CHAPTER 6

84 3 0
                                    

KHATE'S POV

"Ke"

Gulat kong tiningnan si kuya troy
Napatingin ako sa tinatawag nya
Bigla akong kinabahan, yung ka bang hindi ko maintindihan, kahit na hindi ko naman nakita dun si Ken

Lumapit samin yung apat na lalaki kasama si 'Ke', pero sana'y akong Edrie ang tawag sa kanya, di naman kami close

"Oh si Ken?" Tanong ni kuya troy

Nakikinig ako sa kanila habang nagce-cellphone, pero nakafocus talaga ako sa usapan nila

"Susunod daw" sagot naman nung isa nakagray

Kaya pala ako kinakabahan, pero bakit ganun hindi man lang ako nakaramdam ng pagkaexcite

"Bakit hindi nyo pa sinabay?" Tanong ni kuya troy

"Amnn.. ayaw nya Eh, kilala mo naman yung pinsan mong yun? Max gustong mapag-isa" sagot ni Ke

"On the way na daw sya, nagtext sya sakin" sabi ulit nung nakagray

"Sean tawagan mo na nga" utos ni kuya troy dun sa nakagray

Ahh.. Sean pala, nakita kong nagpipindot yung Sean sa cellphone nya

"Usong maghello hahahha.... nasan ka na ba?.. ang tanong ko kung nasan ka na?.. ah sige bilisan mo.. hahahahha Oo.. sige sige hahah.. chill lang hahah.. sige sige.. Oh sige bye" sabi nung Sean
"Nagpapark na lang daw sya pero nasa labas sya" sabi nya dun sa mga kasama nya

Maya maya lang ay napatingin ako sa isang lalaking nakajacket, mukhang familiar sya, habang papalapit ay palakasng palakas ang tibok ng puso ko
Hindi ko pa sya gaanong nakikita pero alam kong si Ken na yun

"Ken!!" Sabay sabay na tawag nung mga kadarating lang

Maya maya ay napatigil sya, at parang may kinakapa sa bulsa nya, nakita ko pang tumingin sya sa screen ng cellphone nya at tumingin sa banda samin, madilim nga pala sa pwesto ko kaya di ako masyado makita
Sumenyas sya samin ng 'Wait
Bago sya tumalikod at tumigil sa isang tabi at nakatayo lang sya dun habang nakalagay ang phone nya sa tainga

Matapos yun ay ibinaba nya na ang phone nya, mukhang may kinausap sya sa cellphone, nakita ko pang sinuklay nya ang buhok nya gamit ang kamay nya, hindi pa rin mawala ang ka ba ko at lakas ng tibok ng puso ko

"Haayyyy" nakinig kung hunting hininga nang lalaking naka kulay black na v-neck

"Mukhang may problema na naman" sabi ulit nung Sean

Napatingin ako dun sa Sean At tumingin ulit kay Ken na hindi ko pa namukhaan pero sa kilos nya, galaw, at yung hindi nya alam kung sya yun, kahit di ko pa makita ang mukha nya

Maya maya ay bigla syang Lumingon at naglakad palayo samin, parang aalis na sya, gusto ko syang sundan, pero hindi ko magawang tumayo sa kinatatayuan ko ngayon

"Nag iwan sya ng voice message sakin" biglang sabi nung nakalong sleve

"Pakinig nga Khiel" sabi ni kuya troy dun sa nakalong sleeve

"Amn.. Brylle pakiabot kay kuya troy" sabi nung Khiel daw ang pangalan

Inabot nung nakalong sleeve na si Khiel yung phone nya dun sa naka black na v-neck
Para iabot kay kuya Troy

"Sorry guys hindi ako makakapagperform kasama nyo, may kaunting naging problema lang" dinig ko sa pinakinggan na voice message ni kuya troy

Napabuntong hininga na lang sya
Ang hinhin talaga ng boses ng Ken ko
Para syang tinatamad magsalita o walang gana, ewan ko ba...

"Kaunting problema na naman? Haysst baka naman hindi na naman kaunti yun hahahah" sabi ni kuya troy na pilit pa na tumawa

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya pero napatingin na lang ako king saan ko nakita si Ken na nakatayo

Si kuya at ate Mitch ay tahimik lang na para bang nag-iisip sa napakagaling problema
Hindi maintindihan, bakit ba ako nag iisip?
Hindi ko naman to problema? Bakit ko pinoproblema

Maya maya pa ay nag perform na sila at pagkatapos nun may mga nag intermission, at sumayaw rin ang group nila Edrie
Matapos yun ay nagpaalam na akong matutulog na

At ngayon nandito na ko sa kwartong tinutulugan ko, napatingin ako sa orasan na lagi kong nakikita paggigising ako sa umaga

"3:43 na pala, parang bilis lang ng oras" sabi ko sa sarili ko

At inihiga na ang sariling katawan, feel na feel kong damdamin ang lambot kama hahaha, haysst mukha na naman akong baliw hahahah

Pero hindi ako makakami, lumabas ako para magpahangin, naupo ako sa isang kahoy, medyo madilim dito hahah ang hilig ko kasi sa madilim hehe, ang kaming kasi dito mas komportable ako

"Oo nga... kaya nga eh.. alam ko kaya nga tutulog na ko.. ay akala ko ba ay mas gusto mong mag isa eh baki-- ay palaka!"Sabi ni Edrie na nagulat sakin, uupo sana sya sa kahoy na inuupuan ko eh pero nagulat sya ng makita ako

"Palaka talaga? Hahah" sabi ko at pilit na tumawa FC FC na naman ako hehe

"Akala ko kasi walang tao hahah" sabi nya

"Mukhang hindi ba ko tao?" Hindi ko namamalayang nasabi ko yun, pero mahina lang

"Ms. Kaya nga po 'Akala ko' po " sabi nya na may pandidiin sa sinabi nya

'Narinig nya pa pala yun'

Ngumiti na lang ako, tumalikod naman sya sakin at naglakad ng kaunti

"Hindi ko kilala eh hahah nakita ko lang uupo sana ako kaso may nakaupo pala.. eh Hindi ko nga nakita.. sige mang asar ka pa, kapag ikaw naasar ko ai.. hahahah" sabi nya

May kausap nga pala sya sa cellphone
Tumayo ako para pumasok na, hindi na ko nakinig sa sinasabi nun, pake ko ba--

"Eh Ken paano yan bukas? Makakapasok ka ba?"

Napatigil ako ng marinig ko ang sabi ni Edrie
KEN, si ken ang kausap nya, maupo ulit ako at nakinig hehe

"Ano ba talagang nangyari kay lolo mo?... ahh kaya pala... sayang naman ngayon ka na nga lang sana namin makakasama... hahahhaha wala yun, hindi na bago samin yun.. oo nga hahahha, sanay na kami pre.. kaya nga, kawasat tumawag tawag ka tapos sasab--" napatigil sya sa pag-sasalita nya at napatingin sa cellphone " Gago yun ah, binabaan ako hahahha" sabi nya at tumawa

Ano bang nakakatawa? Binabaan ka na nga tumawa pa, tumayo na lang ako at pumasok sa kwarto ko

Lumiliit na talaga ang mundo natin Ken, pero bakit ganun ayaw pa rin ni tadhanang pagkitain tayo? Gusto ko talaga syang makita hindi dahil sa idol ko sya at crush na crush ko sya, dahil nacucurious ako sa kanya..


......

STORY: DREAM ON YOU
CATT: TEEN FICTION
AUTHOR: GINS__GIG

ANIME LOVER :)
OTAKU :)

Vote☆
Comment
Share

DREAM ON YOU  (Published On Wattpad)Where stories live. Discover now