Which is which?

45 0 1
                                    

A/N gustong gusto ko talaga makagawa ng storya na matatapos ko! Sa totoo lang puro ako umpisa lang walang natatapos. Sabi ko dati, I wanna be a writer pero anong mapapala ko kung wala man lang ako natatapos? lol Drama mode. Sana ito na ang tagumpay ko! Hahah

---------

It all started in preschool

"You two look so adorable!" puri ng guro namin sa aming magkakapatid. Ngumiti kami lalo para e emphasize kung gaano kami ka saya sa sinabi niya.Araw araw ganoon ang sinasabi nila, lahat ng atensyon nasa amin, pati kakaklase namin laging naka buntot sa amin..

ngunit naglaho yun lahat nang may mas lumamang sa amin.

"ang ganda ng soot ni Janine..."

"she is so pretty.."

lahat ng kalaro namin pumunta na sa table ni Janine at lahat ng attention na sa kanya na!Para kaming ulam na nakalimutan lang ma ilagay sa ref, kinabukasan panis na! Ang sakit sa pakiramdam na kahapon, ngiting ngiti ka pero ngayon at bukas lukot lukot na ang pagmumukha.

Tiningnan ko ng matalim yung babae, mukha hanggang paa! Ang hindi ko alam ganito din pala ang ginawa ng kambal kong si Delevigne.

Ilang beses pang ngyari yun. Minsan inaaway ko na ang kaklase namin, yung kambal ko binabayaran pa ang iba. Minsan nag aaway na dahil sa mga laruan at iba pa.

Hanggang sa dumating ang panahon na sumuko na kami ng kambal ko sa kakakuha ng atensyon. Nawalan na kami ng pag asang mag kakaibigan ng tapat dahil lahat ng kaklase namin, kinalimutan na kami at na silaw sa kinakakatayuan ng iba. Dati rati kami ang pinag uusapan at nilalapitan ngayon halos sulyap lang di na kami mabigyan.

Araw-araw ganito kami, magkatabing nakaupo sa likod ng classroom. Nasanay na din ako, ganun na rin ata ang kakambal ko. Kami nalang lagi magkasama, magkalaro, magka kwentuhan, sabay kumain at lahat-lahat na. Wala kaming ginawa sa buong recess time kundi ang umupo sa bench at pinanonood ang mga batang katulad namin na masayang naglalaro kasama pa ang iba.

Pero akala ko hanggang doon nalang kami, akala ko lang yon.... pero hindi pala dahil nung araw na yun may ngyaring di man ka aya aya para sa iba ngunit maganda namang idinulot sa aming magkapatid, alam kong di yun pinagsisihan ng kakambal ko dahil nung araw na yon, doon kami sumikat ng todo at hinigitan pa ang iba.

"Deneuve, giniginaw na ako..." nanginginig na sabi ng kakambal ko.

"Hold my hand.." nakangiti kong sabi. Alam ko kasing pag bumalik kami sa loob, ma iinis at maiingit lang kami, mas mabuti na dito at least pagkatapos ng araw na ito, uuwi na kami.

Magkahawak kamay kami habang pinapanood ang batang lalaki papalapit sa kinaroroonan namin.

" Sali kayo sa laro namin.." sabi nung bata na ikinabigla naming dalawa!

"Sige!" sabay pa naming sabi.

"Pero isa lang ang pwede eh." bawi naman nung lalaki.

Unti-unting nawawala ang kaligayahan ko at alam kong ganun din ang kapatid ko dahil sa humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko. Hindi ko kayang sabihin na , pwede ako nalang dahil masasaktan ang kakambal ko. Di ko rin masasabing siya nalang at okay lang sa akin na hindi ako dahil talagang hindi naman talaga okay para sa akin yon!

Sa araw-araw naming pagsasama, nasanay na akong siya lang ang pinakikingan ko, karamay at kung may mananakit man sa kanya. Lalaban ko at tatapakan ko pa ang taong yun.

Tama na ang masiyadong mapili...

Sa di malamang kadahilan, hindi namin inaasahang sabay itanong ang katanungang,

"Kung mahuhulaan mo kung sino si Deneuve at Delevigne sa aming dalawa!"

Nagulat ang bata pero ngumisi naman ito agad agad.

"Now, which is which?"

Long pause.

"Siya si Deneuve at ikaw si Delevigne!" kampanteng sagot nung bata.

Napatingin ako sa kakambal ko.

"Wrong answer!"

sabay alis sa harap nung nagyaya.

Nung araw na yun, napag desisyunan namin na kami lang magkakampi sa mundong kinagagalawan namin at wala ng iba pa.

Specially when nobody nor our parents

can tell us apart..

At doon nagsimula ang larong, "Which is Which?"

Sa larong ito, dito kami unti-unting nagkaroon ng pangalan at sumikat.

The Marteris Twins!

A/n ano ang say sa kung sino man makakabasa nito? :))

Which is which?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon