Fact # Three

35 1 0
                                    

Fact # Three - He's a Mommy's Boy

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * 

This is it. This is it. Deep breathes, Gem Salvador. 

Eto ako ngayon nakatayo sa harap ng three-story house ng mga Vargas. Sa sobrang excited ko ay alas sais ako gumising kahit after lunch pa ang usapan namin. Di lang excitement ang nararamdaman ko, kinakabahan rin ako. Sa sobrang kaba ko naman ay pinili ko ang pina-makatarungan ko'ng damit. De'joke. Pinili ko lang yung paborito ko'ng pantalon at kulay blue na blouse. Yun kasi ang paborito niyang kulay. Hihihi. 


Dahil rin maaga ako'ng nagising ay nakatulog ako ulit. At yun ang rason kung bakit nakatayo ako sa harap ng bahay ni Lanz ng malapit ng mag alas dos. Pinindot ko yung doorbell nila at biglang may lumabas na katulong. 

"Sino po, sila?" Tanong ng katulong saka pumunta sa gate para pag buksan ako.

"Nanjan po ba si Lanz?" Tanong ko sa kanya. 

Biglang lumaki ang mata ng katulong na para bang biglang lumaki ang ulo ko. "Ikaw po ba si Gem? Nakuh! Pasok! Kanina ka pa hinihintay!" 

Pumasok naman ako at sinunod ang katulong papasok sa bahay. Pag bukas pa lang ng pinto ay namangha na ako sa ganda. Modern american style ang loob ng kanilang bahay. Wooden floor ang kanilang sahig. Sa sala naman ay may mga sofa pero walang flat screen. Marami'ng mga antiques at fresh flowers nakapalibot at may isang corner na puro frames. 

Napatingin ako sa frames, at halos lahat ng litrato ay si Lanz; simula nung bata pa siya hanggang sa lumaki na siya. Gosh! Ang cute cute niya nung bata pa siya! Ang taba taba ng cheeks niya at pulang-pula ang labi! Naku, baka kasuhan ako ng stealing kasi baka manakaw ko ang mga litrato ni Lanz! 

"Sir Lanz! Andito na po ang girlfriend niyo!" Sigaw ng katulong sa may hagdan.

Agad akong napalingon sa katulong. Tumingin siya sa akin at ngumiti samantalang ako ay natulala sa kanyang sinabi. Girlfriend? Kikiligin na sana ako sa thought na yun pero naalala ko pala di pala niya ako girlfriend. 


"A-ate, hindi po niya ako girl --" Naputol ako nung biglang bumaba sa hagdan si Lanz. 

"Ate Jane, ano'ng girlfriend po? Wala po akong girlfriend, baka si Gem ang ibig niyo po'ng sabihin --" Napaputol rin si Lanz sa kanyang sasabihin nung nakita niya ako. 

I smiled and waved at him. "Hi." 

"Hi." He smiled then turn to Ate Jane. 

"Ay, sorry po, Sir! Akala ko po kasi. First time niyo po kasing mag dala ng babae dito sa bahay niyo. Sige po, gagawan ko po muna kayo ng makakain." Sabi ni Ate Jane at umalis papuntang kusina. 

Lumapit sa akin si Lanz. Dumoble naman ang tibok ng puso ko. 

"Uh, sorry Lanz ha? Nakatulog kasi ako eh kaya ako na-late." Pag e-explain ko. Ngumiti naman siya.

"Nah, it's okay. Ngayo'ng nandito ka na, tara na sa taas." He said and he motioned for me to follow him. 

Mag po-protesta na sana ako kaso napaisip ako sa kwarto niya pala kami pupunta. The thought of going into his room! Gosh! Sino ba walang may gusto na pumasok sa kwarto ng crush mo? Baka may malaman pa ako tungkol sa kanya! Kasi naman etong crush ko eh mysterious! Ni-birthday niya di ko alam kasi pati sa Facebook di niya pinublic yung birthday niya. 

We reached the second floor at huminto sa pangalawang pinto. Binuksan niya ang pinto.

"My room." Sabi niya at pumasok na kami. 

Pinalibot ko ang mata ko sa kwarto niya at isa lang ang masasabi ko . . . Wow! Napaka-manly at napaka-linis ng kwarto niya. Yung pag pasok mo pa lang alam mo nang lalaki ang may-ari ng kwarto. Kulay black and white ang kulay ng kanyang kwarto. At may tatlong painting naka-sabit sa wall at wala na. Di tulad ng iba'ng kwarto ng mga lalaki na puro anime, basketball ang nakadikit sa dingding. 

Sa may bintana naman ang study table niya. Nakita ko'ng naka-on na ang kanyang laptop at may sinearch na sa Google. Aba! Himala. Sineryoso ang mag re-research. 

"Uhm, nag simula na akong mag-research ng mga bagay bagay tungkol sa topic natin. Gagawa na lang muna tayo ng outline." Sabi niya and he pulled a chair for me sa study table niya para maka-upo ako. 

Nung gumagawa kami ng outline ay halos aatakihin na ako sa puso. Ano ba naman kasi! Naamoy ko ang manly scent niya tapos laging nag b-brush ang braso namin. And to think nasa kwarto niya kaming dalawa. Nasa kwarto niya! Sino ba hindi kikiligin dun at dodoble ang bilis ng tibok ng puso lalo na pag crush mo kasama mo? 

Kaso biglang tumunong ang telepono niya, sinabing may incoming message siya. 

Hi baby boy! Si Mommy 'to. Kumusta ka na? Bukas na pala ang uwi namin ng Daddy mo. At marami kaming baon na strawberries para sa iyo! Mag-ingat ka ha? Wag ka'ng mag skip ng meal. I love you baby boy! You'll always me Mommy's boy. See you! 

Napatigil kami'ng dalawa ni Lanz at napatingin ako sa kanya. Omg! I can't believe it! He's actually a Mommy's boy! Ang cute lang isipin! Nahuli ni Lanz na nakatingin siya sa akin at biglang pumula ang pisngi niya. Awww! Ang sarap niyang kurutin! 

Nag iwas siya ng tingin at humarap sa laptop. "Uh, sorry you have to hear about that."

I shook my head to asure him na okay lang. "No, okay lang. Mommy mo lang yun."

Di ako sure kung bulong lang yun, pero parang sinabi niya na. "Shit! Kahiya naman yun!" 

10 Facts About My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon