ekstrang Bala. Kung may iba kang suhustiyon, ikumento mo na.  Open ako sa suggestion. 👉

Istorya, karakter at genre?

Romantiko, paranormal o pantasya at may halo na ring misteryo ang genre nito. Medyo may pakakuwela na rin. Kakasawa na rin ang mga seryosong karakter, kaya susubukan naman ang may pagkakomedyante at mahangin. Kung kaya ko lang, okay? 🥺

Pati ang mga naggagandahang karakter ay over-used na sa mga libro kaya ibahin naman natin ang ating bida ngayon. Iyong tipong makaka-relate tayong hindi nabiyayaan ng kagandahan ng mukha at katawan. Marami kaya tayong ganyan, 'di ba? Kaya huwag kang mag-alala may nakalaang pag-ibig para sa iyo.

Kelan ang update?

As usual, hindi mabilis mag-update ang otor, alam n'yo na masyado siyang abala sa pagbibigay ng hangin sa buong mundo kaya stay-tuned lang. Unless, bigyan ninyo ako ng inspirasyon. 😂

Bakit isinasama ko rito ang blurb? 👇

Marami  kasi ang hindi nagbabasa niyan. [O baka ako lang pala] Hindi ako magaling gumawa ng blurb kaya pagpasensiyahan n'yo na.  Again, kung may suggestion ka, help me. 🙃

Anong lengguwahe ang gamit?

Taglish ang kuwentong ito. Gusto ko sanang purong Tagalog kaso may mga salitang hindi ko maalala ang katumbas sa Tagalog kaya pasensya kung medyo conyo ito, parang ang ating bida. Oki? Gusto ko rin sanang gumamit ng mga ibang dialekto tulad ng Ilocano o Bisaya.  Pero maghahanap pa ako ng sources, kung matutulungan mo ako sa parteng iyan.  Comment ka lang, tatanggapin at ipagpapasalamat ko nang buong puso ang iyong tulong. 👉

BLURB

Hinahangaan at matagumpay na sa buhay si Detektik Ria Del Pilar. May angking rin itong kabaitan at mabuting kalooban. Idagdag pa ang katangkaran at balingkinitang pangangatawan.

O 'di ba? Ano pa bang hahanapin ng mga lalaki?

Kaso nga lamang nang magsabog ng kagandahan ang Maykapal, hindi siya nakasalo kahit katiting. Siya ang tunay na bersyon ng makabagong hipon.

Kaya naman sa edad na tatlumpu't siyam ay dalaga pa rin siya. Tanggap na niya ang kapalarang mamatay siyang isang birhen dahil hindi naman niya maatim na makipag-one night. Mahalaga pa rin sa kanya ang tunay na pag-ibig na binura na niya sa kanyang bokabularyo.

Kaya naman sino ang mag-aakalang titibok pa ang pasaway niyang puso? Oo, pasaway. Biruin mo ba namang tumibok ito sa disiotso anyos na guwapong binata.

Sinong hopeless romantic o despirada ang kikiligin at mananalangin na magkaroon siya ng happy ending?

Ikaw ba? Naku po! Maawa kayo sa binata.

Kahit ang magaling na manalunulat ay walang magagawa upang baguhin ang kuwento ng kanyang buhay pag-ibig.

Subalit, ang buhay raw ay puno ng supresa't hiwaga. Idamay pa ang pakialemerang tadhanang magbibigay ng pangalawang pagkakataon sa detektib na hipon.

Nasa iyo ang pagpapasya kung nais mo tuklasin ang inialay ng tadhana para sa ating bida.

Date started: 30 May 2020

EXTRA BULLET
Eiramana325
Copyright © 2020
All Rights Reserved. 

WARNING | DISCLAIMER

Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga sensitibong paksa na maaring hindi angkop sa iyong murang edad o sa sarado mong pag-iisip; tulad ng karahasan, seksuwal, droga, pagmumura at iba pang-matured na tema.

Ang lahat ng mababasa ninyo rito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan ng mga karakter, pangyayari at kahit ang titulo ay naisulat lamang dahil sa malikot at mahangin na imahinasyon ng may akda. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na tao, buhay man o sumakabilang-buhay na, mga totoong pangyayari ay nagkataon lamang.

Kung gagamit man ako ng mga larawan o quotation na hindi sa akin, ay iki-credit ko sa tunay na nagmamay-ari o ipagbibigay alam ko sa inyo.

Ang akdang ito ay COPYRIGHTED kaya bawal ang reproduksyon ng kabuoan o anumang parte sa kahit anong pamamaraan tulad ng elektroniko, mekanikal, o mga hindi pa naiimbentong sa panahon ngayon, na walang pahintulot ng may akda.

PLAGLIARISM AY ISANG KRIMEN!

BOOK COVER

This awesome book cover was created by avshigeno. Maraming salamat sa walang sawang paggawa ng mga book cover para sa mga istorya ko. 💕

 💕

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.
Extra BulletNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ