T.E.F # 3 - People Change </3

282 11 2
                                    

"AAAAAAAHH!"

Yan ang naririnig ko ngayon sa school na to.. kay aga aga nagsisigawan sila.

"Bat ba sigaw ng sigaw yang mga yan?"- Alice

Huminto kami sa nagkukumpulang mga kababaihan.. hindi ako makikichismis. Nakaharang kasi sila sa daanan kaya di ako makadaan.

"Excuse me.. Daan to ha? hindi Hallway ng mga Chismosa okay?" Yan ang attitude ko sa school.. hindi naman ako mataray pero ganyan lang talaga ako magsalita.. Sanay na rin naman sila sakin e.

"Ayy! Sorry po."- Girl 1 at nagsi usog sila.

nauna akong umalis pero narinig kung nakikipag chismis pa yung Trio Monggy.

Dumiretsyo na ako sa Room namin at lahat ng kababaihan uli sa room ay nagkukumpulan.

Umupo na ako.. "Grabe.. Totoo ba yung balitang dito na magaaral si Lorence Cortez?"- Chismis Mate #1

"Oo.. Mamaya na nga daw siya papasok e."- Chismis Mate #2

"KYAAAAAAAAH! >///// <

nakakatulig ng tenga potek..

"Eh! bat ba siya dito magaaral?"-Chismis Mate #3

"Baka dito nagaaral yung girl na hinahanap niya... Ang Swerte naman nun"- Chismis Mate #4

"Sana ako na lang yung hinahanap niya nuh?"- Chismis mate #5

"iseseduce ko na lang siya hahaha.."-Chismis mate #6

haay mga buang na sila..

"NASA GATE NA DAW SI LORENCEEE CORTEZ"-Chismis mate #7

May taga upadate pa talaga sila ah!. Napailing na lang ako sa mga kinikilos ng mga mate ko.

Nagsitakbuhan na sila.. syempre ako nakaupo lang ako sa upuan ko at nagrereview. May Quiz kasi mamaya sa English kaya dapat maghanda..

"Hindi ka ba makikisiksik sakanila sa may gate?" napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita.

"Hindi.. ano naman ang gagawin ko dun?" Si Juluis lang pala. Isa sa mga Cute na Guy sa campus.. Classmate ko siya.

"Diba dati ikaw ang #4 Fans ni Lorence Cortez? Anong nangyari?" Tumalikod ako at tinaas ang notebook na binabasa ko.

"Kaya nga may salitang "DATI" kasi nakalipas na.. People Change." Narinig ko ang pagusog ng upuan niya.. Senyales na tumayo siya.

"Yeah!..People Change.. Pero anong dahilan at nagkakaganyan ka? Pala ngiti ka.. bat ata ngayon napakasungit at ang cold muna?" Binaba ko yung libro ko at tumingin sakanya mata sa mata.

"Kung sa nakaraan may nangyaring hindi mo inaasahan.. kahit ikaw pa ang taong pinakamasaya sa mundo .Matututo ka ding maging malungkot lalo na kung wala na ang mga taong nagpapasaya sayo." At tumayo na din ako.

"Kaya kung nagtataka kung bakit ako nagbago. Wala na yung mga taong kumukumpleto ng ngiti ko" At nilagpasan ko na siya. Nakaka tatlong step palang ako ng magsalita uli siya.

"Marami pang taong pwedeng magpasaya sayo. Hindi porket nawala ang iba e. habang buhay ka ng malullungkot.. Sabi nga kapag may nawala may dumarating.. Wag mong isarado ang puso mo para maging masaya uli."

Hindi ko alam pero parang tumagos sakin yung sinabi niya.

Nalagkad ako ay mali tumakbo ako papuntang C.R kasi maya maya tutulo na ang luha ko.

Nagpaflashback na naman kasi ang mga nangyari sakin 2 years ago.

>|FLASHBACK|<

"Baby.. Hindi ka ba sasama samin sa States?"- Mommy

"Mom.. Concert po kasi ni Lorence Cortez e. Alam niyo naman na ako ang #4 Fans niya e." Bukas concert na kasi ng aking My Loves na si Lorence Cortez

"Hahaha.. Bakit ba #4 Fans? Diba dapat #1?"-Daddy said.

"Syempre ang number 1 fans niya e. yung family niya. #2 yung mga Relatives niya, #3 yung mga Friends niya. Kaya pang #4 lang ako diba?"- me

niyakap ako ni mommy at daddy

"Kaya love na love ka namin haha.. nakakatuwa ka talaga"- Daddy

"Love na love ko rin naman po kayo e. kaya magiingat po kayo ha?" at hinalikan ko sila sa pisngi.

"Pag balik namin ipapakilala ka namin personally kay Lorence Cortez okay?"-Mommy

"WOW! Talaga Mommy? O.M.G.. Im so happy Thank you Mom and Dad" -Then i Hugged mom and dad tightly.

Papunta kasi sila sa States para sa isang malaking meeting na pupuntahan nila. kaso natapat naman sa araw ng concert ni Lorence kaya hindi ako makakasama.

After 2 Days>>>

"Oh! Nani Ising bat niyo po ako sinundo? umuwi na po ba sila mommy?" hindi ko alam pero hindi makatingin sakin si nani ising.

"Kasi iha.. ang mommy and daddy mo....Kasama sa mga namatay sa Plane Crash kahapon"

&quot;The Existence of Fate&quot; (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon